KRYZEL'S POINT OF VIEW
"Hindi nyo kase ako naiintindihan mahal ko si khalian dad!" ang sigaw kong sabi
"Sumasagot kana ngayon kryzel?!" ang galit na sabi ni dad
"Dad hindi nyo naiintindihan nararamdaman ko!!" ang sigaw kong sabi
"Prinoprotektahan kalang namin! kaya ginagawa namin to" ang sabi ni dad sakin
"Palibhasa hindi nyo nararamdaman yung nararamdaman ko kaya basta basta nyo nalang sinasabi yang hiwalayan ko sya!!" ang galit kong sabi
"Wag mo ko bastusin kryzel" ang galit na sabi ni dad at..
*PAK!*
Napahawak ako sa pisnge ko nung sinampal ako ni dad at don tumulo na luha ko
"Ayaw lng namin ng nakakasama sayo kaya ginagawa namin to!" ang sabi ni dad
"Anak nyo pa ba ako?! Lahat ng gusto ko ayaw nyo!" ang inis kong sabi
"Syempre naman anak" ang sabi ni mommy
"bakit parang hindi! Parang hindi nyo kami anak ni sharlene kase imbis na bigyan nyo kami ng time nag papakabusy kayo sa business nyo lalo na about sa gangster world na yan!" ang sigaw kong sabi
"talagang sumasagot kana ngayon!!" ang sigaw na sabi ni dad sakin
"Oo! Kase gusto ko ipakita yung side ko sainyo!! na parang hindi nyo na kami anak!" ang sigaw kong sabi
"kryzel anak" ang sabi ni mommy at lumapit sakin
"Wag mo ko sinasagot sagot ngayon kryzel!" ang sabi ni dad
"Mas ok pa nga si Lolo eh! parang sya yung ama namin sa ginagawa nya eh kung buhay nga lng si lolo ngayon hindi ako mag dadalawang isip na sakanya tumira ayaw ko dito sa bahay na to dahil lahat nalang bawal!! lahat binabantayan yung galaw ko!" ang inis kong sabi
"Ginagawa namin to para sainyo!!" ang sabi ni dad
"Para samin?! I don't get it dad parang di nyo kami anak!" ang iyak kong sabi
"Anak namin kayo kryzel wag ka mag isip ng ganyan na" ang sabi ni mommy sakin pero hindi ko nalang pinansin naglakad ako paalis sa office room at nag kulong sa kwarto
Ayaw ko muna makausap sila dad ngayon ang sakit ng ginagawa nila sakin hindi nila ako naiintindihan hindi nya naiintindihan nararamdaman ko kung anong gusto nila dapat gagawin may sarili akong buhay malaki na ako. kaya ko na sarili ko pero bakit ganito?.. bakit hindi manlang ba nila naisip yung nararamdaman ko ni minsan ba hindi nila naisip na anak nila ako? na may sarili akong gusto may sarili akong buhay hindi yung papakealaman nila.
FLASHBACK
"Umiiyak ka nanaman apo" ang sabi ni lolo ko sakin kaya tumakbo ako papunta sakanya at niyakap sya binuhat.naman ako agad
"Lolo" ang sabi ko habang umiiyak
"Bakit ka umiiyak apo?" ang tanong ni lolo sakin
"Sila papa kase hindi ako binilihan ng laruan" ang iyak kong sabi natawa naman si lolo sakin
"Its ok apo gusto mo ba bili tayo?" ang tanong ni lolo sakin napatigil naman ako sa pag iyak at tumango
"Sige apo tutal wala nadin akong gagawin" ang sabi ni lolo at pinunasan yung luha ko
"Yehey" ang sabi ko at ngumiti sya sakin
"Tara na?" ang tanong ni lolo kaya agad akong tumango
pagdating namin sa mall dumiretso kami sa bilihan ng laruan
"Ano gusto mo apo?" ang tanong ni lolo sakin
"Gusto ko po ng barbie" ang sabi ko at tinuro yung barbie napangiti naman si lolo
"Sige apo pili kana dyan" ang sabi ni lolo kaya tumakbo ako agad papunta sa may barbie at kumuha ng barbie
"Kung anong gusto mo dyan bibilhin natin apo" ang masayang ngiti ni lolo napangiti naman ako at pumili ng laruan pagkatapos namin bumili ni lolo ng laruan ay pumunta kami sa bilihan ng ice cream para bumili
"Ano gusto mo apo?" ang tanong ni lolo
"Yung chocolate po!" ang ngiti kong sabi tumango naman si lolo
"ibili natin si sharlene kase very good din sya dahil gumagawa sya ng activities nya" ang sabi ni lolo
"syempre po kapatid ko eh" ang ngiti kong sabi napangiti si lolo ko kinurot ako sa pisnge
pag kauwi namin sa may bahay ay tumakbo ako agad sa kwarto ni sharlene para ipakita yung mga laruan na binili namin ni lolo para saming dalawa
"Shar!!" ang masaya kong sabi tumingin naman sya sakin habang nag lalaro sya ng laruan paglapit ko ay binaba ko yung bag at pinakita ko yung laruan namin
"Wow ate ang gaganda" ang sabi ni sharlene
"Syempre ako pumili" ang ngiti kong sabi
"Si lolo ba kasama mo?" ang tanong ni sharlene tumango naman ako
"Ano mga apo? nagustohan nyo?" ang tanong bigla ni lolo kaya napatingin kami at lumapit sakanya
"opo" ang sabi namin at kiniss naminnsya sa pisnge
"Para sainyo mga apo" ang ngiting sabi ni lolo samin
"Pa wag nyo naman po iispoil masyado yung dalawa" ang biglang sabi ni mommy napatingin naman si lolo sakanya
"Ano ka ba minsan nga lng tong mabilhan ng mga laruan atchaka bakit nyo masyadong pinag tutuunan yung mga anak nyo dapat nasakanila yung iba nyong oras" ang sabi ni lolo
"Pasensya na pa pero busy kase kami" ang sabi ni mommy
"Hay nako wag kayo mawawalan ng oras mga anak nyo kase para mag karoon kayo ng bonding atchaka wag nyo masyadong isipin yung mga business at yung about don ako na bahala don basta wag kayo mawawalan ng oras sa dalawa kong apo" ang sabi ni lolo kay mommy tumango naman si mommy at tumingin sya samin ni sharlene at ngumiti
END FLASHBACK
"Lolo.." ang iyak kong sabi at sumandal sa pinto habang umiiyak
"Apo.. wag ka umiyak nandito lng ang lolo" ang sabi ni lolo
mas lalo naman akong naiyak nung naalala ko si lolo
"Baby don't cry ayaw kong nakikita kang umiiyak" ang sabi ni khalian sakin
Shet... Khalian..
kinuha ko naman agad phone ko at tinawagan si khalian kaagad naman syang sumagot
"Baby" ang sabi nya agad sakin
"Baby.." ang iyak kong sabi
"Umiiyak ka baby? anong nangyari?" ang tanong nya sakin
"Baby pwedi bang dyan muna ako.. ayaw ko muna dito please" ang pag mamakaawa ko
"Sure baby pero please wag ka umiyak nanghihina ako pag naririnig kitang umiiyak" ang sabi ko sakanya
"Baby sunduin mo ko please" ang pag mamakaawa ko
"Sure sure aalis na ako ngayon basta wag ka umiyak ok?" ang sabi nya sakin
"I love you baby" ang sabi ko
"I love you too" ang sabi nya sakin
------------------
THANKS FOR READINGONCEPH
BINABASA MO ANG
Shades Of Red:Khalian Crimson Cohen
RomanceRed is the color of extremes. It's the color of passionate love, seduction, violence, danger, anger, and adventure. Our prehistoric ancestors saw red as the color of fire and blood, energy and primal life forces, and most of red's symbolism today a...