ICE'S POINT OF VIEW
Dahan dahan ako nagising at tumingin ako sa paligid wala ako sa condo ko
"Ok kana ba?" ang tanong ni rysia sakin kaya napatingin ako kay rysia nakita ko na halatang nag aalala sya sakin
"I'm fine thank you for asking" ang ngiti kong sabi
"uwi na kita sa condo mo para makapag pahinga ka don" ang sabi nya
"Hmm.." ang sagot ko nalang
"Pero saglit lng may inaantay ako" ang sabi ni rysia
"Beh" ang rinig kong may nag salita kaya napatingin ako agad don at nakita ko si CJ yes kilala ko sya nakilala namin sya sa club iisa kami ng club sa music club president nga sya don eh mabait syang tao kaya close namin nila dhen
"Beh ito pala pinapabili mong ilalagay sa ulo" ang sabi ni Cj kay Rysia
"Salamat beh" ang sabi ni rysia ngumiti naman si Cj at tumango sabay napatingin sya sakin
"Get well soon pagaling ka" ang ngiti nyang sabi sakin ngumiti naman ako sakanya
"Salamat" ang sagot ko
"Sige na mauna na ako sainyo beh alagaan mo yang si Ice ah?" ang ngising sabi ni Cj sabay kinindatan nya si Rysia bago umalis
natawa naman si rysia sakanya"Wait lng bago ka tumayo dyan ito lagay muna natin sa ulo mo" ang sabi ni rysia sakin sabay inilagay nya agad sa ulo ko yung culfever
"Ok kana ba?" ang tanong nya sakin napailing naman
"Tara na uwi na para makapag pahinga kana don" ang sabi nya sakin at tumango ako inalalayan naman nya ako agad patayo at nag paalam na kami sa nurse bago umalis
Pagdating namin sa may parking lot ay pinapwesto nya ako sa may backseat para daw comfortable at umalis na kami ng school
pagdating sa condo ay inalalayan na din ako ng mga guard don
"salamat sa pag tulong mga kuyang guard" ang sabi ni Rysia pagdating sa kwarto ko
"Welcome po ma'am trabaho po namin ang tumulong" ang ngiti nilang sabi
"Salamat po ulit ito po pang meryenda nyo po" ang sabi ni rysia at binigyan nya ng pang meryenda yung dalawa
"Salamat po ma'am mauna na po kami" ang sabi ng guard tumango naman si rysia at umalis na yung mga guard
"Kuha lng akong damit mo pang palit" ang sabi nya sakin tumango naman ako at nag lakad papunta sa closet ko sinundan ko lng sya ng tingin kumuha sya ng pajama and comfortable na t-shirt
"Palitan na kita ng damit" ang sabi nya sakin tanging tango nalang sinagot ko kase nanghihina ako
tinanggal naman nya yung blazer ko at yung necktie ko kinakabahan naman syang tinanggal yung butones ng uniform ko
"ok kalang ba?" ang tanong ko sakanya kase halatang kinakabahn eh habang nakatingin sa pag tanggal ng butones ko
"A-ahh o-oo n-naman hehe a-ako pa ba?" ang nauutal nyang sabi
"Parang hindi eh" ang sabi ko
"Ehem! A-ako pa ba? S-syempre kaya ko ano?" ang sabi nya at nag ehem ehem ulit napailing naman ako at umiwas nalang ng tingin habang tinanggal nya yung butones
hindi ko talaga alam natatawa ako sa itsura nya habang binibihisan ako kase para syang nahihirapan na ewan kase kinakabahan habang nakikita yung katawan ko
"Hooh buti nalang tapos na" ang sabi ni rysia pagkatapos nya ako palitan ng damit
"Nagugutom ako" ang sabi ko sakanya
"sige wait luluto ako ng lugaw para sayo" ang ngiti nyang sabi sakin tumango naman ako bago sya umalis
inayos ko naman yung kumot ko at pumikit
"Ice ice gising" ang panggigising sakin kaya dahan dahan akong napadilat at nakita ko si rysia na nakangiti sakin
"Kakain kana gising kana dyan para makainom kana ng damot" ang sabi nya sakin inalalayan naman nya ako umupo
"Salamat" ang sagot ko ngumiti naman sya sakin at umupo sa gilid sabay kinuha yung lugaw
"Here comes the airplane chu chu~" ang sabi nya sakin kaya napakunot ng noo
"Hindi naman ako bata ah? Atchaka yung chu chu sa train yun diba?" ang sabi ko natawa naman sya
"Shh.. Chuchu yun updated na kaya ito here comes the airplane chuchu~" ang sabi nya sakin at sinubo yung pinapasubo nya
"Masarap?" ang tanong nya sakin ngumiti naman ako sabay tumango
"Nice ako kase nag luto" ang sabi nya
"Pwedi kana mag asawa" ang ngisi kong sabi
"Pwedi basta ikaw" ang ngisi nyang sabi sabay kindat kaya natawa ako
Pagkatapos ko kumain ay pinainom na nya ako ng gamot
"Salamat hindi ka ba papasok ulit?" ang sabi ko sakanya nung pinahiga na nya ako
"Welcome, hindi na daw muna ako papasok hanggat hindi ka magaling kase nasabi ko kase na wala yung parents mo busy kaya ako inutusan na mag alaga sayo kase sabi ko na don ka nakatira mag isa sa condo mo eh wala daw mag aalaga sayo kaya ako nalang" ang sabi nya
"salamat ulit" ang ngiti kong sabi
"Welcome sige na pahinga kana mag huhugas muna ako ng kinainan mo" ang sabi nya sakin at hinalikan pa ako sa pisnge hindi ko naman maiwasan kiligin pero patago lng naman
pagkaalis nya ay natulog na ako
naramdaman ko naman na may nakayakap sakin kaya dahan dahan akong napadilat at nakita ko syang mahimbing ang tulog habang nakayakap sakin kaya hindi na ako gumalaw baka kase magising sya eh
Nakita ko naman na iba sinuot nya siguro nanghiram sya ng damit kase wala ata syang dala na extra na damit
pinag masdan ko yung mukha nya ang ganda nya talaga kahit pag masdan mo ng paulit ulit kaya marami din nag kakagusto sakanya kase maganda sya
"Salamat ulit.. rysia" ang sabi ko sakanya sabay hinalikan ko sya sa noo at niyakap din sya sabay natulog ulit habang yakap yakap sya
"Ano gusto mo kainin?" ang tanong ni rysia sakin
"Champurado" ang sagot ko habang nanonood ng tv dito sa sala pero nakahiga padin ako sa sofa kase nahihilo ako pag nakaupo
"Sige try ko mag luto wag mo ijudge ah? hindi ako masyadong marunong non" ang sabi nya napangisi naman ako
"Sige may youtube naman makakatulong yun sayo" ang sabi ko
"Sige antayin mo dito kainin mo muna yang biscuit" ang sabi nya sakin sabay turo ng pagkain
"Salamat" ang sabi ko at kinuha ko na yung Cookies na tinuro nya habang nanonood
makalipas ng ilang minuto natapos nadin sya mag luto kaya kumain na kaming dalawa habang nanonood
"Salamat pala" ang sabi ko sakanya after ko uminom ng gamot
"Welcome pagaling ka nandito lng ako" ang ngiti nyang sabo at pinatong ko yung ulo ko sa balikat nya habang nag kukumot
--------------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
BINABASA MO ANG
Shades Of Red:Khalian Crimson Cohen
RomanceRed is the color of extremes. It's the color of passionate love, seduction, violence, danger, anger, and adventure. Our prehistoric ancestors saw red as the color of fire and blood, energy and primal life forces, and most of red's symbolism today a...