Ellie

3 0 0
                                    

Isang masiyang bata, buong pamilya at nakukuha nya ang luho nya. Mayaman ang magulang nya. May sariling negosyo ang kanyang pamilya. Nag-aaral sa isang private school. Pero ng mamatay ang mommy nya dun na nagumpisa ang kanyang kalbayo. Namatay ang mama nya sa isang car accident. Ang kanya ama ay naging workaholic para makalimot. Bibihira nya na lang ito makita sa kanilang tahanan, dahil madalas ay nasa opisina ito o kaya nasa ibang bansa para sa business trip. Nung minsang umuwi ito galling ibang bansa may kasama na itong bagong asawa at ang anak nito.

Nung una ay maganda ang pinapakita nito kayat kahit papaano ang unti unting gumagaan ang pakiramdam nya. Ngunit pakitang tao lang pala ito dahil nung umalis uli ang kanyang Daddy para sa isang business trip, Nakita nya ang tunay na pagkatao nito,, Inilipat sya sa isang pampublikong paaralan ng hindi nalalaman ng kanyang daddy dahil gastos lang daw sya, pinagmamalupitan din sya ng mga ito,, kung dati nakakabili sya ng magagandang damit ngayon hindi na,, hindi sya pwedeng magsuot o magayos man ng kanyang sarili na masasapawan ang kanyang step sister, kelangan dapat laging angat si Marj.

Kaya ang magandang mukha at katawan ay nakatago sa isang parang ayos manang o nerd kung tawagin ng iba. Hindi naman sya nagrereklamo wala syang lakas ng loob na gawin iyun. Kaya kung ano ang sabihin sa kanya ng kanyang madrasta at kapatid ay yung ang ginagawa nya. Kapag tinatanong naman sya ng kanyang Daddy sinasagot ito ng kanyang madrasta na yun daw ang gusto nya dahil mas kumportable, kayat yumuyuko na lang sya at hindi umiimik.

Si Edward ang kayang asawa matagal nya na itong mahal pero galit ito sa kanya. Ang totoo meron ng nangyari sa kanila and yes Edward took his Vcard, pareho silang lasing nun, kaya maging sya ay di nya alam ang nangyari. Nagising nalang sya sa isang kwarto katabi si Edward na parehong walang saplot. Galit sa kanya si Edward dahil para kay Edward sya ang may kagagawan nun para matuloy ang kasal,, tutol kasi ang lalaki sa kasunduan ng kanilang magulang na magpakasal silang dalawa. Magbestfriend kasi ang Mommy nila. At isang masama at pakawalang babae naman ang tingin sa kanya ni Edward.

She was drugged, raped dahil sa kagagawan ni Marj, pero pinalabas nito na sumasama sya sa ibat ibang lalaki. Sira ang reputasyon nya at wala syang magawa. Kayat pinadidirihan sya ng mga tao, kahit katulong nila ay hindi sya pinakikitunguhan ng maganda. Until that day, nalaman nya ang sekreto ng mag-ina kaya kinulong sya ng mga ito at pinahirapan, hanggang sa mamatay sya.

Reborn to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon