Isang mainit na araw nanaman dito sa builing ng Nursing. Our profs have meetings and kaming mga students na walang ganap ay nakatambay sa hallway, yung iba naman ay natutulog sa loob ng class at pasimpleng hinihigaan ang beds na bawal naman higaan at tulugan.
"Another boring day." Umirap ako at tumingin sa aking katabi na si Jeyro.
"I know girl! Kung alam ko lang na ganito ang mang yayari sa araw natin, edi sana nag hanap na lang tayo ng mga pogi sa gym!" He lamented. Jeyro is a good friend of mine and one of our similarity is that we like boys.
"Nako, mhie pass muna ako sa mga sweaty boys. Baka magalit sakin ang jowa malaman na umaarte ako dito while andun sya sa kaniyang pinaka mamahal na private university." Nakailang irap na ako ngayong araw , sa sobrang irita. Hindi na yata gaganda ang araw na ito!
Sa isang state university ako nag aaral, libre at walang tuition na dapat intindihin while my boyfriend of 2 years is studying in a private university just across my university. I am wearing our usual daily uniform, puting puti at naka bun pa ang buhok. Minsan hindi na ako maka aura dahil mukha akong birhen sa policies kagaya ng ganito ng aming college.
"Tara let's cut class!" Bulong saakin ng isa kong barkada. Si Leila. Maganda, katamtamang matalino pero pasado naman.
"Saan naman tayo?" I asked her. Nasa likod nya ang iiba pa naming mgakabarkada na mga nag sisipag ayos at nag lalagay na ng liptint sa kanilang mga labi.
"Inom." Iyon lang ang sinabi nila at umalis na sila sa harap ko samantalang ako naman ay inaayos na ang buhok at patayo na. Hinila ko si Jeyro para may kasama akong uuwi dahil pareho lang naman kami ng way pauwi. Nakakunot pa nga ang noo nya habang hinihila ko sya.
"Girl fourth year na tayo, kiber na natin yan. Tumatanda na tayo 'no! After natin grumaduate review agad and trabaho! Loosen up a bit kailangan nating mag sa-" He cut me off.
"Yeah okay fine! Tingin ko din naman hindi na tayo imemeet pa ng mga profs natin like its already 4:15"
Pumalakpak ako habang sumusunod sa mga nauuna saamin.
I did not bother texting my boyfriend kasi tiyak naman he's also out with his friends. Like ilang date ba naman namin ang na post poned dahil lang may lakad silang mag kakaibigan. Umirap ako at that thought. Nang makarating kami kung saan kami iinom ay agad agad kaming nag suot ng tshirt, i mean pinatong namin sa uniform ang mga baon na tshirt syempre para papasukin kami sa loob. Bawal kasi ang estudyante sa mga ganitong establishments.
I surveyed the whole place. May mga neon lights sign bago lang itong lugar na ito and hindi ito ang usual place na tinatambayan namin. Sa bandang harap may counter doon at sa harapnaman ay ang mga naka display na mga alak, mamahalin ang mga naka display na alak duon, may mga black label, champagne and so on. And kami eto hanggang alfonso lang tapos ambagan pa.
"Oh guys money down muna at tuwing nalalasing kayo kanya kanya na agad kayong uwi." Nag tawanan kami.
"MGA NURSE NG BAYAN. KAMPAY!" Sabay sabay naming pinag untog ang aming mga baso at sabay sabay lumagok. Sampo kaming nakaikot sa table may iilang mga lalake ngunit mas lamang ang babae sa aming mag kakaibigan. Nag kakatuwaan dahil kung sino pa nga naman ang dapat nag babawal na hindi dapat uminom at dapat alagaan ang atay ay sila pa itong mukhang uuwi ng gegewang gewang.
Nag vibrate ang phone ko at nakitang tumatawag dito si Gin.Boyfrined ko. SInenyasan ko ang mga kasama ko na tumahimik dahil hindi nya pwedeng malaman na umiinom ako.
BINABASA MO ANG
Burnt
Romance"Love is a fire. But whether it is going to warm your heart or burn down your house, you can never tell."-Joan Crawford