ANG DATING PARAISO NGAYO'Y LIBINGAN NG MGA BUHAY

3 2 0
                                    

Tulong! Tulungan niyo kami!
Parang awa niyo na... Huwag niyo kaming balewalain.

Kuya! Tulungan nyo ako gusto ko pa Mabuhay gusto ko pang Makipaglaro sa aking mga kaibigan Makipaglaro sa putikan habang Bumubuhos ang ulan kuya tulungan nyo ako!

Kuya... Pinakikingan niyo po ba ako? Maaaring ito na ang aking hihimlayan subali't ayokong maging ito ang wakas.

Ang lamig nitong gabi, na siyang bumabalot sa buong kalupaan. Na ngayo'y nagmistulang laot ng karagatan sa gitna ng kadiliman na may mga dala dalang nakakabinging katahimikan.

Ito na ba ang wakas?

Nilalabanan ang gutom. Habang hawak ang mga palad ng mga mahal sa buhay at ngumingiti ng ang takot ay maisalba kahit di ni alam Kung meron pa bang Pag-asa.

Ayokong mawalan ng pagasa.

Nagkalat ang mga patay na hayup at halaman. Ang may galit na kalikasan ay unti unti nang nilalamon ang bawat tahanan.

Ngunit hindi nila ito kasalanan Sila'y tao lamang.

Naririnig ko, ang bawat sigaw ng mga kaluluwang naglalaboy sa aking isipan.

Humihingi nang tulong, ng ang Impyernong bangungot ay pinipilit nilang takasan.

Kuya, gusto ko na po ulit pumasok sa school. Habang hawak ang kamay ni Ina at umaawit sa gitna ng kalsada...

Katumbas ng mga buhay na ninakaw. Ay ang mga pangarap at kinabukasan na pumanaw kasabay ng kawalang pagasa sa kanilang mga mata...

Humihingi nang tulong, ng ang mga natitirang mahal sa buhay ay maisalba. Ngunit ayung Walang dumating kahit-isa

Pakiusap gumising ka.

Wag kang magkibi't balikat at isantabi ang mga bagay na nahahagkan ngayon ng iyong mga mata.

Ipakita mo't ipadama sa mga maiikling panalangin na inaalala mo sila.

Ng sa gayo'y hindi nila madama ang pagiisa.

Namamahinga ka ng mahimbing. Habang ang ilan sa kanila hindi na magkaumayaw, ng ang mga labi ng kanilang mahal sa buhay ay mailibing.

Tumatawa ka ngayo't humahalakhak.

Habang ang bawat isa sa kanila ngayo'y tumatangis at ang bawat luha sa kanilang mga mata ay hindi mapigilan sa pagpatak.

Naririnig mo ba sila?

Kuya, aalis na ako. Salamat at hinayaan mo akong humimlay sa iyong tabi. Ako'y lilisan na't hindi na mararamdaman pa ang lamig nitong gabi.

Hanggang dito nalang Paaalam kuya.

ANG DATING PARAISO NGAYO'Y LIBINGAN NG MGA BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon