One (JaDine)

321 7 4
                                    

James POV

Nandito ako ngayon sa isang mataas na building sa Maynila.

Isa akong probinsyanong lalaki na galing sa Bicol. Nandito ako ngayon sa Maynila para magtrabaho sa isang Company at para din makatulong sa palayan namin doon.

"Wow, ang laki ng mga building dito!" tuwang-tuwa ako ngayon dahil bata pa lang, pangarap ko ng makapunta dito.

Kinuha ko yung papel na ibinigay sa akin ni Mr.Lustre.

si Mr.Lustre  taga dito sa Maynila at siya daw ang mag-papasok sa akin dito sa Company.

Binasa ko yung adress at hinanap yun.

Fashion wear Company

1054 Sunshine Road

Sunshine Road?

Patay, hindi ko alam yun.

Pero sandali, may nakalagay na contact number dito sa ilalim nakalagay.

0932*******

Kinuha ko yung cellphone ko na mukhang gusto nang magpahinga at tinawagan ang number.

(Yung mga naka bold letters ay yung kausap ni James sa phone at yung hindi bold letters ay si James.)

"Hello?"

"Yes, who's this?"

"Ako po si Robert James Reid. ako po yung lalaki na kausap ni Mr. Lustre,"

"Oh, James! Tinanggap mo na ang offer ko?"

"Opo. Kaso lang hindi ko po alam yung building niyo kung nasan?"

"Nasan ka ba ngayon? susunduin na lang kita,"

Nagtingin tingin ako sa paligid.

"Nandito po ko sa may malaki na building na madaming posters na nakadikit sa mga salamin puro mga damit po yung mga nakalagay. Sa likod po may 7 eleven at Jollibee."

"Verry Good! Lalabas na lang ako. Nandyan ka na sa tapat ng building namin. Wait for me, bye."

Namatay na yung tawag at hinintay n lang si Mr. Lustre.

"James!" tumingin ako sa likod at nakita ko na agad si Mr.Lustre.

Nag-shake hands ko sa kanya at bumati ng good morning.

"Tara, pasok ka na sa building, pag-uusapan natin yung trabaho mo."

Pumasok na kami sa building at sobrang nakakamangha lang talaga.

Ang gaganda ng mga ilaw nila pati mga upuan, tapoa yung pinto nila kusang nag bubukas.

Sumakay kami sa elevator papuntang office niya daw.

"Pasok,"

Pumasok na ko sa loob at pinaupo niya ko sa may upuan katabi ng table niya.

"So James, anong gusto mong trabaho?" tanong niya sa akin.

"Kahit ano po, kayo na ang bahala."

"Ano nga ang pangalan mo? Birthday? at Age?"

"Ako po si Robert James Reid. May 11, 1993 po ang birthday ko at 21 years old na po ko."

"Naghahanap kasi ang anak ko ng alalay niya. Isa siyang model dito sa company namin ng mga damit. Meron naman siyang assistant pero minsan hindi pwede yung assistant niya dahil may mga anak ito. Gusto kita sana maging personal assistant ng anak ko kung gusto mo."

"Sige po! Madali lang po yun."

"Good. Kaylan mo gusto mag- start?"

"Baka bukas na po. kasi wala pa po kong matutuluyan ngayon."

"Dito ka na lang sa hotel namin sa tabi nitong building," may binigay siya sakin na card. "ibigay mo lang yan sa cashier at sabihin ang gusto mong room. Hindi mo na kaylangan bayadan yan. Basta ipangako mo lang na magsisipag ka sa trabaho mo."

"Sige po Sir, salamat ng marami." palabas na sana ko ng pinto ng may biglang pumasok.

"Hi Dad! Where's my P.A?"

Grabe, ang ganda niya.

"Siya, si James."

"Hi James!" nakipag shake hands siya sa akin.

"My name is Nadine Lustre. Bukas may photo shoot ako sa Tagaytay. Kaylangan nandito ka na ng 6 AM. See you, bye James, dad!"

Grabe, siya yun? As,in? Edi walang problema, sisipagin na ko araw-araw sa pag ta-trabaho!

---
Note:  Si James yung nasa picture. Ganyan talaga face niya, dahil nga galing sa probinsya at nag bubukid siya dun. Pero, pogi pa rin XD sa mga JaDine fans diyan, thank you for reading this!

P.S: JaDine Fan po ko. Mas gusto ko po sila and ang sunod ay LizQueen at ang Marnella :)

Shooting StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon