I went home that day. Sad.
"Myth, you sure you don't wanna join us?" Inaaya ako nila Steph na uminom. Pero hindi ako sasama dahil ayoko na rin naman mang yari ang nangyari nung nakaraan.
"No. Bawi ako sa susunod." I smiled at them. Nandidito kami sa loob ng class habang hinihintay na mag simula ang klase. This is our last subject and Gin is not texting me. Wala pa rin paramdam. I wonder kung nasan sya ngayon. It's past 5 in the afternoon and 6 ang dismissal namin.
Ngayong week na din ang music fest na sinasabi ko kay Gin. Ang tagal ng oras kapag ganitong bored na bored ako habang nag hihintay ng text nya. Tho hindi ko din sha tinetext.
After ko makauwi galing sa kanila that day, mayroon awkward moments kami sa loob ng sasakyan. Siguro dahil na rin sa narinig namin pareho sa kaniyang ina. Tatlo araw na ang nakalipas since that day. And medyo distant pa din sa akin si Gin. I don't know whats up with him.
"Why won't he pick up his phone?" Pang unang tawag ko sa kaniya ngunit walang sumagot.
Siguro dapat umuwi na lang ako ngayon. Malungkot akong nag lakad palabas ng university papadilim na sa labas ang ingay, usok at busina ng mga sasakyan ang unang sasalubong saiyo pag labas mo ng university. At ang una mong matatanaw ay ang mga nag tatayugang building sa kabilang side ng kalsada, mas makukulay ang pintura at mas mukhang moderno ang mga building sa University nila Gin, mahal ang tuition kaya tanging mayayaman ang nakakapag aral sa lugar na iyon. Pero kahit nag kakalayo sa presyo ng tuition kapag sa labas na ng university ay hindi na ito mahalaga dahil parehong hangin lang naman ang sinisinghot nyo may tama lang talaga yung sa iba.
Ginawa ko kung ano ang nasa isip ko. Tumawid ako sa overpass patungo sa kanilang University. Sisilip lang ako baka sakaling mag ka salubong kami.
Nasa labas na ako ako ng University nila. Ang mga estudyanteng naka blue at white irg shirt ay sunod sunod ng nag lalabasan.
5 minutes
10 minutes
20 minutes
30 minutes
Walang anino ni Gin kahit usok ng sasakyan nya ay walang rumihistro saakin. Kaya naman nag desisyon na akong umuwi.
Nakatulala sa aking kwarto ng biglang nag ring ang aking phone dahil sa isang tawag. Agad akong bumangon at nag hahadaling sagutin ang phone dahil alam kong si Gin na ito.
"Babe!" Sabik na tawag ko.
"Girl! This is not Gin!" Boses ng babae ang una kong narinig at agad kong inilayo ang phone sa tenga at tiningnan ang pangalan ng kung sino man ang nasa kabilang linya. It was Bene.
"Why? Bakit ka napatawag?" Malungkot kong tugon. Rinig na rinig ko sa kabilang linya ang ingay ng tugtugan. Kasama siya ng iba pa naming kaklase na lumabas ngayon para uminom.
"Wala lang just checking you out! Like gurl sayang hindi ka sumama ang daming gwapo dito sa Booze!" Napa kunot ang aking noo.
"Booze? Sa high-end pa talaga kayo uminom ha? Daming budget sana all sis!" Biro ko sa kaniya pero matamlay pa din.
"Uh kasi naman ang daming jejemon kanina sa usual place natin!" Biro nya at tumatawa tawa pa. Halatang lasing na pero kaya pa rin naman makapag isip nito ng tama.
"Well sige na just send me pics na lang para makita ko kung ano ang pinag gagagawa nyo diyan!"
She did what I said. Nag send sya ng pictures kasama ang ilang mga kaibigan. Ang iba ay mga namumula na at ang iba naman ay kung saan saan nakatingin.
BINABASA MO ANG
Burnt
Romansa"Love is a fire. But whether it is going to warm your heart or burn down your house, you can never tell."-Joan Crawford