Again

1 0 0
                                    

     Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kawarto. I look around to find where I am but I am not familiar with this place. Biglang bumukas ang pinto only to find my family, my husband was there standing in front of that f** door. He's looking at me intently. I saw anger and disgust in their faces.

    "What happened?" I ask.
    "What happened?, may gana ka pang itanong yan, kung gusto mong lumandi pwede ba wag mong gagawin dito sa bahay ng biyanan mo, nakakahiya sa asawa at biyanan mo" Dad said.

     Oh right the party was held at their place. So I am still here. But what? lumandi?

      I look at my husband. He looks at me with disgust. Then I look back to dad.

     "Teka ano bang nangyayari? I only remember someone grabbed me from behind then nawalan ako ng malay." I said.

     "At itatanggi mo pa talaga ha" sabi ni Dad. "Sinabi ng kapatid mo na may kalampungan kang mga lalaki taz bigla ka na lang nawala and here you are look at yourself mukha kang babaeng puta"

     That hurts, "But dad hindi naman totoo yun"

     "At gagawin mo pa akong sinungaling" Marj said. "Dad, you can ask Mark and Lucas, para malaman mong nagsasabi ako ng totoo" she said while pouting. Sh*t mukha syang palaka.

     Mark dela Cerna and Lucas Tan, belongs to rich clans kaya malakas ang loob gumawa ng kalokohan dahil tinatakpan nila ng pera,, walang ebedensyang makuha laban sa kanila.

     "But dad hindi totoo ang...." my fathers hand landed on my face. Tumabing pakabila ang ulo ko sa lakas ng sampal nya. Namanhid ang pisngi ko, pakiramdam ko uminit at nàmula ang pisngi ko. And there I saw that smirk again from my evil step sister na mukhang palakang may ketong. She's not ugly physically kaso ganun tingin ko sa kanya dahil sa sama ng ugali nya.

     And on that biglang pumasok sina Mark and Lucas. Nope, tinulak papasok pala ng dalawang gwardiya dito sa mansion ng mga Elizalde.

   I know the Elizalde will never let this off. Isa itong malaking kahihiyan. Ang kanilang manugang gumawa ng isang malaking eskandalo. Ang malala sa loob pa ng kanilang pamamahay. I look again at my husband. Now his face is blank, he was just silent there.

   "Now lets ask this two what really happen. Bakit sira sira ang damit mo? At bakit nandito ka sa kwarto na dapat ay nandun ka sa labas dahil nandun ang party."

     "Sh*t, anong gagawin ko" Alam kong walang nangyari sa amin. Dahil wala naman akong nararamdaman sa baba ko,, walang masakit maliban sa sikmura ko na sinuntok kaya ako nawalan ng malay....."Think self, think.... lusutan mo ito"...

Reborn to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon