Chapter 6

268 10 1
                                    

Looks can be Deceiving....

Naglalakad kaming apat nang matigilan ako sa magandang dalaga na makakasalubong namin sa Hallway.

Tila slow mo ang bawat paghakbang nya ang mga ngiti nya sumisilaw sa mga mata ko pati na ang magkabilang biloy nya na mas nagpapatingkad sa gandang taglay nya at ang mahaba nyang buhok parang ang sarap samyuhin at ang tangkad nya para sa pangkaraniwang taas nang isang magdadalaga pa lamang,

Isang konklusyon agad ang naisip ko.

I'm inlove...

"Mavix oi Mavix na panget!" Naniningkit ang mga mata na hinarap ko si Avi ang ultimate na panira sa moment ko.

"Kamukha ko si Dadda kung panget ako mas panget si Dadda sa kanya lang naman ako nagmana" angil ko dito.

Ngumisi ito at pagkatapos ay binatukan ako saka mabilis na nagtatatakbo kasunod si Dawn papalayo sa aming dalawa ni Kat Kat.

"Panget si Mavi! Panget si Mavi!" Nadinig ko na pang aasar sa akin ni Avi pero wala akong time na patulan ito at sa halip ay sinundan ko yun magandang dalaga na nakita ko.

Lakad tago, tago lakad ang ginagawa ko na pagsunod kay Miss Beautiful at nang makapasok na ito sa Classrom at naupo sa malapit sa may bintana ay dun lamang ako huminto at buong paghangang pinagmasdan ito.

Isang tapik sa balikat ko ang kinapitlag ko at nang lumingon ako nakita ko si Kat Kat at nasa likod nya ay Isang lalaking teacher na naka PE uniform.

"Anung klase kayong dalawa?" Tanong nito sa amin ni Kat Kat.

Nakatingala lamang ako dito at walang malamang na isagot kaya naman bumuga nang hangin si Kat Kat at ito na ang sumagot sa tanong nung Teacher.

"Pasensiya na po Teacher akala po namin dito yun sunod na klase namin pero mukhang nagkamali po kami kasi po di naman po namin kilala yun mga students sa loob" magalang na sagot ni Kat Kat dito.

Napakamot na lang sa ulo yun Teacher.

"Ganun ba?" Kapwa kami tumango ni Kat Kat.

"Babalik na lang po kami sa Classroom na pinanggalingan namin at magtatanong po kami ulit sa Homeroom Teacher namin na si Ms. Tuazon" sagot ulit dito ni Kat Kat saka hinawakan ang kamay ko at yumukod sa teacher na nasa harapan namin. "Excuse po Teacher aalis na po kami baka malate na po kami" dagdag pa nito saka mabilis na hinila ang kamay ko at naglakad papalayo sa Teacher at sa room nun magandang dalaga...

"Kat kat na love at first sight ako dun sa magandang dalaga" bulong ko dito habang naglalakad kami nang mabilis.

"Na naman kakatapos mo pa lang ma inlove kay Madonna last month ang bilis mo naman naka move on" nagtatakang sagot ni Kat Kat pero ngumiti lamang ako dito at nang makarating na kami sa Classroom ay agad na kaming pumasok at naupo na sa mga upuan namin.

-----------------

"Kanina ka pa nakatanga d'yan Mavi aanayin ka na d'yan!" Angal ni Dawn habang nagbubunot nang mga damo pati na si Avi.

Sinimangutan ko ito at saka dumila dito.

"Kung gusto mo talaga yan minamatyagan mo pakilala ka tapos halikan mo tapos sabihin kayo na" pagpapayo nang magaling kong kakambal.

Alam na kase nila ang nararamdaman ko para sa magandang dilag na may kasama na naman na kwago.

Nakakaasar kasi lagi itong pinapakain nang crush ko.

Pero sa isang linggong minamatyagan ko silang dalawa wala naman akong nakita na kakaiba maliban na lang sa tila matalik na magkaibigan ang dalawa.

Alam ko na nga ang pangalan ni
Crush.

Dylan Jacinto..... unique yun name parang panglalaki bagay sa kanya.

"Ako naman Mavi kidnapin natin tapos ikulong natin sa basement tapos kunyari ikaw ang knight in shining armor nya" singit naman ni Dawn.

Naiinis na pinameywangan ko ang dalawa.

'Ang gaganda nang mga naisip nyo grabe sa sobrang cliche di tamang maisip at gawin nang katulad natin na mga trese anyos lang" sarkastikong sagot ko sa dalawa.

"Eh di tama ka na ikaw na Mavix ang Prinsipe nang katangahan!" Nakaismid na sagot ni Dawn.

"Forever walang ka forever na Mavix" panggagagad naman ni Avi.

"Teka may naisip ako bakit di mo bigyan nang loveletter" payo naman ni Kat Kat na kara rating lang.

Agad na nagliwanag ang mukha ko at nayakap si Kat Kat sa tuwa.

"Thanks Kat Kat sa inyong tatlo sa iyo lang ang pinakamagandang Advise na narinig ko" tuwang tuwa na sambit ko.

"Teka gagawa lang ako nang Loveletter" dali daling kumuha ako nang papel at ballpen at nagsimula nang magsulat.

"Here mas maganda na dito mo ilagay ang loveletter mo" wika ni Kat Kat sabay abot sa akin nang pink na sobre.

"Thanks Kat Kat!" Excited na sabi ko dito at nang matapos na ako ay nilupi ko na ang sulat at sinilid sa pink na sobre.

"Mas maganda na ikaw mismo ang magbigay" singit ni Dawn.

"Eh?" Dagling namula ang mukha ko sa isipin na ako mismo ang magbibigay nun kay Crush.

"Tama si Dawn" ani Avi at tinanguan naman ni Kat Kat.

Kaya eto na kami ngayon sa harap nang Crush ko at alumpihit at kinakabahan na nangininig na inabot ko dito ang sobre pagkatapos nitong magtanong kung anung kailangan ko.

At saka mariin na pumikit ako at saka lakas loob na nagsalita.

"Okay lang na wag ka munang sumagot sa akin madami ka pa naman time basta pakiusap ko sa iyo basahin mo muna yun loveletter ko para sa iyo!" Ilang sandali na nakapikit pa din ako bago dahan dahan na dumilat.

Kitang kitang ko ang pamumutla nang mukha ni Crush tapos dinig na dinig ko ang malakas na pagtawa nung kaibigan nya.

"P--pero  di kita type at saka kasi pareho tayong lalaki" nanulas sa mapulang bibig nito na kinasindak at kinatigil nang mundo ko....

Strings of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon