The Night

54.9K 370 14
                                    

               Venus' POV

"I look so hot." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa aking full length mirror. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ang sexy ko talaga. Lahat sila yan ang laging sinasabi saakin. Maganda, sexy, mabait, magalang at mayaman daw ako. Well, hindi naman ako tumututol kasi ganun talaga ang life e. Hahaha!

Ako nga pala si Venus. Alam ko ang ganda ng pangalan ko. Kasing-ganda ko ang pangalan ko. Hahaha joke! Isa akong Salcedo, ang pangalawang pinakamayaman sa buong Pilipinas. I'm 23 years old and i'm sexy, free and single and ready to mingle. Nakaka limang boyfriend palang ako at ang pinakamatagal na doon ay 5 months. Para kasi sakin, ang habol lang nila ay ang katawan naming mga babae.

Yung last ko ngang boyfriend e nagyayaya na gawin namin YUN pero syempre, bilang isang dalagang pilipina, hindi ako pumayag. Aba dapat lang na hindi ako pumayag no! Hindi ko ibibigay ang Vcard ko sa hindi ko asawa. Sa ngayon, wala muna akong fafa dahil busy ako sa binigay na task sakin ni Dad. Wala kasi ang kuya ko na syang tunay na tagapag-mana kasi naman ay vacation sya kasama ang asawa nya. So heto ako ngayon nagpapakastress sa trabaho.

Anyway, pupunta ako ngayon sa Air26. Isa itong bar na malapit lang sa condo na tinutuluyan ko. Nagyaya kasi ang mga friends ko ng inuman kaya ayun. Busy na daw kasi kami sa kanya kanya naming business kaya naisip nila na magkita kita kami ngayon. Sakto naman ang invitation nila kasi ito ang kailangan ko. Kailangan kong mag loosen up dahil narin sa daming stress sa kompanya.

Nakasakay na ako sa kotse ko papunta sa Air26. Nang dumating na ako, ipapark kona sana ang kotse ko sa parking lot ng may muntik na akong mabangga. Sino naman itong tangang ito at mukhang aagawan pa ata ako ng pwesto?! Naiinis ako kasi sa dinami dami ba naman ng space dito sa parking lot e dito nya pa naisipan magpark kung saan din ako magpapark!

Sa sobrang inis, umalis nalang ako dun sa dapat ay ipagpaparkingan ko ng kotse at humanap nalang ng iba. Lumabas ako ng kotse na inis na inis parin sa  nangyare kaya pumunta ako doon sa side ng kotse nung humarang sakin kanina at kinatok ko yung bintana nito. Katok na ako ng katok pero wala man lang sumasagot kaya nagsalita nalang ako para malaman ng tangang driver nito sa galit at naiinis ako.

"HOY IKAW NA DRIVER DYAN SA LOOB! BUKSAN MO TO!" Sigaw ko pero wala parin. Last na to. Pag hindi pa to bumaba, aalis na ako. "HOY!!! BINGI KA BA O TANGA?! BUKSAN MO TO SABI E!" Pero wala parin kaya umalis nalang akO. Hindi ko rin naman makikita yung driver sa loob kasi tinted ang kotse.

Nang makapasok na ako sa loob ng Air26, agad na sumalubong sakin ang maingay na sounds mula sa stage ng bar at ang amoy ng mga halo halong alak. This is what I've been longing for. Simula kasi nung ibigay sakin ang ibang trabaho ni kuya, bihira nalang akong pumunta sa mga bar. Namiss ko tuloy night life ko.

Nagpalinga linga ako ng tingin para mahanap ko sina Alison at tamang tama, nakita ko sila na kumakaway sakin na sign na nandoon sila. Pinuntahan ko naman sila at naupo ako sa tabi ni Jake.

"Bakit naman ang tagal mo Ven?" tanong ni Alison. "E may bwisit kasi dun sa may parking lot e" Sabi ko at naalala ko nanaman yung langyang driver na yun.

"O ano nanaman ba ang nangyari?" natatawang tanong ni Jake. Lintek na kaya ayun ikinwento ko sakanila ang nanyari.

"Bwahahaha! Ang tapang mo parin Ven hanggang ngayon! Hahaha" "Bwahahaha! Edi nagmukha kang tanga don?! Hahaha! Epic yun Ven!" Mga lintek to! Pinagtawanan pa talaga ako! Nagtawanan lang silang lahat sila sa kwento ko habang heto ako naiinis parin. Baliw talaga tong mga kaibigan ko.

Namiss ko ang mga pang aasar nila. Hayst. Tumatanda na e at nagkakaroon na ng sariling buhay. Di gaya dati na wala ang isa, wala lahat. Lima kaming magkakaibigan. Ako, si Jake, si Alison, si Frank at Jessy. Simula high school magkakaibigan na kami kaya matibaya ng samahan namin. Hahaha nuxx meganon?

One night stand with a VIRGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon