Five (JaDine)

148 4 0
                                    

James POV

Nandito kami sa mall, kasama ko  si Nadine.

Hindi ko ba alam sa kanya kung bakit bigla-bigla na lang nagyaya gumala eh sa pag-kakaalam ko madami siyang gagawin sa araw na 'to.

Naglalakad lakad lang kami dito. Ako naman, madaming bitbit ng paper bags na pinamili niyang mga damit.

"Nadine, diba may shooting ka ngayon?" tanong ko sa kanya dahil baka nakalimutan niya lang.

"May shooting ako!? Kaylan pa?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi niya alam na may shooting siya?

"Hindi mo alam? Sabi kasi sakin ng direktor, 3 PM dapat nandun na daw para sa shooting mo. eh halos 4 PM na po 'eh." sabi ko sa kanya.

"Eh ano pang ginagawa mo? Halika na! Ang bagal-bagal kasi kumilos." sigaw niya sakin habang tinutulak ako sa likuran ko.

Nagtataka na talaga ako sa inaasta ni Nadine sakin ngayon ha, hindi naman siya ginito sakin dati eh.

Nandito na kami sa parking lot at deretso agad kami sa kotse niya.

"Ma'am Nadine san po tayo?" tanong ng driver sa kanya.

"Gosh, hindi mo alam? Sa pinag sho-shootingan namin! Walang kwentang driver!" nanlaki ang mata ng driver sa sinabi ni Nadine.

"H-hindi ko po alam eh, sa iba't ibang lugar po kasi kayo nag- sho-shooting eh,"

"Bwiset! James, san ba yung place?" tanong niya sakin.

"Hindi ko rin po alam. Kanina po kasi ng tinawagan ako ni direk, tinatanong ko po kung saan pero sabi niya po na alam niyo na po ang lahat ng info tungkol sa shooting."

Napaiwas ng tingin si Nadine samin at parang may malalim na iniisip.

Meron talagang ugaling nagbagi sa kanya simula ng pagkaguluhan siya ng mga tao sa resturant.

Di kaya, maligno 'tong kasama ko at ginagaya ang mukha ni Nadine?

Hindi, hindi, impossible yun.

Pero kasi, bakit ganito siya kumilos, magsalita? Baka may problema lang siya.

Oo, baka nga may problema lang siya.

AAAHH! tama na tama na James. Bakit hindi ko na lang itanong sa kanya kung anong mali. Baka sakaling matulungan ko siya.

"Okay, fine, tatawagan ko muna si direk dahil nakalimutan ko yung mga details about the shooting. James, please dial his number." utos saakin ni Nadine kaya agad kong tinawagan si direk.

"Ma'am Nadine, di pa po ba tayo aalis?' yung driver.

"Hindi mo ba nakikita na hindi ko alam kung san tayo pupunta ha! pwede manahimik ka muna. nakakainis eh,"

napatahimik ang driver sa sinabi ni Nadine kaya hindi na siya nagsalita ulit.

"Nadine, hindi po nasagot eh," pintaya ko na ang tawag dahil ring lang ng ring.

"Ahhh! Basta umuwi na tayo. Mga walang kwenta!" natulala nanaman ako kay Nadine dahil grabe na siya makapag salita samin.

Gusto ko sana siya tanungin kung may problema pero hindi ko magawa dahil baka sigawan lang niya ko.

Mas mabuti na lang na manahimik na ko dito.

Nag-umpisa na kami umuwi.

---

Nadine POV

*blink blink*

Minulat ko ang mga mata ko at halos nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa sobrang dilim ng paligid.

Nasan ako?

Tinignan ko ang buong paligid at parang nasa isang....

Bodega?

"Hello? May tao ba diyan?" sigaw ko. Pero ang sumagot sakin ay echo lang ng boses ko.

What the?!

Bakit nakatali ang mga kamay ko at paa?

"AHHH! tulungan niyo ko!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga tali.

Anong nagyari sakin? Wala kong maalala.

"Tulong, tulong! Pakawalan niyo ko dito."  pilit ko pa rin na inaalis ang mga tali na nasa kamay at paa ko. Alam kong di ko rin naman 'to maalis agad-agad dahil sobrang kapal ng tali na'to at mahigpit pa.

Sinubukan kong gumapang dahil nasa lapag lang ako nakaupo pero nakatali sa bakal tong mga tali.

Ano bang nagyayari? San ba ko galing? Bakit ako napunta dito? Sino ang dumukot sakin? Pano ko makakatakas dito?

"Well, well, well. Hello Nadine! By the way, ang dami mong tanong ha! Isa-sa lang, kalma lang dude." nagulat ako ng biglang may sumulpot na babae dito sa tanging liwanag na nang gagaling lang sa siwang ng pintuan.

"Sino ka? at bakit mo ko kilala?"

"Nadag-dagan nanaman ang mga tanong mo? Hahahaha!" kinabahan ako sa kanyang tawa. Parang may kakaiba sa mga tawa niya. tawa ng hindi ordinaryong tao.

"Unang-una ako si the face maker! Hahaha! But you can call me FACEY."

"Naka-drugs ka ba?"

"Ang hard mo naman! Ang ganda ganda ng pangalan ko eh!"

"Unang-una sa lahat F-facey, hindi pangalan ang the face maker."

"Basta ang dami mong arte eh!"

Nanahimik na lang ako nakinig sa kanya.

"Pangalawa, anong nangyari sa'yo? Ikaw lang naman ay pinag-kagukuhan ng mga tao sa loob ng resturant at sa labas. *wink* "

"Pangatlo, san ka nang-galing? Edi siyempre sa matres ng nanay mo! Hindi joke lang! Nangaling ka sa resturant *wink* "

"Pang-apat, bakit ka napunta dito?

Nag dahil sa powers ng resturant *wink* "

"Pang-lima, sino ang dumukot sayo?

Aba! Sino ba ang nasa harap mo ngayon? The one and only Facey! Hahaha! *wink*  "

"At ang huli, pano ka makakatakas? By the use of Blah blah! Ano ka chix at sasabihin ko sayo? Hahaha!*Wink* Good luck bebe Nadine!"

Anong meron sa wink? AHHH!

---
Note: wag sana kayo malito XD By february 2, i post the next update, I promise. Or baka mapaaga pa.

Thanks for reading! Lalo na sa mga taong nag-vovote and put my story to their reading list.

If you want, read my other story, Mr.Chinito. hahaha! Promote, promote din.

Love you all :* Mabuhay si Pope Francis mwah :*

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon