Eight (JaDine)

76 3 0
                                    

Nadine's POV

"Facey! Bwisit ka, pinag-lalaruan mo si James!" sigaw ko dito kay Facey, na every hour ata ay nag-papalit ng costume niya.

"Shut up, kumain ka na lang jan!" sagot niya sakin, at halatang na bad mood siya dahil sa sinabi ko.

"Ayaw kong kumain, gusto ko lang makaalis dito!"

"Kung mag-iingay ka jan, hindi ka talaga makakawala jan."

Tumahimik na lang ako sa sinabi niya at hindi siya pinansin.

Ayoko na dito, gusto ko ng umalis...

Gusto ko ng makita si Dad... Yung mga kaibigan ko, si James...

Ay wait! Bakit si James nasama?

"Kasi, malapit ka sa kanya at aminin mo, siya ang pinaka close friend mo na lalaki," nagulat ako ng bigla-bigla nagsalita tong si Facey.

"Facey please, stop reading my mind."

"Sorry, pero kasi tayong dalawa lang naman ang nandito. Di ko maiwasan na gamitin ang kapangyarihan ko. Hahahaha!"

"So, tayo lang ang nandito?"

"Paulit-ulit? Kakasabi lang na tayo lang dalawa dito eh."

"Nakakainis ka! Sabihin mo na lang kasi kung anong kaylangan mo sakin!"

Yumuko siya at halatang may malalim na iniisip.

"Hindi mo kasi naiintindihan..."

Nagulat ako ng bigla-bigla ay nasa tabi ko siya at naka-upo sa sahig.

Parang kanina lang nandun siya sa malayo ah. Siguro dapat masanay na talaga ako sa ganyang mga moves niya.

"Edi ipaintindi mo sakin kung ano yun. I'm just here to help you, my friend..."

"Friend? Gugustuhin mo pa ba ko kaibiganin sa gagawin ko sayo?"

Napaisip ako sa sinabi niya, ano ba ang gagawin niya sakin?

"Kahit masama ang gagawin ko, kakaibiganin mo pa rin ba ko?"

Napa-ngiti ako sa sinabi niya.

"Yes, kahit masama ang gagawin mo sakin, I'm willing pa rin na maging kaibigan ka. Dahil lahat naman ng tao nagbabago..."

Hinawakan ko ang kamay niya kahit nahihirapan ako abutin ito dahil sa tali.

"Alam kong kaya mong magbago, hindi ka man normal na tao, may kabutihan ka naman sa loob mo. At yang kabutihan mo, bihira lang yan sa katulad kong normal na tao."

Nakita ko na may luha na pumatak sa mata niya, at bigla na lang natanggal ang mga tali sa kamay ko.

Yinakap ko agad siya.

"Thank you Nadine, ikaw lang ang nakaintindi sakin."

Kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya.

"Nadine, may gusto akong sabihin sayo."

Napatingin ako sa kanya at nakinig.

"Iligtas mo si James, nasa panganib siya... Iligtas mo siya, please?"

Nagulat ako sa sinabi niya at halos lumabas na ang puso ko sa sobrang pag-aalala para kay James.

"Yes, I will."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon