Tahimik buong byahe. Tila walang gustong bumasag ng katahimikan. Ni hindi ko rin nabanggit sa kaniya na naka gasgas ako ng sasakyan.
Pag kababa ko ng sasakyan di kalayuan saamin ay tsaka ko lamang naramdaman ang mas matinding kaba. Mas matindi pa sa pag kakagasgas ko sa kotse ng gwapo na iyon at pag babayad ng malaki.
"Sana hindi nagising si mama!" Sabay hinga ko ng malalim. Ng tuluyan ng makapasok sa gate ag maingat na isinara ang pinto, pag pasok ko sa simple naming tahanan ay nakapatay pa rin ang mga ilaw. Malapit ng mag alas dose kaya naman natitiyak ko na tulog na si mama at hindi na napansin ang pag alis ko kanina.
Hinubad ko na ang sapatos ko at hiwakan ito unti unti at dahan dahan kong binuksan ang pintuan ss aking kwarto at laking gulat ko na naka upo duon si mama.
"Kailan ka pa natuto na tumakas?" Naka tingin sya sa gilid habang unti unting hinaharap saakin ang kaniyang tingin.
Wala akong maisagot. Naka yuko lamang ako. Tumayo sya at ramdam na ramdam ko ang galit nya ngunit bago pa ako makapag salita isang malakas na sampal ang inabot ko kaya naman napahawak ako sa aking pisngi.
"Parang ikaw ang may ari ng bahay na ito?! Kaya mo na ba pakainin ang sarili mo? Wala ka na ngang naidulot na maganda sa buhay ko ganito pa ang ginagawa mo!" Ramdam na ramdam ko ang pang gagalaiti ni mama. Umiiyak ako ngunit nakayuko parin at dinadama ang sakit ng sampal nya sakin.
"Sumagot kang bata ka! San ka nag punta?! May boyfriend ka na ba?!" Iyon ang ayaw ni mama ang mag ka boyfriend ako habang nag aaral.
"W-wala m-mama." Pag hikbi ko.
"Nakikita mo ba iyang suot mo ngayon? Tumingin ka ba sa salamin?! Mukha kang nag tatawag ng lalake! Sabihin mo sakin ano ang ginawa mo at nagawa mong tumakas?!"
"Ma, nag ka yayaan lang kaming mag kakaibigan." Iyon na lamang ang aking sinabi.
Tiningnan niya ako ng masama at tinalikuran ako papuntang pintuan ng aking kwarto.
"Sana ikaw na lang ang nawala, hindi ang papa mo!" May diin at malamig nyang sabi.
Pag iyak na ang nag patulog saakin sa gabing iyon.
Pumasok akong maga ang aking mga mata at iilang kaibigan ang nakapansin nito. Ang sinabi ko na lamang ay nag ka problema ako sa pag aaral kaya nag break down.
"Nako Myth! Pag iyan talaga kagagawan ng Jeyro na iyon mananagot sakin yon. I'm gonna tell mom para isumbong sya kay Tita!"Walang ideya si Jeyro sa kung ano ang estado ng relasyon namin sa mommy ni Gin dahil kahit ako hindi ko din alam kung ano nga ba talaga ang opinyon saamin ni tita.
"Promise Jey, hindi talaga sya sadyang nahirapan lang akong mag sa ulo kagabi." I tapped his shoulders at nginitian. Tumango na lang din sya at nginitian na din ako.
"Okay sabi mo e!"
Days went by, fast.
Nag aayos na ako sa aking kwarto at kinuha ang aking mga damit na susuotin para sa music fest mamaya. Free admission lang kaya natitiyak ko na madami ang taong dadalo dahil sikat din ang banda na tutugtog. Kinuha ko ang fitted maong pants ko at isang crop top na kulay mustard.
BINABASA MO ANG
Burnt
Romance"Love is a fire. But whether it is going to warm your heart or burn down your house, you can never tell."-Joan Crawford