BURNT 5

0 0 0
                                    


Nakalimutan ko na ang lungkot na naramdaman kanina lamang. Blaise is still standing beside me, enjoying the show.

This will be the last song the band will perform.


Lahat ng nasa paligid ko ay mag kahawak na ang kamay.


"I'm s-sorry babe." Biglang sumulpot sa gilid ko si Gin pawis na pawis na tila ba kanina pa tumatakbo. Napatingin ako sa itsura nya.


"Ano ang nanyari?" Pag aalala ko. Hinawakan ko ang buhok nya at inayos iyon. "Akala ko hindi ka na pupunta. Last song na ang i peperform." Pag tatampo ko. "Buti na lang andito si Bla-" tiningnan ko ang aking gilid at nakitang wala na don si Blaise, hinahanap sya ng aking mga mata ngunit wala na sya sa paligid.


"I'm really sorry, something came up. It's mom." Aniya sa hiningal pa din. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Tampo, galit, hinanakit ngunit hindi ko iyon mapakita sa kaniya.


"Dito ka lang sa 'kin
Magpahinga muna, lalabanan din
Mga dambuhalang mga pasanin
Lapag mo lang muna, kakayanin din
Kumapit ka, sinta, matatapos ang problema
Malapit na, pero 'di rin kasalanang magpahinga" Magpahinga by Ben & Ben


"Sana hindi ka na sumunod. Tapos na ng pumunta ka. Ni hindi ka mag reply sa mga messages ko sayo." Diretso kong sabi siguro naman natutunugan nya na hindi ko gusto ang mga nanyayari.


"I'll make it up to you." Tangi nyang nasabi. Hindi ko alam kung ano ang nanyayari kay Gin ngayon. Hindi ko alam baka mamaya mayroon na syang ibang babae. Naging ganito lang sya simula nung nag punta ako sa kanila.



"You'll make it up to me? Really?" I said sarcastically.



Papalabas na kami ng venue at hindi matigil ang ulo ko kakalingon baka sakaling makita pa si Blaise. I enjoyed his company kahit nakatayo lang sya sa aking tabi. I guess thats what I really needed for a while.



Hinawakan ni Gin ang kamay ko at inalis ko iyon. Napatingin naman sya duon at nakita ko sa kaniyang reaksyon na tila ba nasaktan sya.


"Let's talk." Hinawakan nya ulit ang aking kamay at hinila na papunta sa nakapatk nyang raptor.


Tahimik buong byahe at napansin ko din na hindi kami sa usual na daan papauwi. Mukhang mag uusap yata kami kung saan man. It's 7pm.

Nag tatayugan ang mga buildings dito sa BGC at lumiko sya sa isang street kung saan mayroong restaurant at tingin ko duon yata kami mag uusap.


Tama nga ako. Pumasok kami sa resto na nakita ko, engrande at mukhang mamahalin ang resto na ito. Sobrang out of place ang itsura at pananamit ko ngayon. Medyo dinapuan ako ng hiya dahil ilan sa mga kumakain ay napatingin sa banda namin at nakataas ang kilay na tila ba isa akong langaw na nakapasok sa loob ng restaurant na ito. Nakahawak pa rin ang kamay ni Gin sa akin habang sinasamahan kami ng receptionist sa isang private room sa restaurant kung saan sumakay pa kami sa elevator.


Nang nakapasok na kami ay binigay na ng receptionist ang menu. Hindi ko alam ag oorderin dahil sobrang mahal naman ng mga pag kain dito. Tanaw mula dito ang kalakhan ng syudad. Napaka gandang pag masdan ngunit sa namumuong tensyon sa loob hindi ko tuloy maenjoy. Ang babaeng receptionist ay umalis na para ihanda ang aming orders.



BurntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon