Prologue

2.8K 27 1
                                    

Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan na sina Corie, Tessa at Anicel sa paborito nilang pwesto sa Canteen.

Nang walang anu anong may nagsaboy ng juice sa ulo ni Anicel na kinasinghap at kinagulat nya.

"You bitch, bring back my boyfriend to me!" Sigaw ng dalagitang nagbuhos ng Juice kay Anicel.

Loka tong babae na ito!!

Wala pa nga akong nagiging boyfriend crush manapa sa loob ng fourteen years na isilang ako ni Motherdear,

Tapos nang agaw ng boyfriend ako?

kamusta naman yun???

Inis na napatayo ako sa kinauupuan ko at galit na tinignan ito at kinuha ang mineral water na hawak ko at gigil na binuksan pagkaraan ay binuhos sa ulo ng bruha na to,

goodbye to my cellphone, laptop,and TV,

Hello to detention office, and,

To my favorite Principal Cortez,

"Y- you bitch" sigaw nito sa akin.

"Y -yeah I'm bitch And I love it tsaka yun boyfriend mo ang rendahan mo di ako" nakangising sagot ko dito.

Naku naman Anicel anung gulo na naman ang pinasok mo? Anang Isip ko.

Bat di mo na lang sabihin na di Ikaw yun na baka ang pinakamamahal ng lahat na si Anecka ang tinutukoy nito?

"H -how dare you!" Sasabunutan na nito sana ako kundi lang napigilan nina Tessa at Corie.

Galit na tinignan ako nito at mabilis na tumalikod at umiiyak na tumakbo palabas ng Canteen.

Nanghihinang Umupo uli ako sa Bangko at napasapo ang noo ko.

Agad na dinaluhan ako ng mga kaibigan ko at dinamayan.

"Who's that girl, friend?" Hinawakan ni Tessa ang kamay ko habang tinuyo naman ni Corie ng panyong dala nya ang buhok ko.

"Yeah, Friend, grabe ka inunahan mo pa kami na magkaboyfriend" sita ni Corie.

"Di ko naman kilala yun bitch na yun saka yun pesteng boyfriend nya noh tapos ako gaga pinatulan ko naman patay na naman ako nito kina Motherdear" sumasakit ang ulo na wika ko sa dalawa.

Nagkatinginan sila at agad na naintindihan ang sinabi ko.

"You mean si Anecka the Angel twin sister mo ang tinutukoy nang babae na yun?" Namimilog ang mga mata na magkapanabay na wika nito.

"I think so, pero baka ikaila lang ni Anecka yun as usual" inis na sagot ko.

"Oo nga friend, si Anecka Corrales lang naman ang princess sa school natin at si Anicel Corrales naman ang wicked twin sister nya, at take note kabi kabila ang boyfriend, bongga" napapalatak na wika ni Tessa na nakipag apiran pa kay Corie.

"Tama ka dyan friend" anito.

Tila lalong sumakit ang ulo ko sa mga sinabi nila lalo pa at pinagtitinginan na pala kami ng mga schoolmate namin.

Naman kasi eh!

Bakit ba kamukha ko pa ang kakambal ko o kaya naging boy na lang ako para di ako napapahamak gawa ng kakambal ko.

Walang anu ano ay napabaling ako sa apat na bagong dating,

There was an air of authority and glamour around them that you feel you was on their fingertips and ready to be a slave.

In short tumabi ka dadaan na ang prinsipe at ang mga prinsesa.

Kung yun kakambal ko feeling princess at yun dalawang binatilyo sa school yun isa pala pinsan namin ni Anecka.

Eh feeling prinsepe, ibahin nyo yun mga bagong dating talagang mapifeel mo ang liwanag, kasi they were shining,

Ipupusta ko ang pustiso ni Yaya Mimi pag nag showbiz si Crush at yun tatlong girls maraming magkakandarapa na boys and girls sa kanila.

Oo, si Crush,

Ewan ko ba itong puso ko tinalian ni Crush kasi kahit saan nakikita ko sya sa panaginip, sa salamin, sa notebook ko,

Kung marunong lang akong magdrawing at di parang kinalahid ng manok sure na sure ako na nadrawing ko na si Crush.

Teka tama na muna ang daydreaming papalapit na si Crush kaya magpapabeauty muna ako.

You don't know baka mapansin na ako nito.

"Eh Avi naman bakit ka ganyan I'm your twin handsome brother kaya pagbigyan mo na ako mamaya" rinig ko na wika ni Crush dun sa kakambal nya.

Yes, Dalawa lang ang karibal ko kay Crush kasi yun Isa Sister nya meaning Kapatid ko na rin sya.....

Sa future, di pa ngayon noh!

Bata pa kami ni Crush kaya di pa pwede.

"Busy kaming tatlo, ikaw na lang" sagot nito.

"Kat kat?, Dawn?" Tawag nito dun sa dalawang Karibal ko.

"Why not, pag natapos na kami susunod kami" nakangiting wika nun Kat Kat.

"Really? Thanks guys, una na ako ha"

Nasa harapan ko na sila pero umakma uli na lalabas na si Crush.

Di na naman nya napansin ang beauty ko.

"O -ouch" narinig ko na daing sa likuran ko.

Napalingon ako kasi si Anecka yata yun.

Pero tila si Strings sinakal ang puso ko.

Kasi Si Crush nabunggo pala si Anecka at inaalalayan nya ito pero nawalan pa ito ng balanse kaya resulta nasa mga bisig ni Crush si Anecka at nagkatitigan pa sila ng matagal na matagal na matagal.......

Lintek naman mukhang si Anecka nakita na nya ang next target nya.

At mukhang si Crush yun.

"Look si twin Sister mo nakayapos na kay Prince Charming swerte nya nuh pangarap ko rin yan eh"bulong sa akin ni Tessa.

Teka lang sinulid wag mo namang sakalin si heart nagdurugo na nga eh.

Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon