♦♦Chapter 3♦♦

60 9 0
                                    

Pagkapasok ko ng speechlab, hindi nagkamali yung malabo kong mata. Totoo lahat na nandun si Dream Boy ko, nakaupo siya sa sofa sa gilid ng room at nakataas pa yung dalawa niyang sapatos na glow in the dark ang kulay tapos nakashade pa siya at nakaearphone pa ayy! este headset na pala kasi sa sobrang laki nito.

Kung titignan ko siya mula sa anggulo ko para akong nanunuod ng isang photo shoot ng isang famous artist. Lalo na sa view na langhap na langhap yung karisma niya at makalaglag bagang kapag nasusulyapan mo yung ngiti niya. Kung hindi nga lang maraming requirements ang pagiging personal alalay ay papasok na ako kahit na ang isang taon ko ay walang sahod. Iba kasi kapag kalandian ang pinaiiral, hindi mapigilang rumagasa.

Dahil sa motto in life ko na "Aral Muna Bago Landi" ay tumuloy na ako sa mga kagrupo ko. Paupo na sana ako sa binuo nilang bilog nang biglang may lumapit sa akin. Si April, ang bungangera kong kaibigan. Ewan ko kung bakit pero ng mareach na niya kinatatayuan ko at nakuha na niya yung kailangan niya.

"Ano ito Bebang ihe?" sigaw ni April na dumagundong sa buong room. Nagsitinginan ang lahat ng kagroupmates ko sa akin at sabay saby na nagsitawanan. Sa nararamdaman ko para akong napahiya ng husto kaya naman tinignan ko ang palda ko para siguraduhin na totoo ang nakita ni April.

"Ayy! takte totoo nga, napaihe ako sa palda!" halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mga oras na iyon. Iniisip ko na para akong bayaning nabato sa sobrang kahihiyan. Dahil dito naalala ko tuloy yung pangyayari kanina na bunga lang lahat ito ng sobrang kakiligan ko kanina sa labas ay hindi ko namalayan na napaihe na pala ako sa palda ko.

"Hahaha! si Bebang napaihe sa palda"

"Ang tanda tanda na umiihe pa rin sa palda"

"Oo nga! nagaaral na lahat lahat sanggol pa rin. Haha si Baby Bebang umiihe pa...!"

"Palitan na ng Diamper yan!"

Ang daming mga taong bumatikos sa akin dahil sa pangyayaring yun. Sa huling sinabi ng mga kampon ni April ay lalong dumidiin yung pagkabigkas dahil na rin siguro sa hindi na sila makahinga sa kakatawa habang ako ay nasesemento pa rin. Hindi naman gaano kadami ang tao dito sa speechlab pero yung pakiramdam ko parang nasakluban ng langit at lupa. Hayy! buhay nga naman ni Bebang.

"What's happening here?" biglang maysumingit na soft na soft na voice mula sa kawalan. At itong soft voice na ito ang nagpahimasmas sa akin at ayun sa wakas nagising din ako. Lakas kasi makabasag ng momment yun, happy na happy na nga sina april eh. Tumingin ako sa likod ko at siyempre tinakpan ko yung palda ko baka kasi makita yung kongkretong ebidensiya.

Nanlaki yung mata ko nga makita ko si Dream boy ko. Nagkasalubong yung kilay niya mukha atang naalimpungatan sa ingay namin. Bitin ata ang tulog niya. Habang ang malandi kong utak ay hindi ko mapigilang lumangoy sa agos ng Fantasy Kingdom of Hearts na kung saan ay ako ang bidang gandang ganda na si Cinderella at si Dream boy ko yung prince charming na habol ng habol sa ganda ko. Oh? di ba ang sarap lagi manirahan sa pantasya.

"Hoyy! PANDA!"

"Ayy! Witch!" always na nangyayari sa buhay ko na laging may kontrabida sa True Love ko. Naudlot nanaman yung pagiimahinasyon ko ng biglang may pumalo sa likod ko. 

"Ahm. Kurt napaihe lang naman si Bebang sa panty niya. Haha" sabi ni April kay kurt at tumabi pa siya talaga dito. Ewan ko kung bingi ba ako o sanay na lang talaga na mapahiya ng todo.

"What? Haha" 

Hindi na ako nakaimik nang pati si Dream Boy ko ay tumawa na rin ng malakas as in hindi na siya makahinga ng marining niya yung sinabi ni April kulang nalang malaglag yung panga niya kakatawa. Bwiset kasi itong ihe ko baka naman kasi tubig lang ito. Hayyy! alalahanin ko na. 

Wait! naalala ko na. Yung nadapa ako kanina doon sa kumpulan, napaupo nga pala ako doon sa may tubigan baka doon ko ito nakuha. Hindi naman talaga ito ihe eh. 

"Hoy! hindi ito ihe, tubig lang yun kanina doon sa baba sa may kumpulan nung dumating ka!"  dinutdot ko yung noo niya ng hintuturo ko tsaka ako umalis ng speech lab . Hindi ko na kasi natiis yung mga halakhak nila para akong payaso sa gitna ng madlang people.  Wala na akong pake kung feeling close ako ng mga oras na iyon basta nasa isip ko lang ay magpapalit ako ng damit as soon as possible.

Habang nandito ako sa may corridor ng school ay lagi na lang tumatawa yung mga taong dumadaan. Baka naman nakita nila "Obvious ba?" bulong ko sa sarili ko dahil nafefeel ko na ako yung pinagtatawanan nila. "oo nga halata" nang makita ko yung palda ko ay nakita ko na masyadong kita yung bakat kaya pinagana ko nanaman yung utak ko at kinuha ko na yung panyo ko at pinantapal ko man lang sa palda. Nang dahil lang sa bwiset na tubig na ito ay nasira nanaman yung araw ko. Atually hindi naman ako ganoon kababoy  noh iihe sa panty? Duhh! siguro  nung baby ako nagagawa ko yun pero ngayon ASA!

Nagcomute na lang ako para mapabilis yung pagpunta ko sa bahay tsaka iwas kahihiyan na rin. Kasi kapag naglalakad ako feeling ko malulubog na ako sa lupa sa sobrang kahihiyan. Habang nakapanumbaba ako ay kanina ko pa napapansin tong driver na tingin ng tingin sa ano ko. Oo sa ano ko talaga. Sa bag ko. Asa naman siyang may makuha siyang kayamanan sa bag ko. Nerd kaya ako, Ballpen at Notebook lang naman ang laman nito eh. Nagkamali ata siya ng taong pinili niyang biktimahin. Malulugi lang siya kapag ginawa niya yun, sayang lang ang oras niya.

Tsaka asa naman siyang pera ang ilalagay ko dito eh wala pa ngang isang minuto ang pera sa kamay ko eh pagkain agad ang nasa utak ko. Hindi naman siguro halata noh? Sa itsura ko??

Nasa kanto pa lang ako ng bahay namin ay naisipan ko ng pumara. Naniniwala kasi ako sa kasi ako sa kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Kaya habang nagbubunsod pa lang ang mata ni Manong Driver ay bumaba na ako.

"Manong bayad po,"

"Ahh, Miss, kulang piso," paalis na sana ako ng sabihin ni Manong na kulang ng piso ang bayad ko.

"Ayyy, kuya pwede tawad nalang yung piso, please.." kinagat ko yung hintuturo ko ng maghagilap ako ng piso sa bag ko, tsaka sa bulsa ko, pero sa kasamaang palad. Nga nga ako sa pera. Puro ako pagkain eh.

"Anong tawad! kapag nagpapagasolina ka ba pwede mong iedit doon sa monitor at tsaka sasabihin na tawad piso? Tsaka ikaw ang panget panget mo na nga tapos wala ka pang pera eh ano ng mangyayari sa buhay mo. Sabagay kasi ang panget ngayon panapos sa basura na lang.

"Ahh! Ouch, Sakit!" natulala ako mga oras na iyon dahil sa mga sinabi sa akin ni manong driver pero maslalo akong nagulat ng mga sumunod niyang ginawa.


►►Thanks for reading! :) Don't forget to Vote ang Comment! Be a fan po sana kayo! ◄◄  


Crush Sana Kita,  Kaso? Mas Maganda Ka Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon