Chapter 2

22 3 0
                                    

Elana's POV

After parting ways with my brothers, I happily skipped towards my car and drove to the location that Ciara sent us. It was kinda traffic. When I arrived at the parking lot of the club, there were a lot of cars already. Medyo nahirapan pa akong maghanap ng mapaparkingan ng sasakyan ko. Chineck ko pa muna ang sarili ko bago ako bumaba ng kotse.

Hindi pa man ako nakakapasok ay sinalubong na agad ako ng mga kaibigan ko. Tingin ko ay kakarating lang din nila.

"Oh my gosh Louisse, you're here!" Bati ni Ciara pagkakita niya sa akin. Masaya akong lumapit at niyakap siya. "Congrats girl, trending ka na!" Sabi niya habang tumatawa pa.

"Oo nga e, did I make it already?" Mayabang na sagot ko kunyari sabay tumawa.

"Ew, parang hindi ikaw!" Sabi naman ni Amanda at bumeso sa akin. She was wearing a high waisted jeans with a white tube top na talagang boobs niya lang ang natatakpan but she was wearing a bomber jacket. And her heels were shiny. "Ganda ng outfit mo girl, lowkey tita ka na." Bulong ko sa kanya. She playfully pulled my hair with my retort. "Tayo palang ba? Asan na yung dalawa Ciara?" Sabi niya at tumingin tingin sa paligid habang yung buhok niyang wavy ay hinahangin pa.

"I don't know e," Ciara answered while pouting. She was wearing a black bodycon skirt with white strip and paired it with black ankle boots. And her top was a black see-through crop top with a black brallete. Her hair was curled, but it was fixed on the side of her face. She looked bomb! "Let's go inside na, we already have a table sa taas!" Sabi ni Ciara kaya naman pumasok na kami.

It was dark inside, the place reeked of alcohol. Syempre club ito! Suway ko sa sarili ko. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganito pero kung minsan ay okay lang naman sa akin. Our table was near the bathroom and also the fire escape. I also saw a door with a sign smoking area. Mabuti, kaya pala hindi mausok sa loob. Amoy alak nga lang. Hindi pa man kami nakakaupo ay may maingay nang bumati samin.

"Wassap b*tches?!" Maingay na bati ni Victoria. She was wearing a gold satin cowl neck mini slip dress with gold heels. Her hair was in an elegant messy bun. "Oh, wala pa si Micah?" Sabi niya sabay pumameywang nang makitang tatatlo palang kami at pang-apat siya.

"Training raw e," Sabi ko at naupo na. Isa isa niya kaming bumeso at naunang umalis si Ciara para umorder ng drinks namin. Nagkukwentuhan kami nang biglang napairap si Amanda. "What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"That guy, inagawan ako ng parking slot! Can you believe it? Ugh!" She looked so irritated. Napalingon kami ni Victoria kung saan naroroon ang 'guy' na tinutukoy niya pero tatlong lalaki ang nakita ko paglingon roon. "The one wearing a white dress shirt with black casual shorts." She scoffed. Natawa ako sa kanya kaya naman sumama ang tingin niya sakin. "What?!" Masungit na tanong niya sakin.

"Irita ka sa kanya pero you checked him out already?" Mapang-asar kong sabi at sabay kaming tumawa ni sa sinabi Victoria. "True girl!" Gatong niya pa sakin. "Pakipot siya babe," sabi ni Victoria at nagpipigil ng ngiting tumingin kay Amanda para lalong maasar. She just rolled her eyes at us before slyly looking at the guy's direction again.

"Ang tagal naman ni Ciara bumalik—ay andyan na pala! Tagal mo babe!" Sabi ni Victoria at kinuha ang drink na hawak ni Ciara.

"Sorry sorry, a lot of people saw me geez! Nakakapagod din kayang bumati duh!" Maarteng sabi niya habang umuupo, nilagay naman ng waiter na kasunod niya ang mga inuming inorder niya sa lamesa. "Elana I want you to try this drink!" She said before giving me dark colored drink, I smelled coffee when she handed me the drink kaya nagtaka ako.

I took a sip and it tasted like coffee and alcohol. "It's good!" Sabi ko habang nakangiti. Hindi ako mahilig sa alak pero parang ito na yata ang magiging paborito ko. "Ano 'to?" Sabi ko bago uminom ulit ng kaunti.

"Caribbean coffee rum," Ciara said and winked at me. My mouth formed an 'o' while nodding. Masaya kaming nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko nang biglang may dumating na waiter na may hawak na cake at may roman candles pa 'yon. My friends started taking vids of me and we all danced our celebratory dance. Kinuha ko ang cake sa waiter bago niya sinindihan ito. I was so happy I was even slightly dancing while I was holding cake with lit up candles. We were probably kinda drunk dahil medyo madami na kaming nainom pero wala akong pakialam. My friends kept teasing me and I had to put cake down so that I could enjoy myself while I was going along with them. Mahirap na dahil baka malaglag pa yung cake. Pinabalot naman yun ni Ciara at sinabing iuwi ko raw. Parang baliw!

Nagkayayaan ang mga kaibigan ko na sumayaw pero hindi na ako sumama. Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na dahil gusto ko pa rin na maagang magising bukas para mag-asikaso ng orders. I also reminded them na sinabi nilang tutulungan nila ako. Sabi nila ay tanghali sila dadating at sila nalang raw ang magdadala ng tanghalian.

Bago ako magdrive paalis ay nag-story muna ako sa Instagram. Ang unang picture ay ako lang, nakatawa ako kunyari sa picture tapos ay tinag ko ang shop na nagpadala ng damit ko bago nagpasalamat. Ang kasunod na picture ay picture naming magkakaibigan, kahit hindi nakasunod si Micah dahil sa training niya, sayang. Pero babawi naman daw siya bukas. Naglagay rin ako ng caption na 'Celebrated my first trending video with my friends.'

Ligtas naman akong nakarating sa condo dahil hindi naman ako gaanong nalasing, hindi na rin ako uminom nang uminom nung huli. Bago umakyat ay dumaan muna ako sa coffee shop sa baba ng condo. I ordered a cappuccino to go then I smiled at the barista. While I was about to pay, someone came to me.

"Uhm, excuse me po," Sabi nung babae. Lumingon ako sa kanya bago ibigay ang bayad ko sa barista. "Hello!" I said then smiled widely at the girl, she looked like we were at the same age or something. She was really pretty too and had a long hair. "Pwede po bang magpapicture?" She nicely asked me while looking at her phone. Who am I to say no? Kahit medyo nahihiya ako dahil baka amoy alak ako at baka sabihin ay lasenggera ako. Bad press agad!

"Sure! I'll just get my receipt," Sabi ko sa kanya at binaling muli ang tingin sa barista. Parang bago yata siya dahil hindi ko namumukhaan, hindi naman ako lasing para hindi mamukhaan ang barista rito. O baka dahil hindi lang ako ganoong nabili rito ng ganitong oras.

"Here's your receipt ma'am," He said and handed me the receipt. "Please wait nalang po sa side." He smiled at me and I nodded. Then I took a picture with the girl before sitting on the chair near the window. She was so happy thanked me before she left. Grabe, nakakataba naman ng puso. Hindi pa rin ako sanay na mayroong mga nagpapapicture sa akin. Parang ang bilis ng mga pangyayari.

While waiting for my drink, I saw this mysterious man sitting on the table in front of me. His hair was pushed back, with a few strands falling down his forehead. He was typing on his laptop and I could see a spreadsheet reflecting on his eyeglasses. He was wearing a black shirt with gold chain necklace. There were also a few files on his table pero hindi naman makalat.

"Ang gwapo," I muttered to myself at sobrang nagulat ako ng bigla niyang abutin ang inumin nasa harap niya at tumingin sa direksyon ko. Napalunok ako dahil sa tingin niya at dahan dahang nilingon ang paligid dahil baka iba naman ang tinitignan niya pero wala ng tao sa coffee kundi kami nalang! Nakakahiya, nahuli niya akong nakatitig sa kanya!

Mabuti nalang ay tinawag na ako ng barista dahil pwede ko nang makuha ang drink ko. Bago umalis ay tinanong ko muna siya ng medyo mahina, "Is he a regular here?" Then I pouted towards the direction of the handsome guy. Mahinang natawa yung barista sakin at nagpanic ako dahil dun kasi baka mahalata nung lalaki na tinatanong ko siya!

"Opo ma'am," Sabi nung barista. "Saint po ang pangalan ni Sir." Sabi pa nung barista at nakangiti ng mapang-asar sa akin. Muntik na akong masamid kahit wala akong iniinom dahil sa gulat nang sabihin niya ang pangalan. "Come again po ma'am!" Natatawang sabi nung barista. Tumawa ako nagpasalamat bago lumabas ng coffee shop.

"Hi kuya! Baka po may dumating ulit na packages bukas, kukunin ko nalang po rito sa lobby." Sabi ko dun sa guard dahil ayaw kong dinadala pa nila sa lobby sa floor ko ang packages na pinapadala sakin dahil madami, nakakahiya sa kanila.

"Sige po ma'am." Sagot niya habang nakangiti sakin. "Thank you po!" Sabi ko bago dumiretso sa elevator. Pasara na ang pintuan ng elevator ngunit biglang may pumigil rito kaya naman tumabi ako ng kaunti.

"Wait!" Ngunit di ko inaasahan kung sino ang papasok, yung pogi sa coffee shop, si Saint!

Dependence On Independence (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon