Chapter 16

41 15 5
                                    

NAGING ganun ang routine namin sa araw-araw. Ihahatid niya ako sa school at susunduin niya naman ako twing uwian. Madalas ay late na siya nakakalabas ng school nila kaya late niya narin ako na susundo pero naiintindihan ko naman. Kung minsan kapag wala siyang pasok ay nagpupunta siya sa school namin at sinasabayan ako maglunch.

*TING!* *TING!* *TING!* TING!*

Napabalikwas ako mula sa kama ko nang marinig ang ingay na iyon na nanggagaling sa loob ng kwarto ko!
Inis akong napatingin sa pinagmulan ng ingay at nakita ko sina Anthea, Bella at Arie na nagpipigil nang tawa habang may hawak hawak na kaldero ,kawali at mga sandok!

"Ano ba!" sigaw ko sa kanila. Inis akong napakamot sa ulo ko at masama silang tinignan.

"Ano nanaman bang ginagawa nyo dito at iniistorbo niyo ang pagtulog ko?" dagdag ko pa.

"Ay galit?" si Bella.

"Ikaw kayang gisingin ko sa ganyang paraan." I rolled my eyes saka muling humiga sa kama.

"Omo! Bumangon ka na diyan CC! We're going somewhere!" dagdag pa ni Bella.

"Oo nga, sobrang special ng araw na 'to para sayo kaya mag-ayos ka na diyan." si Anthea.

Nagtaka naman ako sa mga sinasabi.

"Anong sobrang special ng araw na 'to para sakin?" kunot noong tanong ko. Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Hala? Wag mong sabihin na nakalimutan mo?" ani Arie.

Napatitig naman ako sa kanila dahil wala akong ka-ide-ideya kung anong tinhtukoy nila. Nang hindi ko matagalan ang pakikipagtitigan sa kanila ay bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila.

Dederetso na sana ako sa kusina kaso may nadaanan ako sa sala.

Naibalik ko ang tingin sa apat na lalaking nakaupo sa sofa at diretsong nakatingin saakin.

Isa-isa ko silang pinasadahan ng tingin.

Una si Brix katabi niya si Aldrich at si...

'Kenneth!? Anong ginagawa niyan dito!?'

Umiling naman ako saka tinignan ang sumunod na lalaki. Hindi ko siya kilala pero sobrang pamilyar ng muka niya.

Siya yung lalaking nabangga ko nung nakaraan!!

'Ano ring ginagawa niyan dito!?'

Natakpan ko ang sariling bibig nang marealize kung anong suot ko ngayon!

Naka-sports bra nga lang pala ako at denim short!!

Nahihiyang napatakbo naman ako papunta sa kwarto ko! Nakita ko pa sina Bella na nagtatawanan sa may hagdan!

Nakakainis! Bakit hindi nila sinabi saakin na bukod sa kanila ay may iba pa akong bisita!

--------

MATAPOS kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na nga ako. I wore Black Plain Spag Overlap Dress syempre hindi ako pwedeng magpatalo sa nagagandang tatlong babae na makakasama ko. Syempre nagdala rin ako ng sling bag para lagayan ng mga gamit na kailangan ko.

Maputi rin naman ako kaya ayos lang saakin na magdress at ipakita ang kutis ko.
Nakita kong nagkukwentuhan sa sala sina Bella. Agad silang napatayo ng makita akong pababa ng hagdan.

"Naks ang ganda, kita cleavage." pang-aasar ni Bella. Siniringan ko naman siya.

"S'an ba tayo pupunta?" nakangiwing tanong ko sa kanila.

"Saan pa? Babalik tayo sa Enchanted Kingdooomm!!" maingay na sambit ni Bella. Nagkaroon naman ako ng masayang pakiramdam dahil makalipas ng isang taon ay noon na lang kami muling makakapunta doon.

The Untold Story of Us || UNLUCKY SERIES 1Where stories live. Discover now