POV of the writers: Please please basahin nyo naman ito, first novel ko po ito pakishare naman po. And paki like and comment naman.
Bawal... bawal ang ganito bawal ang ganyan. Bakit ba napakaraming bawal.
Sa batas ng Diyos, at batas ng tao napakaraming bawal.
Pero bakit masarap ang bawal?
At paulit ulit nating ginagawa ang bawal.
Mali... Mali ang ganito, mali ang ganyan. Bakit nga ba napakaraming mali.
May isang bagay kang ginawa, sasabihin nila mali yan sa mata ng Diyos.
Pag may ginawa kang ganito, sasabihin mali yan sa batas ng tao.
Pero bakit maraming nahuhumaling gumawa ng mali?
At paulit ulit nating ginagawa ang mali.
Sekreto... itago... itago ng itago...
Bakit nga ba kailangang itago...
Kasi may masasaktan, hindi tanggap.
Di ba kaya lang naman nakakasakit kasi di matanggap.
Umiwas... the best option ay iwasan...
Minsan we do a lot of efforts para umiwas... umiwas... umiwas...
But the funny side of it, madalas...
Doon at doon pa rin tayo bumabagsak...
Sa mali... sa bawal... na itinatago...
"Alex bumalik ka sa loob di ka na nahiya sa hitsura mo" sigaw ng mama niya. Galit na galit ang babae sa nakitang ayos ng kanyang anak.
Nakapaldang maiksi at statement Tshirt at higit sa lahat may make-up at lipstick.
Kasalukuyan syang nasa Third year high school at nagaaral sa Saint Josephs Academy Laboratory High School, ang isa sa pinaka prestihiyosong eskwelahan sa buong region.
"Pero nay, babae po talaga ako, bakit niyo ba ipinagkakait sa akin ang maging totoo sa sarili ko, bakit di na lang kasi natin papalitan ng female gender ang nakalagay sa birth certificate ko." himutok naman niya.
"Lalaki ka at yan ang isaksak mo dyan sa kukote mo at iyon ang katotohanan" sabi ng nanay niyang si Rosario.
"Hindi ka lalabas ng bahay na to kong hindi ka magpapalit ng damit" maawtoridad na wika ng nanay niya.
Mula pagkabata ay wala na syang nagawa kung hindi ang panindigan ang pagiging lalaki, at dahil malamya siya tingin ng lahat ay bakla siya.
Ipinagtataka din niya kong bakit okey lang naman sa kanyang ina na magpakabakla siya, pero ayaw nito ang pagdadamit niya ng pambabae.
At higit sa lahat ay nagtataka siya kong bakit ayaw nitong tanggapin na babae talaga siya.
"Hay di ko talaga keribels 'to mudra, makapalit na nga ng makaalis na" bagama't naiinis ay wala na namang nagawa si Alex kundi ang sundin ang ina.
Nagmamadali sya dahil manonood sya ng basketball game seniors vs juniors ang laban.
At excited sya dahil matinding matindi ang crush niya sa captain ball ng Junior team na si Adrian Cuaresma.
BINABASA MO ANG
the MVP and Me (On-Hold/ for Major Revision)
Teen FictionHe is a boy, oh no wait... she's a girl. He is inlove, I mean she is inlove. Alex grew up as a man, as what her mother wants her to be. But what if she falls in love? Pipigilan ba niya ang kanyang damdamin, dahil sa kaalaman ng lahat na lalaki sya...