Chapter 4

9 2 0
                                    

Mabilis lang natapos ang umaga. Kagaya ng plano ko, I asked them to do a vlog with me ng "Answering questions we never asked each other" while packing orders. Isinama ko sila dahil baka maging boring kung ang iv-vlog ko lang ay ang pagpa-pack ko ng orders. Ang saya dahil hindi lang ako nagkaroon ng content, nagkaroon pa kami ng time para makapagbond pa. Sa tingin ko ay dahil sa college kaya nababawasan na ang oras namin makapagbulakbol at makapagkwentuhan.



Hays, kaunting kayod pa mabubuo ko rin ang pangbayad ko ng tuition. They left before lunch because they also had other plans, so I finished the rest of the orders by myself, which weren't a lot by then. I finished the orders at around 2:30 then I proceeded to organize them too, dahil ayaw ko na magulo at para madali kong malaman kung alin ang para kanino. I decided to put labels on them too. I think I need to buy cards for better labelling so that it would be more presentable, and my products would be cuter. But I'm not really a decisive person because I am studying Fine Arts and majoring in Advertising Arts so I am well aware of the broad choices that are available for me for advertising my products. Ang dami kayang magagandang styles to try out there so it would surely be a challenge.



I sighed remembering that I have to pay the tuition in a few days, I cannot be far behind in paying it. I have to hustle harder. I think I have just created the slogan for my business and social media. I need to constantly remind myself that I am doing all these things for myself, not anyone else because I cannot rely on others. As soon as I finished packing and sorting, I placed everything neatly on the table at naghanda. Maya-maya ay nag-ring yung telephone ng condo kaya sinagot ko, sabi sa akin ay may dumating raw ako na mga orders sa baba at may kailangang pirmahan kaya naman sinabi kong bababa na ako. 


Pagkababa ay kinuha ko yung packages pagtapos ko pumirma. Napansin kong bago ang receptionist today, o baka hindi lang ako sanay na sya ang nakikita ko dahil palaging gabi o madaling araw na ako umuuwi sa dami ng ginagawa ko. I read her nameplate, Kayla. I smiled at her and said thank you, before heading to the elevator while bringing my packages. One of these days, parang kailangan ko na ng wagon dahil dumadami na ang mga nagpapadala sa akin. Pagkapasok sa condo ay agad akong nagfilm ng unboxing ng mga packages, nagedit ng reels para sa Instagram, at agad kong ipinost. I love supporting local, lalo na makikita mo na talagang handmade at mararamdaman mong pinag-isipan ang kanilang produkto. Nakaka-inspire, ngunit di pa rin ako nakakaisip ng final na packaging para sa business ko. Hindi kasi ako makapgdesisyon kung anong klase ba ang gusto ko. Pagkatapos ko magpost ay iniayos ko na ang mga food na idedeliver ko ngayong gabi, dahil sunday ngayon. Nakakatuwa gumawa ng mga meal-prep at ang saya dahil ito ang naging business ko. Kahit papaano ay kaya kong sustentuhan ang sarili ko.


Kinuha ko ang mga paper bags at bumaba sa parking lot. "Grabe ang hassle." Bulong ko sa sarili ko dahil hirap na hirap akong hawakan ang mga paper bags para hindi masira ang packaging sa loob at hindi magkagulo ang mga pagkain. Binuksan ko ang sasakyan ko tapos ay inilagay ko ang ibang mga paper bag sa backseat, tapos ay nagpunta na ako sa driver's side matapos ko maiayos sa likod. Nang papasok na ako sa sasakyan ko ay may napansin ako sa katabing sasakyan ko na parang naiinis na lalaki, base sa kilos at lakas ng buntong hininga nya. 


"Uh, hello?" Awkward kong tinawag ang pansin nya, halos mapangiti naman ako nang lumingon ang kaninang nakatalikod na lalaki. 


"Uh, hey." His lips formed a small smile. Ang pogi! 


Dependence On Independence (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon