KHALIAN'S POINT OF VIEW
"Khal bilisan mo dyan" ang sabi ni ate Sha ang pinaka matanda samin mag kakapatid
By the way hindi pa pala ako nag papakilala sainyo I'm Khalian Crimson Cohen, 23 Years old Engineering student pansin ko hindi ako nag business ad kase mas gusto ko mag engineering kase gusto ko gumawa ng bahay and buildings kaya nag engineering pinili ko ako payag naman sila mom about sa gusto ko dahil si ate sha naman yung mag papatakbo ng company namin atchaka kaming apat nila ice gusto na talaga namin maging engineer kaya ayun pati sa college di kami nag hihiwalay
"Nag aayus kana ba?" ang tanong ni ate sha kaya napatingin ako nung sumilip sya sa may pinto
"Oo naman ate" ang sabi ko habang inaayus ko yung i.d ko
"Bilisan mo dyan dahil mag babreakfast pa tayo baka malate kayo nyan traffic pa naman" ang sabi ni ate sha
"Ok ate" ang sabi ko sabay sinuot ko na yung blazer ko after ko ayusin yung I.d ko at kinuha ko yung bag ko then lumabas ng kwarto at pumunta ng dinning area
"goodmorning" ang bati ni Thea yung sumunod sakin apat kase kami mag kakapatid una si ate sha na 25 years old sya na yung bagong CEO ng company namin at sumunod sakin si Thea 20 na Nursing student sumunod sakanya ang bunso namin na si Nami na 18 yrs old Senior high na puro kami babae wala sila mom anak na lalake ok lng naman daw sakanila yun dahil atleast daw biniyayaan daw sila ng magagandang mga anak
"Goodmorning" ang ngiting bati ni nami
"Goodmorning din sainyo" ang sabi ko sabay umupo sa pwesto ko at kumain
"Ihahatid mo ba sila Sha?" ang tanong ni Mom kay ate sha
"Opo" ang sabi ni Ate sha
"Ate bakit naman? Baka malate ka nyan?" ang sabi ni Thea
"Ok lng naman atchaka iisang school lng naman kayo diba? Edi go lng" ang sabi ni ate sha
"Ate may sasakyan naman kami eh" ang sabi ni Nami
"Ok lng gusto ko safe kayo sa first day of class nyo" ang sabi ni ate sha
"By the way mom nasaan si dad?" ang tanong ni nami
"Alam nyo naman laging busy yun" ang sabi ni mom napabuntong hininga naman ako laging busy si dad hindi sa company sa gangster world kase isa yung family namin sa pinaka malakas na gangster sa gangster world kaya kailangan safe kami lagi dahil may ibang galit sa pamilya namin at baka kami yung atakihin
"May ipapadala na bodyguard sainyo para mabantayan kayo ng maayus don't worry malayo yun sainyo pero sisiguradohin nilang safe kayo" ang sabi ni mom
"Lagi nalang may nag babantay" ang reklamo ko
"Anak alam mo naman diba?"ang sabi ni mom
" Mom wala na kaming freedom at privacy kung babantayan kami lagi"ang irita kong sabi
"Khal" ang saway sakin ni ate sha padabog naman akong tumayo
"Mauna na ako" ang sabi ko kala mom at nag lakad paalis napatigil naman ako nung hawakan ako sa braso
"Khal umayos ka" ang sabi ni ate sha kaya napatingin ako sakanya
"Ate lagi nalang ganito pati sa america lagi akong binabantayan pano naman yung privacy ko at freedom ko?!" ang reklamo ko
"Para sa safety natin to alam mo naman na delikado tayo kung di mag iingat at babantayan" ang sabi ni ate
"Hays. papasok na ako sa school" ang sabi ko sabay tinanggal ko na yung pagkakahawak ni ate sha sa kamay ko at nag lakad paalis
Pagdating ko sa school ay napatingin ako sa bodyguard na nag babantay sakin mula sa malayo napailing naman ako at nag lakad nalang papasok
"Yow" ang sabi ni Ice sakin na nakasandal sa may pader ng hallway
"Morning" ang wala kong ganang sabi
"Mukha wala kang energy ngayon ah?" ang sabi ni ice
"Tsk may pinag awayan lng sa bahay" ang sabi ko napatingin naman sya sa isang dereksyon
"Sino yung tatlong lalake na parang bodyguard na nakatingin satin?" ang tanong ni ice
"Body guard ko" ang sabi ko
"Ahhh kala ko wala kanang ganyan" ang sabi ni ice
"Kala ko nga din eh hays pano privacy ko nito atchaka hindi na ako bata" ang sabi ko
"Hayaan mo na ok lng yan" ang sabi ni ice napailing naman ako
"Kayong dalawa" ang sabi ni marian na nakasalubong namin sa hallway kasama yung dalawang babae na ang formal ng itsura kaya napahinto kami ni ice
"I.d mo ice" ang sabi ni marian nung di nya nakita yung i.d ni ice na nakasabit
"Nice ginagawa na ang position ah?" ang pangaasar ni ice kay marian natawa naman ako at napailing
"I.d kundi mag susulat ka sa papel" ang sabi ni marian kaagad naman kinuha ni ice yung i.d nya sa bulsa at pinakita nya
"Hindi yung bulsa yung nag i.d kaya isuot mo yan" ang saway na sabi ni marian at nag lakad na paalis
"Hindi mo sinabi na kasama pala sa student council yan si marian" ang sabi ko sakanya
"Oo tumakbo yan bilang vice president" ang sabi ni ice napailing naman ako
"Tara na sa room" ang sabi ni ice kaya tumango ako at nag lakad pagdating namin don ay napatingin sila sakin siguro bago palang ako sa mata nila syempre transferee ako pero syempre may iilan dito na kilala ako dahil dito ako nag aral ng Junior high
"Khalian?" ang sabi sakin ng hindi ko masyadong kilalang babae na lumapit samin
"Y-Yeah?" ang sabi ko kase di ko naman sya kilala eh
"Omg nag babalik ka" ang sabi nya sabay niyakap nya ako kaya nag taka naman ako
"Sam hindi kana masyado nyan kilala" ang sabi ni ice sabay napatingin sya sakin at napasimangot
"Ako to si Sam yung kaibigan ni Carina yung dati mong crush" ang sabi ni Sam bigla ko naman naalala ko yun si sam yung tumutulong sakin nung junior high ako kay Carina nung crush na crush ko pa yun dati halos sya lagi nag paplano ng date namin pero sad lng nung nag confess sakin si carina don pa ako aalis papunta ng America hays
"naalala na kita" ang sabi ko
"Buti naman kala ko nakalimutan mo na talaga ako eh" ang sabi nya ngumiti nalang ako
"Sige na tama na yan sam punta na kami sa upuan namin" ang sabi ni ice
"Sige sige" ang sabi ni sam sabay pinadaan na kami papunta sa upuan namin pag kaupo ko ay napatingin ako sa isang babae na nakatingin sa may bintana habang suot yung headphones nya
Cool nya tignan
"Rysia" ang tawag sakanya ng isang kaklase namin kaya tinanggal nya yung headphones nya at tumingin sa kaklase namin
"Pinapatawag ka ng vice president" ang sabi ng kaklase namin
"Ano nanaman ba?" ang tanong ni rysia yun kase yung narinig kong name nya eh
"Ano marami daw kaseng walang dalang i.d kaya kailangan mo daw pumunta don sa office" ang sabi ng kaklase namin siguro sya yung president ng school
"Hays" ang sagot nya sabay tumayo at nag lakad paalis
"Tinignan mo si dhen parang tanga" ang sabi ni ice sabay tinuro nya si dhen na kakapasok palang ng classroom nakangiti na parang baliw
---------------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
BINABASA MO ANG
Shades Of Red:Khalian Crimson Cohen
RomanceRed is the color of extremes. It's the color of passionate love, seduction, violence, danger, anger, and adventure. Our prehistoric ancestors saw red as the color of fire and blood, energy and primal life forces, and most of red's symbolism today a...