chapter two: War of the Populars

33 6 2
                                    

chapter two


Bakit ba ang daming mali. Puro na lang mali. Lagi na lang mali. Well ganun naman tayo eh, maraming mali pero tinatanggap natin.

"Bakla anong balita?" binasag ni Karen ang pag mumuni muni niya. Hmp... isa na namang mali, sa isip niya.

"Nood ka kaya ng tv patrol, hindi yung ako ang aabalahin mo sa pagtatanong mo ng balita, o kaya ayan ang sampu o, bili kang tabloid yun puno ng balita, gagawin mo pa kong taga balita sa'yo hmp..." isa ring maling sagot niya. Nagkibit lang nang balikat ang kanyang kaibigan di nito pinansin ang pambabara niya.

Hayy buhay puro na lang mali. Bakit ba napakahabang proseso para itama ang mali. Parang buhay nya lang, mali. Bakit nga ba nakulong sya sa isang maling buhay. Pero sabi nga nila, tao lang... normal lang yun na magkamali. Dapat bang ganun lagi ang rason natin?

Tao lang kasi tayo? Ewan, di rin nya alam. Basta ang alam niya umpisa pa lang, nabuhay na sya sa mali... gustuhin man niya itong itama mahabang proseso, may takot na hindi mawala sa kanilang dibdib.

"Hello mga bakla, I think I deserved a treat from the two of you guys for a job well done" Salubong ni Joyce.

"Bakit naman duday, anong heroism naman kaya ang nagawa mo saamin abir?" comic na sabi ni Karen with bisaya accent.

"Sige nga 'te explain mo nga 'te ano ba ang magandang balita ang nagawa mo para sa atin ngayon aber?" panggagaya niya sa bisaya accent ni Karen.

"Well mga ateng, Ateng Alex at ateng karedad, I made it. During our field trip we will be on bus A, which means, I have it made sure that our names were listed sa bus intended for the populars, rich kids at mga stars ng SJHigh."

"Ano?" bulalas niya. "Kaloka, proud ka na dun day, achievement na ba yan ngayon duday?" sabi niyang nakakaloka.

"Aba naman girl anong gusto mo mapasama tayo sa bus B or bus C? Ayoko nga. Hindi tanggap ng beauty ko yun girl. Kailangan mapasama tayo dun sa bus intended for the populars. Being into bus B or C, would mean were like wala lang or losers." Sa St Joseph Academy Laboratory High School ay may status class ang popularidad ng bawat isa.

Class A's are campus figures, rich kids, populars, elites, headlines and covergirls ng school magazines, talk of the towns ika nga, mga socialites, Varsity jocks and heartthrobs, they are the Hot items on the rack. And being a hot item, they always have extra special space in the campus, hiwalay sa iba. Yung tipong pag teritoryo nila, wag ka ng makiagaw pa, kasi di ka naman sikat katulad nila.

Class B's, are the wannabees, nerdy types, matalino, pero baduy ang taste sa fashion, of course they look up to the populars, nakikigaya ba sa kong ano ang meron si sikat, but the fact remains they are just trying hard copycat. Pero some of them are good in class; writers, math enthusiast and science quiz bee champs.

Class C's are, wala lang, parang hangin, kailangan ang presence nila pero di naman sila nakikita. Yung tipong nandyan sila pero wala, may ganun? Present naman sila sa klase, sa mga gatherings pero parang wala lang, no one cares. But the meanest descriptions sa kanila ay LOSERS. Ouch, ang sakit nun ah, kaya nakabukod din siyempre ang grupo nila. Hahaha Anyways ganun talaga, weather we accept it or not merong ganung sistema sa St. Joseph's High at kahit saang society or clubs, di lang sa pilipinas kundi saang panig man ng mundo. Sabi nga birds of the same feathers flocks together. Ang mga sosyal hindi pwedeng haluan ng mga trying hard, at mga wala lang. Yun ang kalakaran sa eskwelahang iyon.

Alex and the group might not be that campus figure. They don't came from wealthy families, but their names are among the hot items, because among the SJHigh School, kay Alex lang hindi umuubra ang pagiging mean girl ng grupo ni Trisha.

the MVP and Me (On-Hold/ for Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon