Chapter 2

501 9 2
                                    


"Mavi lika na tigilan mo na ang pagtingin mo sa salamin masisira pa yan eh" nang aasar na sita sa akin ni Avi.

"Eto na inaayos ko lang ang buhok ko naman Avi eh" angal ko dito saka tinago ko na ang salamin sa bag ko.

Yes may mirror ako saka hairbrush may cologne din ako na regalo ni Ate Ganda...
May blush on din ako at lip balm.....
Teka! Wag kayong mag isip ng iba dyan ha!!
Gwapo kaya ako at kailangan na bawat oras checheck ko sarili ko.
Mahirap na baka dumaan pa ang Madonna ko di nya ako mapansin.

"Mavix palito anu ba?!!" Agad na napatayo ako sa sigaw ni Avi.

"Yan na!" Humahangos na lumapit na ako dito sa kakambal ko. "Ikaw talaga napakamainipin mo" malambing na sita ko dito pero sadista talaga si Kambal ko,
Batukan ba daw ako.

"Malandi ka kasi! Kung gusto mo ngayon pa lang magladlad ka na" nanlaki ang mga mata ko sa tinuran nito.

"Di ako BAKLA! Bakit mo naiisip yan mga bagay na yan!" Naiinis na sagot ko dito.

"Hmp!!" Umingos lang ito at nauna nang lumakad papalayo sa akin.

"Avi tek---" natigilan ako nang may bumangga mula sa likod ko at bumagsak ako sa semento una ang aking beautiful red bloody lips.

"Ay teka naku po Sorry!okay ka lang" tanong nito.
"Heh! Dugu dugo na ako dito tatanong mo pa kung okay ako! okay ka lang?" Naiinis na sigaw ko sa isip ko.
"Teka may dugo ka! Help me! Someone" maarteng sigaw ng dalagitang nakabangga sa akin.
Yun na ang huling kong nadinig dahil wala na akong nawalan na ako nang malay.

------------------------

"Hmmm...." masakit ang labi ko pati na ang ulo ko na dahan dahan na dumilat ako at nakita ko na nakahiga ako sa katre na pang hospital.
Pero di naman ito hospital, Clinic lang ito ng School namin.

"Ahm okay ka na ba?" Lumingon ako sa kiming nagsalita.
Nakita ko ang isang dalagita na palagay ko ay matanda sa akin ng dalawang taon.
Mahaba ang kulay black na curly hair nito at may headband ito na may pink ribbon ang nakadisplay.
At napaganda nito tapos ang puti pa pero maganda pa rin ang Momma ko at dahil kamukha ni Avi si Momma maganda din ang twin sisters ko.
At bakit malaki ang hinaharap nito?
Yun sa Ate Ganda ko, maliit pa rin,
Si Avi Wala! amazona yun eh!
Ah si Momma pala malaki at atin atin lang to ha,
Minsan nakita ko si Dadda ginagawang unan ang dibdib ng Momma dun sa room nila,
Eh ang daming unan kaya dun tapos kay Momma pa uunan buti na lang mabait ang Nanay ko,
Minsan nga papahiramin ko sya ng unan ko madami naman akong unan,
Ipapahiram ko muna si Barbara kay Dadda,
May Lara, Marlyn, at Samantha pa naman ako eh,
Pabibili na lang ako kay Lolo ng bagong Unan yun pag niyakap ko talagang malambot at makakatulog agad ako.

"Are you listening to me?!" Naiinis na sigaw nito.

"Huh?"

"Ang sabi ko Sorry kasi nabangga kita kanina di ko naman sinasadya eh, hinahabol ko kasi ang boyfriend ko kanina" maarteng paliwanag nito.
Agad na kumulo ang dugo ko sa sinabi nya.
Sino yun lalakeng yun na dahilan kung bakit ako nandito sa clinic?
Bwisit na yun! Dapat di nya iniiwan ang girlfriend nya para di nakakabangga nang walang malay na tao!
Nabawasan tuloy ng Zero percent ang kagwapuhan ko! Naku naman.

"Ah okay" matamlay na sagot ko dito.
"Lumayas ka na sa harapan ko dapat nasa canteen ako ngayon kumakain ng masarap, hinahanap ang Madonna ko at nagpapagwapo para magkaroon ako ng Club ng mga fans ko katulad sa mga napapanood ko sa mga Anime.

"Really oh thank you, by the way ako nga pala si Madonna Castillo" nanlaki ang mga mata ko sa nadinig ko na pakilala nya sa sarili nya.

Madonna ko!

"And Mavix Zevilla right?" Tukoy nya sa pangalan ko.
Ngumiti ako dito kahit pakiramdam ko maga at malaki ang mga labi ko dulot ng pakikipaghalikan ko sa semento.
Inabot ko ang kamay ko dito.

"Hoy Mavi Bakla nandito ka raw!" Mula sa bumukas na pinto ay pumasok ang humahangos na si Dawn kasunod sina Kat Kat at Avi.

Shit! Okay na eh bakit nagpakita pa itong pimple na tinubuan ng mukha na ito at ipagsigawan pa na bakla ako eh nandito ang Madonna ko!

"Mavix are you okay?" Walang emosyon na tanong ni Kat kat sa akin.
Tumango ako dito.

"Oy lalambot lambot kasi ang lakad mo kaya ka nadapa nuh?" Eto pa ang isang dumating na ever dearest twin sister ko.
At malaki ang ngisi na nakabalatay sa mukha nito.

Bakit ganun ang ganda ni Momma tapos si Avi pa ang nakamukha dapat ako na lang kasi!
di ko tuloy magawang magalit ni mainis man lang dito,
Nakikita ko kasi si Momma sa bukas ng mukha nya eh!
Kaasar!!!!

"Ahm, Mavix aalis na ako ha nandyan na naman ang mga kaibigan mo" di ko gusto ang ngiting naglalaro sa mukha nya,
Parang naniniwala nga ito na bakla ako.
Tsk!!! Reality Check, ang Gwapo ko kaya!
Kaya banidoso ako kailangan alagaan ko ang skin at mukha ko nuh!
Matulad pa ako dyan kay Dawn na gabundok ang pimple,

"Sige at salamat sa pagbabantay sa akin"
sagot ko dito at pinakita ko ang makalaglag panty na killer smile ko.

"You're welcome" humahagikhik na sagot nito saka kumekendeng na lumabas na sa clinic.
Nakalabing napatingin na lang ako dito.

Madonna ko is the one that go away!

"She's so Arte" nakataas ang kilay na wika ni Kat Kat.

"Yeah parang pato akala nya maganda sya pag ganun lumakad, eh madalas kaya mas nadudulas pa ang mga ganyan lumakad tapos nangdadamay pa kagayan nyan nangyari dito kay Mavix" naiinis na segunda ni Dawn habang ginagaya ang paglalakad ni Madonna.

"Nagpaliwanag naman siya na di nya sadya saka hinahabol nya daw yun boyfriend nya kaya di nya ako napansin"
Paliwanag ko sa mga ito.

"Di napansin her Face! Ewan ko sa'yo Mavi nagpapaniwala ka naman hello kasama kaya nya ang boyfriend nya at naghaharutan sila kamo kaya di ka napansin" naiinis na sabad naman ni Avi.

"Eh?"

" nakita nga na dugu dugo ka na tumakbo pa pag nakita ko siya mata mata na lang sya pag sya tinulak ko din sya" wika pa ni Avi at pinatunog ang mga daliri sa mga kamay.

See Amazona talaga ang kakambal ko,
I wonder kung saan nagmana yan mabait naman ako gwapo pa,
Tapos si Ate Ganda maganda na mabait pa
Mana kaming dalawa kay Momma,
Si Cali? Masungit yun mana kay Dadda na kay Momma at sa amin na lima nyang mga Angel lang mabait,
At si Bunso...hmm ah! Kay Dadda din.
Kaya I conclude!!

"Avi Ampon ka lang namin!" Di ko napigilan na ibulalas.
Napatingin ang kapatid ko pati na sina Dawn at Kat Kat...
Agad na tinakpan ko ang bibig ko nang napagtanto ko na naibulalas ko pala ang iniisip ko.
Namula ang mukha nito at patakbong lumapit sa akin habang nakaumang ang kamao nya papunta sa gwapo kong mukha.

Oh my God! I see red! Goodbye world!
Goodbye Philippines!
Hello heaven kung saan nararapat ang kagwapuhan ko!

"Ouch!!" Napadaing ako sa sakit ng tamaan ako sa sikmura ng kamao ni Avi.

"Gago! Kung ako Ampon lang ni Mommy at Daddy ikaw pinulot naman nila sa tae ng kalabaw ugok!" Namumula sa galit na sigaw ni Avi sa akin.
"Lika na kayo Girls iwan na natin yan bakla na yan!!" At hinila na nito ang dalawa papalabas ng clinic.

"Ouch! Teka nagbibiro lang ako! Sorry na Avi" pero hangin na lang ang kausap ko.

Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon