Chapter 1: *Y*O*U*

54 0 0
                                    

*DYLAN*


"Sinabi ko naman sayo na wag mong kukuhain yung mission na yon eh!" sigaw ni mommy kay daddy habang nakahawak siya sa cellphone niya. "Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na kailangan nila ako? Hindi mo ba talaga maintindihan?" iritadong sagot ni daddy kay mommy habang nagmamaneho ito. Hindi ko alam yung pinaguusapan nila, kaya nakaupo lang ako sa passenger seat at nakikinig.Siguro masyado pa akong bata para maintindihan yung pinaguusapan nila, MISSION? Anong mission yung pinaguusapan nila? "Saan ba tayo pupunta? Ba't kailangan nating umalis?!" nagmamadaling tanong ni mommy. "Kailangan nating lumipat, kailangan nating protektahan si Dylan." Bigla akong nagulat nung minention nila yung pangalan ko. Ano kayang meron? "Ano ba ang nangyare?" kabadong tanong ni mommy kay daddy. " Alam na niya kung saan kami nakatira ni Jeff, hinahanap na nila kami ngayon." pabulong na sabi ni daddy kay mommy. Hindi ko alam kung anong nangyayare, may kaaway ba kami? o may utang na hindi nabayaran? Ba't mukha silang kabadong kabado? Naalala ko dati na may sinabi si daddy kay mommy na tawagan daw niya si Jeff, at sabihing nakita na raw si David. Habang sinasabi ni daddy yon kay mommy mukha siyang nagmamadali. Doon nagsimula yung curiosity ko nung bata pa ako. Mukha kasing may tinatago sila saakin. "Jeff, David" yun yung mga pangalan na hindi ko makakalimutan. " BRYAN MAY KOTSE!" biglang sigaw ni mommy kay daddy. Nang biglang may bumangga sa kotse namin. Nawalan ako ng malay at bigla akong nanghina. Pagdilat ko ng mata ko, may nakita akong lalaking nakaitim at naka sumbrero, at may kinukuha siya sa bulsa ni daddy. Hindi ko makita yung mukha niya kaya yung sumbrero at damit niya lang ang nakikita at naaalala ko. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Mas lalo akong ng hina nang makita kong hindi na gumagalaw sila mommy and daddy. "Tulong! Tulong! Heuheuheu" sigaw ko habang umiiyak. "Mom-mmy? Heuheu, Dadd-dy?" pilit ko silang tinatawag, kasi hindi ko talaga alam ang nangyayare. Bigla kong nahalata na nasusunog na pala yung kotse namin. Pilit ko binubuksan yung pinto, pero wala na akong lakas para buksan ito. Nawalan na ako ng pag-asa. Nang biglang may bumukas ng pinto sa kanan ko at nakakita ako ng isang babae. Tinulungan niya akong makalabas sa sasakyan. Nang makalabas na ako, bigla akong napahiga sa sobrang sakit at hina ng katawan ko. Nang biglang sumabog yung sasakyan namin. Malayo na kami sa sasakyan kaya hindi umabot saamin yung apoy. "MOMMYY!! DADDY!!! HeuHeuHeuuuuu. Mom, Dad!"


"Dylan! Oy! Dylan! Gising! Gising!" bigla akong nagising sa sobrang lakas ng sigaw. "Okay ka lang? Pawis na pawis ka oh! Akala ko nabangungot ka na."

Alalang sabi ni Sena, siya yung babaeng nagligtas saakin nung bata ako. 7 years na'ng nakalipas after ng aksidente magkasama parin kami."Okay lang ako. Nakakainis, bakit iyon ulit yung panaginip ko? Nakakainis talaga. Urrgggghh." inis na sabi ko habang kumakamot ng ulo.


"Ganon ulit?! Baka sign lang yan na wag mong kakalimutan yung pangyayari na yon." Sabi ni Sena habang tinutupi yung kumot ko. "Baka nga, pero ba't hindi ko dapat kalimutan?" Sabi ko habang tinutulungan siyang ligpitin yung kama.


" Nako matalino ka! Kaya masasagot mo rin yang tanong mo." sabi niya sakin habang may chinecheck sa cellphone niya. "Wow! So pinupuri mo na ako ngayon? Hahahahaahaa. Ayy oo nga pala kailan na ulit yung first day ng klase?" nakangiti at biglang seryosong tanong ko sa kanya.


"Next week ng Tuesday na." sagot niya sakin habang nakatingin parin sa cellphone niya. "Ahhh, pano ba yan? Baka ako ulit yung Top 1. Hahahahahaahaha!" pangasar ko sa kanya habang tumatawa. Bigla siyang humarap sakin " Kapal mo naman! Mas matalino na ako sayo ngayon no! Abangan mo lang, matatalo rin kita." sabi niya sakin sabay balik ulit yung tingin niya sa cellphone niya.


"Ano bang meron jan sa cellphone mo?" tanong ko sa kanya at sumisilip kung anong tinitingnan niya sa cellphone niya.


"Wala to! May sinesearch lang ako." sabay tago niya ng cellphone niya sa likod niya. " Ano nga! Bilis na, grabe ka! Parang wala naman tayong pinagsamahan" Sabi ko habang pilit na kinukuha yung cellphone sa likod niya.


"Wala nga! At tsaka hindi porket may pinagsamahan, pede agad sabihin lahat ng sikreto. May mga sikreto ring ikaw lang dapat ang nakakaalam." seryosong sabi niya saakin habang tinatago parin yung cellphone sa likod niya. "Ayy sikreto ba yan? Sorry. Dapat kasi sinabi mo kaagad." sabi ko sa kanya at tinigilan ko na siya.


Siya kasi yung tipong kapag sikreto sikreto, wala pang taong nakakaalam ng mga sikreto niya puwera na lang sa mommy and daady niya. May ibang sikreto naman siyang sinasabi pero kapag importanteng importante yung sikreto, talagang tinatago niya. Kaya napaka trustworthy niyang tao eh.


"Sena! Dylan! Bumaba na kayo dito, kakain na!" sigaw ni tito JC, siya yung daddy ni Sena, siya yung nagpatuloy sakin dito sa bahay nila. "Nanjan na po dad!" sigaw ni Sena habang nagmamadaling pinatay yung phone niya. "Bilisan nyo! mauubos ko na yung hotdog dito!" Wait what?! Hotdog! OMG! Favorite ko.


Bigla kaming nagkatinginan ni Sena nang marinig namin si tito. Paborito niya rin kasi yung hotdog. Nagkatinginan kami, sabay takbo sa baba.


" Oi! Wait ako una oi!" sigaw ni Sena habang hila hila yung damit ko habang pababa kami ng hagdanan.


" Grabe ang daya! Oi! Wag! Masisira yung damit ko!" iritadong sigaw ko sa kanya.


Sabay kaming nakarating sa mesa. "Oh! Dylan anong nangyare sayo." natatawang tanong ni tito nang makita niya ako. Kasi sobrang gulo ng buhok ko dahil sinabunutan ako ni Sena, at yung damit ko banat na sa kakahila niya. Mukha tuloy akong napagsamantalahan. "Si Sena po kasi! Ang kulit! Kainis." sabi ko habang inaayos ko yung buhok. "Hehehe, Sorry." sabi niya habang inaayos yung damit ko.


"Hayy nako, buti nalang maraming niluto yung tita mo. Alam ko nang magiging ganyan kayo eh. " asar ni tito saamin. "Hahahahaha! Thank you dad." nakangiting sabi ni Sena. Umupo na kami para kumain nangkukuha na ako ng hotdog, biglang kinuha ni Sena yung hotdog na nasa fork ko na.


"Akin yan! Ano ba yan ang dami dami niyan eh, yung sakin pa kukuhain mo." iritadong sabi ko habang nakaturo sa pinggan niya. "Marami pala eh, edi kumuha ka nla-" "Sige! Ako nalang magpaparaya. Lagi naman eh. Kailangan laging lalaki yung nagpaparaya." bigla kong sabi sa kanya, hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya.


"Buti alam mo, Hahhaahahah!" Asar niya, pero hindi ko siya pinapansin, kumakain lang ako.


"Mhhm! Dad saan ka pupunta?" tanong ni Sena kay tito dahil mukhang aalis ito. " May bibisitahin lang akong kaibigan." sagot ni tito kay Sena habang nakatingin sa salamin at naglalagay ng belt. "Hindi na kayo kakain tito?" tanong ko habang may laman paring pagkain yung bibig ko.


" Ayusin mo nga yung labi mo ang daming ketsup!" sigaw sakin ni Sena habang binibigyan ako ng tissue. "Doon na ako kakain." sagot ni tito habang naglalagay na ng sapatos.

"Sige alis na ako, wag kayong pupunta kung saan saan ah. Tawag nyo lang ako kung may problema okay?" sabi ni tito habang nakaharap samin. "Saan po ba si mommy?" tanong ni Sena habang nakakunot yung noo niya.


"May pinuntahan ata. Sige bye na" sagot ni tito. " Ingat da-" sigaw ni Sena pero bigla ng lumabas si tito. " Bastos, may sasabihin pa nga ako eh." "Hahahahhahahaha! Chill!" sagot ko sa kanya habang tumatawa.

My FIRST and LASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon