Short update only. xx
----
Venus' POV
"Mommy, my toy car's missing."
"Mom! Mom! I broke my barbie doll's neck!"
"Moooommmyy! He stole my caaaaar! Huhuhu!"
Kasalukuyan akong nasa sala at nanunuod ng tv habang hinihintay ko ang mister ko ng marinig ko ang tawag ng mga anak ko. Nakaka hilo na sila pero masaya ako na dumating sila sa buhay ko. Ang tatlong anghel ng buhay ko. Ang mga makukulit na anghel.
It's been 3 years ng nangyari ang lahat. Tatlong taon na akong kasal sa lalaking pinakamamahal ko. Naaalala ko pa nun, mmatapos ng gabing nangyari samin ni, Jupiter, lagi na nya akong dinadalaw sa condo, lumalabas para kumain, sinasamahan sa mga appintments ko. In short, We're dating. Nung una nga akala ko hindi sya seryoso at s3x lang ang habol nya sakin pero nagkamali ako. Inamin nya sakin na matagal na syang may gusto sakin at handa nya daw akong pakasalan kahit ano mang oras. Pero syempre dahil hindi ko sya gaanong kilala (pero sya, kilalang kilala na nya ako), pumayag ako na magdate muna kami para naman mas makilala ko sya ng lubusan. Pero ang date namin ay nauwi sa kasalan dahil napagalaman ko na buntis pala ako ng dalawang buwan.
I still remember nung nalaman nyang buntis ako, hindi maipinta ang saya sa mukha nya. Parang syang nanalo sa lotto ng isang million with matching house and lot pa. Hahaha. Sinabi rin namin sa parents ko na buntis ako kaya pumayag sila na ikasal kami ni Jupiter.
Napaka swerte ko na dumating sa buhay ko si Jupiter. Nung kasal namin, sya ang nag asikaso lahat dahil ayaw nya daw na mapagod ako at gusto nya daw e as soon as possible ay ikasal kami. Minsan nga tinanong nya ako kung anong klaseng wedding daw ba ang gusto ko. Ang sabi ko naman ay beach wedding. Eversince kasi nung may mapanood ako na movie na may beach wedding, parang gusto ko ring masubukan na ikasal ng beach wedding. Para sakin kasi, napaka romantic nun tignan.
Pero ang bwisit na si Jupiter, ayaw daw nya ng beach wedding kasi baduy daw at walang taste. Nagalit nga ako sakanya nun at naistress ako at kinailangan pa akong dalhin sa hospital. Pero lahat ng stress na sinapit ko ay nawala nalang bigla nung araw ng kasal namin.
Nabigla nalang ako ng bumaba kami sa may beach at doon pala gaganapin ang kasal namin. Naisip ko nga na parang akong tanga na nagalit sa magiging asawa ko e surprise lang pala yun kaya pala tinakpan nila ang mata ko habang bumibyahe.
Noong araw naman na malalaman na ang gender ng baby namin, hindi naman masidlan ang tuwa at kaba ni Jupiter. Halos uminom na nga sya nun ng tatlong basong kape dahil daw kinakabahan sya. Pano daw kung wala daw mukha ang baby namin okaya naman e kulang daw ng isang paa. Hahaha baliw ata ang napangasawa ko eh. Ang sarap nyang sipain sa paa. Napaka paranoid eh. Hahaha.
Noong kabuwanan ko na, hindi na umaalis sa bahay si Jupiter. Sabi nya gusto nya daw na nasa tabi nya ako kapag manganganak na ako. Aba dapat lang no! Alangan namang yung katulong yung kasama ko sa panganganak -.-. At nung dumating na yung araw ng panganganak ko, nasa tabi ko si Jupiter. Nasabunot at nakurot ko na sya't lahat lahat hindi parin malabas ang mga anak ko. Oo. Mga anak ko. Sabi nung doktor ko, dalawa lang daw ang baby na nasa tiyan ko pero nung manganganak na ako, akala ko wala na pero meron pa palang isang batang anghel. Masakit at mahirap pero worth it naman kung titignan ngayon.
"Okay calm down babies. One by one, okay? Mommy can't understand the three of you because you're talking at the same time"
BINABASA MO ANG
One night stand with a VIRGIN
RomanceHe had a one night stand with a virgin. She had a one wild night with a sex monster.