♦♦Chapter 1♦♦

167 26 9
                                    

CHAPTER ONE ♥♥♥

"Ayyy!! Takte! Bading siya?? Whaaaaaaaaaaa!! " yan ang kaunaunahang pangungusap na lumabas sa bibig ko ng makita ko ang First ever crush ko na lumilipad ang Palda at sobrang ikli pa nito. Naging kamukha ko ang toro dahil sa sobrang dissapointed nga mga oras na yun halos hindi ko maidrawing ang mukha ko. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko na mas maganda pa sa akin yung Crush ko.

Kung ilalarawan ko lang ang mukha at katawan ng First crush ko ayyy! nakuh! aaminin ko na talaga sa sarili ko na ubod ako ng panget. Nakasuot ng sando na sobrang ikli yung tipong kitang kita na yung puson niya tapos may dib dib pasiya, fake lang ata yun tapos yung sandals niya ang taas taas ng takong yung ginagamit ata sa mga Miss Universe. Yung palda niya napakatingkad ng pagka kulay PINK halos maattract ka sa sobrang silaw parang Glow in the Dark ata yun.

Idedescribe ko pa ba yung mukha niya?? eh hiyang hiya na ako ehh. Yung mata niya dati na nakabihag ng puso ko dahil sa kumikinang ito kapag tinitignan ko ay ngayon kulay blue na dahil sa contact lens na suot niya tapos naka Brace din ang bruha. Yung buhok niya na halos ibuhos niya ang isang sakong Gatsby ay ngayon rebonded na yung wig niya at kulay Black at pinki yung dulo. Para tuloy commercial ng Palmolive yung buhok niya. Tsaka hindi magpapahuli yung Nail Polish niyang pink na daming dots dots, hindi naman niya siguro favorite ang pink noh?? Marami rin siyang kolorete sa kamay, mga bracelet ata ng EXO yun o BTS.

Para akong pinagtampuhan ng kagandahan ayy este wala pala talaga ako nun. Yung tipong kapag tinabi mo ako sa kanya magmumukha lang akong Maid o katulong tapos siya yung donya ko. Hiyang hiya talaga ako sa sarili ko ngpanahong yun. Hindi talaga lahat ng lalaking gwapo ay tunay na lalaki mayroon talagang lalaki din ang hanap.

Simula noon ay hindi na ako umibig kasi wala naman talaga akong karapatan pagdating sa usapang love ehh pero itapat mo ako kay chemistry tignan natin kung hindi kami magiging MU niyan. Masyado kasing nasaktan at nadurog ang puso ko dahil sa demonyintang lalaking yun ayy este bakla pala. Sinayang nila ang pagmamahal ng panget na katulad ko, bahala sila hinding hindi na ako titingin sa mapagsamantalang gwapo o poging lalaki at lalong lalo na sa mga Pogay o Poging.

Oooopps, masyadong napahaba ang pagsstory tell ko, hindi niyo pa pala kilala ang Knowledge girl but the face is Damage na tanga tangang na fall in love sa isang baklang taob na taob ang mukha ko.

Ang ngalan ko ay si Beverly "Bebang" Cruz. Palayaw lang ang maganda sa akin pero memmorable yan kasi bigay pa yan ng first ever crush ko nung lalaki pa siya. 16 na yung Bilbil ko ayyy mali yung taon ko pala yun. Lumaki ako sa pader ng magulang ko, Si Mama ay half Chinese at si Papa ay purong pinoy kaya ang kinalabasan ko ay 1/4 na chines at 3/4 na Pilipino. Gulo noh??

Sa school namin ay nabibilang ako sa dalawang grupo o pangkat ng mga estudyante. Una GGSS o Gandang Ganda Sa Sarili, ito yung grupong Felingera at Assumera na maganda daw sila. Pangalawa NBSB No Boyfriend Since Birth, ito yung walang nakakasamang lalaki simula nung pagkabata pero sa akin hindi ko pinapansin yun kasi ang totoong meaning sa akin ng NBSB ay NO BEAUTY SINCE BIRTH yan ang saktong sakto para sa akin kasi sabi ni Mama nung nasa sinapupunan niya raw ako hinulaan na siya ng manghuhula na 'wag na daw niya iluwal ang bata kasi Ubod daw ng panget ito. Di ba saklap ng buhay ko no?? pero panlalait. Kung makikita ko yung manghuhulang yun, ayyy! naku! gagawin ko siyang mambabarang.

Kung ilalarawan ko kasi ang sarili ko ay hindi ako malalayo sa linya ng mga panget sa school kasi naman ang taba taba ko, o BMW BILBIL MO WALO sarap kasi kumain ng kumain lalo na kapag napapakawalan ka sa kusina. Mala pansit canton o kulot na kulot yung buhok ko parang hindi na tinatalaban ng shampoo ehh. Yung ilong ko ayy natabunan na ata. Pango yung ilong ko parang nasagasaan ng pison. At ang pinakamalala sa lahat yung PF ko o PIMPLE FAMILY sa mukha ko na bawat araw ay bumubuo sila ng sampu sampu. But sa lahat ng negative na adjectives tungkol sa akin ay mayroon namang positive. Mayroon kasi akong wonderful at matabang utak in short matalino ako. Hindi ningid sa inyong kaalaman lagi akong nakakapasok sa Honor Students sa school hindi nga lang top 1 pero ayos lang. Makapasok lang sa Honor Family sa school ay isa ng karangalan.

About naman sa Family ko o sa buong Cruz Family ko ay ako lang ang natatanging mataba siguro dahil na rin sa mga masasarap na pagkain na tumutukso sa akin. My hobby kasi ako sa buhay at yun yung Eating Foods that;s why nagmumukha na akong Barney actually naalala ko pa nga yung tawag sa akin ng mga kaibigan ko. TABS plural daw ng Taba kasi hindi lang daw patong na patong na taba ang bumabalot sa aking buong katawan.

-----------> Stop, ang nakakabanas na Adjectives in Negative Form.

Its saturday morning, pumasok ako sa school namin kahit weekend dahil sa mayroon pa kaming report na dapat tapusin o importanteng ipasa sa Monday kung di lagot na naman kami kay Ma'am. Nagmadali akong pumta sa Speechlab ng school na kung saan nakalocate yung meeting place namin. Pagkapasok ng pagkapasok ko pa lang ng Speechlab ay laking gulat ko ng wala pang tao doon pero ng tignan ko ang wrist watch ko ay napakalate ko na pero ano tong nakikita ko. Ni isang tao wala akong nakita o baka naman nagbago sila ng meeting place. Hayyy!

Umupo na lang ako sa sofa malapit doon sa Computer para na rin makapagisip ako ng magandang Title ng program. Yung report kasi namin ay tungkol sa gagawing Program about sa English Month. Gano'n talaga ang gawain ng isang matalinong tao saiyo lahat nakaatas na dapat gawain ng isang teacher. Ikaw naman tong sunud-sunuran kasi sila yung may karapatang bigyan ka ng mababang marka. Hayyy! minsa nga iniisip ko kung sino nga ba ang Tamad?? yung taong nanguutos o ang taong hindi sumusunod sa utos??

Habang nasa panahon ako ng pagiisip ay maya malakas na tilian akong narinig sa labas ng Building yung tipong may bagong hearthrob na naman ang dumating sa school namin. Btui sana kung si James Reid man lang ang nagpakita kasi yung mga tao dito sa school namin kahit mukhang banakal na nakaporma lang ng konti ay gwapo na agad. Hindi kasi sila marunong tumingin ng gwapo sa mukhang banakal.

Dahil sa naniniwala ako sa "Curiousiti Kills" ay agaran kong pinuntahan ang taong nagkakaguluhan tutal wala pa naman yung mga kasama kong gumawa ng English program ehh. Susulitin ko na ang kokonting panahon o oras para naman makita at mahusgahan ko kung gwapo ba talaga yung pinagtitilian sa labas.

Mga sampung minuto din akong naglakad para hagilapin kung saan ba nagsisimula yung kaguluhan. Malawak kasi tong school at dami pang pasikot-sikot parang gubat ang dating ng school namin. Nagulat ako ng makita ko mula dito sa six floor na sa gate lang pala ng school yung kaguluhan. Hayyy! panibagong lakad nanaman. Pagkababa ko ay nakita ko na yung kumpulan ng mga babae at maging ang mga bakla nakikigulo rin.

Dahil sa hinaba haba ng pila ayy! este sa dinami dami ng tao ay pumunta ako doon sa medyo matinong babae na nasa gilid ng kumpulan. Kakausapin ko siya para tanungin kung sino nga ba talaga ang main source ng tili factor.

"Amhh.. Ate pwede po bang magtanong??"

"Ayyy! ate nagtatanong ka na po, ano bang gusto mong patunayan?? bigyan pa kita ng authograph tapos ipamukha ko saiyo na pwede ka ng magtanong??"

Takte!! mukhang mali ata ako ng pinagtanungan. Mukhang mayroon ata si Ate ang init ng ulo tsaka bakit hindi pantay yung kilay nun. Normal na ba talaga yung nakataas niyang kilay o baka hindi na nabalik dahil sa sobrang kasungitan niya?? kaya ayaw kong maging masungit ehh, bilis pumanget ayy! este matagal na pala akong panget hindi ko na kailangang magsungit.

Naghanap ulit ako ng pwedeng kausapin at pwedeng mapagtanungan. Sa pagkakataong ito mamimili na talaga ako ng maayos kausap. Ayaw ko na ng mabandal ulit. Nilapitan ko yung babaeng Maria Clara yung porma. Grabe balot na balot siya. Ayaw ata magparape ehh. Hahaha.

►►Thanks for reading! :) Don't forget to Vote ang Comment! Be a fan po sana kayo! ◄◄

Crush Sana Kita,  Kaso? Mas Maganda Ka Pa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon