Paghinto

61 4 1
                                    

LAGPAS alasais y medya na noong nag-announce na ang mga emcee na mag-uumpisa na ang pageant para sa King and Queen of Hearts of the year. Sa mga nakahilerang monoblock chair sa tapat ng malaking stage sa quadrangle ay nakipag-unahan kaming maupo ng mga Manlalakbay para kitang-kita kami nina Kuya Mago at Vanessa mamayang rumarampa na sila.

Naka-ready na rin ang pinagkaganda-ganda naming gawang banner na mga nakasulat ang mga pang-engayo namin sa mga kaibigan namin mamaya.

"Kapag natalo si Vanessa, si Mago kaagad ang sisisihin ko," nangingiting anas ni Ailyn sa kaliwang gawi ko habang inilaladlad nito ang banner na para kay Kuya Mago.

Good mood pa rin talaga siya hanggang ngayon. Ganito ba talaga ang epekto ng kapatid ko sa kaniya? Para siyang naka-high. Parang nakasinghot ng rugby ba?

Hindi pa totoong kasal 'yon, a? Paano na lang kaya kapag totoo na?

Nape-predict ko nang sa hinaharap, 'pag 'di talaga sila nagkatuluyan ay palagi na lang mainit ang ulo niya hanggang sa tatanda na lang siyang dalaga.

Nakarinig naman ako ng mga ingay sa kabila. Binalingan ko ang padabog-dabog kung kumilos sa gawing kanan ko na si Lyca. May kung ano siyang isinusulat sa isang mahaba't tama lang ang nipis na telang puti na tingin ko ay ka-tela ng banner na ginamit namin para sa paggawa ng mga banner para sa dalawa. Siguro ay retaso iyon mula roon.

"Ano 'yan?"

Hahawiin ko sana ang kamay niya para makita ko kung ano ang isinusulat niya, pero pabalya niya lang sinampal para mataboy ang palad ko.

"Tsk! Ano ba!" bulyaw nito sa akin na galit ang mga matang nakatutok sa akin.

Napatitig lang ako sa kaniya. "Ba't ka naninigaw?" Pakiramdam ko, nawalan ako ng ekspresyon sa mukha sa pagtatanong.

Natahimik na lang siya at bigla akong tinalikuran, nagpatuloy sa ginagawa niya.

Gusto ko pa sana siyang tanungin ulit tungkol naman sa kung ano ang problema niya, pero nagdadalawag-isip ako. Baka makakuha lang ako ng same treatment at attitude, mag-init lang ang ulo ko, magkasabay pa kami. Saka ko na lang siya kauusapin. Ganito naman siya minsan, e. Nasanay na lang siguro ako o minsan, hinahayaan ko na lang para walang gulo.

"Sania, o!"

Nilingon ko ang kumalabit sa balikat ko mula sa likuran na si Jhoma, may ino-offer na makakain. Doon silang apat nina Lourdell, Dian, at Isabelita nakaupo sa likuran namin na row ng mga monoblock chair.

Tag-apat lang kasi na upuan ang bawat row kaya hindi kami nagkasiya sa isa lang, doon tuloy sa likuran namin. Aywan ko lang kung para saan pa naka-reserve iyong upuan sa gawing kaliwa ni Ailyn, kanina niya pa 'yon iniingat-ingatan, e. Nakailang bawal na siya sa mga nagtatangkang maupo roon.

"Ito, sakto! Puwedeng makiupo?"

Nagsilingunan kami roon sa nagsalita. Ang nakangiting si Kuya Ihara, nakatingin kay Ailyn.

"S-Sige ... sige lang! Upo ka lang! Wala ngang gustong maupo riyan, e, ewan ko ba kung bakit! Hahaha!"

Mabilis na pinag-aalis ni Ailyn 'yong mga banner at gamit niyang nakapatong doon sa upuan.

Nakangiwi kong pinagmasdan ang ngiting-ngiti kong kaibigan.

Huli kang babae ka...

Ba't nga ba nagtanongla ako kung para kanino naka-reserve ang upuan na 'yon? Kaya pala galit na galit siya sa mga nalikiupo kanina.

Isa pa 'tong kapatid ko...

Ang disheveled na ng itsura ni Kuya. Unbuttoned na ang dalawang butones ng shirt niya at lukut-lukot na nakatupi hanggang siko ang mahaba niyang manggas. Kanina pa siguro 'to gala nang gala ... o kung hindi man, kanina pa 'to inuutus-utusan ng mga teacher.

The Forbidden: Awaken (UNDER MAJOR EDITING & REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon