Chapter 7 : My Rabbit

24 4 0
                                    

Taehyung's POV

Dinala ko si sa garden kung saan maraming rabbit.. hehe namiss ko ung mga bestfriend ko

"hubarin mo na yang jacket mo!" Sabi ko kay je-in... eh medyo mainit kasi sa pupuntahan namin, pero nakita ko ung mukha niya na parang nagulat.. pero hindi niya hinubad ung jacket niya

"Huy sabi ko hubadin mo na jacket mo!" Bumalik ung mukha niya sa realidad.. anu nanaman kaya iniisip ng babaeng to

"Bakit moko pinaghuhubad? Manyak ka no? Akala ko napakatino mo! Tapos gagawin moto! Saka virgin pako!" hahaha gusto kong humalakhak ng napakalakas... ganon ba talaga tingin niya sakin? Saka wala akong pake kung virgin siya o hindi, hindi naman un ung point ko... pinaghuhubad ko siya kasi papasok kami sa garden na kulungan ng mga bestfriend ko... ang init kaya dun.. baka ma-heatstroke pa siya, kasalanan ko pa aishhhh.. pro sige sakyan ko muna tong kabaliwan ni Je-in.. hahahahaha
.
.
akmang tatakbo na si Je-in.. pero dahil trip ko siya ngayon... ay may balak akong gawin! Hulaan niyo hehe...
.
.
.
hinawakan ko ang kamay niya at isinandal sa puno

"Ano ba bitawan moko!" ani niya.. gusto ko na talaga humalakhak ng sobra dahil sa expression ng babaeng to

"Wag mo naman tong gawin maawa ka saakin!" Pagmamakaawa ni Je-in

"Diba sabi mo manyak ako! Dapat ko na pala to gawin... dahil nalaman mo na!" Nakangisi kong sambit... aba dapat din may expression din ung pagkakasabi ko para mas matakot siya...

"Ui please naman... nangako ako sa sarili ko na kay Jin oppa ko lang ibibigay virginity ko!" Hala di ba siya nahihiya sa sinasabi niya... ganun naba talaga kapangit ung tingin niya sakin... pero sige lang si ako kasi trip ko nga siya

"Mas okay nga to eh... mauunahan ko siya!" Pananakot ko pa sakanya... haha kung makikita mo lang talaga ung expression niya.... kaya mas nilapit ko pa mukha ko sakanya para akalain niyang hahalikan ko siya...

"Maawa ka pleas---" naputol ung sasabihin niya dahil paglapit pa lalo ng mukha ko sa mukha niya... kaya napapikit siya
.
.
.
antagal niya ding nakapikit akala niya talaga hahalikan ko siya... huy te wag assuming...

"Hahahahaha...!" Di ko na napigilang tumawa dahil sa expression niya hahaha... ang cute niya promise... hahaha! A-ano? Sinabi kong cute siya?

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya ng mayroong dismayadong mukha!

"Nakakatawa ka kasi!" Sagot ko

"pagsasamantalahan mo na nga ako lahat lahat tapos may gana kapang tumawa!"

"Hahaha! Ganun na ba talaga tingin mo sakin huh?"

"Eh ano pala tong ginagawa mo?"

"Eh nakakatawa kasi iniisip mo! Saka hindi kita pagsasamantalahan! Sayang naman kagwapuhan ko.. wag kang assuming huy!"

"Bwisit!" Sabi ni Je-in at inirapan ako

"Tanga ka ba?... diba kanina lang pinag-uusapan natin ung documentation na gagawin natin.. tapos ngayon kung ano ano iniisip mo!" Sambit ko... ah diba pahiya siya

" eh bat moko pinapaghubad ng jacket?!"

"Nakikita mo bayong kulungan na garden?" Sabay turo dun sa butterfly garden... amf kahit butterfly garden po un ay may mga rabbit dun... at ung sinasabi ko palang bestfriend ay ung mga rabbit hehe.... may naalala tuloy ako! Hmff secret lang un

"malamang! May mata ako diba? Di naman ako bulag! tanong pa more.. commonsense naman! Oo nakikita ko bakit?" pambabara niyang sagot

"Siguro malamig dun no.. kasi kulob kaya pinahuhubad ko jacket mo!" Sarkastiko ko ding sagot.. aba hindi lang naman siya ang may karapatang maging sarkastiko at maging mapambara

Mischievous Kiseu(K-pop FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon