Chapter 8 : Hospital
"Tatlo ang tama nya, dalawa sa balikat at tagiliran at isa sa tiyan so far natanggal na namin ang bala. she need rest at kailangan pa naming kumuha ng result. maiwan ko muna kayo."
"Salamat doc"
Narinig ko ang usapan nila, Pero hindi ko dinidilat ang mga mata ko.
"Fuck them! talagang hindi sila titigil!"Galit na sigaw ni Zain ang umalingaw ngaw sa loob ng kwarto.
"Be ready, Menard, Ventri. Lintik lang ang walang ganti."Kumpara kanina mas kalmado na sya ngayon.
"Eh yung manduque na yon? May tama daw ba?"Rinig kong tanong ni Ventri.
Doon ko lang naalala si Saxon, Natamaan ba sya ng bala? Hinarang ko yung sarili ko sa kanya para hindi sya matamaan hindi ko alam kung bakit ko yon ginawa.
siguro,alam ko na ako lang ang puntirya ng mga yon at ayokong may madamay na ibang tao.
"Wala, Imbistigahan nyo yung nangyari kung may alam yung Manduque nayon sa nangyari"
"Bakit ba kasama ni Ashanti yong Manduque nayon?"rinig kong tanong ni menard.
"Chismoso."Doon ko na dinilat ang mata ko."Nalaman nyo ba kung sino?"
Sinubukan kong umupo pero pinigilan nila ko, kaya nilagyan nalang nila ng unan ang likod ko.
"Oo, At hindi ka sasama samin, Leave it to us."tinitigan ko si zain.
"Don't look at me like that, pag sinabi kong hindi ka sasama hindi ka sasama."
"Tsk, Is he okey?"
"Talagang yung mokong pa na yon inaalala mo no?"May bahid na inis sa boses ni Ventri.
"Oh? why galit?"
"Sundutin ko yang butas mo sa katawan,sige."
"Bubutasin ko din yang katawan mo,sige."
Nagtawanan na sa kami,hanggang sa may kumatok.
Buti nalang kahit nandito ay nakasuot ang mask ko pumasok ang nga nurse at doctor.Maya maya pa ay nag paalam na ang tatlo at ako nalang ang naiwan mag isa.
Natulog ako ulit pag gising ko gabi na at wala parin ang tatlo,kanina pa ko nagugutom hindi pa ako masyadong makatayo dahil masakit pa ang sugat ko.
Pinilit ko pareng tumayo para pumuntang banyo, hawak hawak ko ang tyan ko habang nag lalakad papasok sa banyo.
"Aww."Daing ko ng humakbang ako.
Saktong pagsarado ko ng pintuan ng banyo,sya namang tong pag bukas ng pinto sa labas.pinakiramdaman ko kung sino yon,hanggang marinig ko ang yabag nya na tila nag iingat.
Patay.
Sinilip ko kung tama ang hinala ko, May nakita akong isang lalaki na nakaitim.
Tangina,hindi ako makakalaban.Hindi ko pa dala ang cellphone ko.wangya
Hanggang makita ko na syang maglakad patungo dito sa banyo,pinilit kong gumilid at tinanggal ang dextros ko sa kamay.
Dahan dahan nya ng binuksan ang pinto una kong nakita ang kamay nya na may hawak na baril, kaya agad kong pinalo ang pintuan sa kamay nya dahilan para mabitawan nya ang baril.
Binuksan ko ng malaki ang pinto ng banyo, at pilit syang sinipa kahit namimilipit ako sa sakit.
Napaatras sya at maya maya ay sumugod na sya, Hindi ko naiwasan ang isang atake nya kaya nasapak nya ako sa balikat kung saan ako may tama.
"Ahh!"Daing ko.
"Laban pa bata."Nadinig ko ang matunog nyang ngisi.
Hindi ako makakalaban kaya ang tanging paraan lang ay makalabas ako sa kwarto na to kung hindi deretyo Funeral ako.
Lumaban ako kahit ramdam ko na ang pagtulo ng dugo sa bawat sugat ko, Hanggang sa nahablot nya ang balikat ko na may tama at piniga iyon.
"Ahhhh!" Napaluhod ako sa sahig, tanging ngisi nya lang ang nakita ko
tyaka nya ko tinuhod sa ulo,bumagsak ako sa sahig na hinang hina.
Tangina,nasan na ba kayo?!
"Paalam bata."Naaninang ko na ang dulo ng baril na nakatutok sakin.
Sa haba ng panahon nila para patayin ako hindi sila nag tatagumpay, at mukang ngayon mapapatay na nila ako ng walang laban.
pinikit ko na ang mata ko,may tumulo pang luha at sa pag pikit ko narinig ko na ang sunod sunod na putok ng baril.
At kasunod non ang hindi ko inaasahang tao, na muli kong makikita.
"Die asshole"
"Kuya..."