Pagkakaibigang Nauwi sa Pagmamahalan

40 0 2
                                    

     Saan pwedeng humantong ang inyong pagkakaibigan? Hanggang doon lang ba iyon? Mananatili ka bang torpe? Paano kung naunahan ka na ng iba? Ano ang gagawin mo?

     Dati ko pa kakilala si Martha Zamora, tinuturing ko na nga siyang kapamilya. Mula siguro, kinder? Kakilala ko na siya. Alam ko na ang kanyang mga paborito at alam niya na rin ang aking mga paborito. Araw-araw kami nagkikita dahil kami ay magkaklase. May usapan kami, Best Fiends Forever o BFF, hanggang lumaki raw kami ay magkaibigan pa rin kami.

     Hindi ko nga alam kung bakit sinasamahan ko siya maki-close sa mga lalaking nagugustuhan niya. Isa na diyan ang aking kabarkada, si Basti Cruz, gwapo naman siya ngunit napakayabang. Kaya kahit masakit sa kalooban ko, isinasakripisyo ko ito para sa pinakamamahal kong kaibigan.

     Nagkatuwaan ang aking mga kaklase noong lumiban ang aming guro dahil sa lagnat. Naglaro kaming lahat ng "Truth or Dare." Inikot na ng aming presidente sa silid-aralan, si Che-Che, ang bote at tumapat ito kay Martha.
     "Truth or Dare?" tanong ni Che-Che.
     "Truth na lang" sagot ni Martha.
     "O sige, kung nag-iisa na lang ang lalaki sa buong mundo, sino ang pipiliin mo? sabi ni Che-Che
     "Uhhhmmm, grabe naman iyan , o sige, si...... Basti." kinikilig na sabi ng aking BFF.
     "Haaayeeehhh" sigaw ng lahat, pati ako kahit labag sa kalooban ko.

     Akala ko naman ako ang pipiliin niya, sa haba-haba ng pinagsamahan namin, nauwi lang sa wala. "Bakit kaya niya pinili si Basti?" tanong ko sa sarili ko.
 
     Bukas ang kaarawan ng kapatid ni Che-Che, si Ella. Lahat daw ng aking mga kaklase ay dadalo.

     Kinabukasan sumabay sa akin si Basti, papunta sa pagdiriwang. Syempre nagkakahiyaan kami dahil kay Martha. Papunta sa bahay nina Che-Che, nakasalubong naminan ang kotse nina Martha at pinasabay kami.

     Pagdating sa bahay nila, may laro. Ang paboritong laro ni Che-Che ang "Truth or Dare" na naman. Sumali ang lahat sapagkat may prempyo ang mananalo nito. Inikot na ang bote at tumapat ito sa akin.
     "O, tumapat sa iyo Marky." sabi ni Che-Che. Ako iyon. Ini-expect ko na kapag truth, tungkol lamang kay Martha ang itatanong kaya ang pinili ko ay dare.
     "O sige," sabi niya, "Halikan mo sa pisngi si Martha ng tatlong segundo."
     "Ano?" sigaw ko.
     "Halikan na iyan, halikan na iyan!" pilit ng marami.
Maraming tumitig sa akin. Nagpakipot muna ako at hinalikan ko siya. Pagkatapos, 'nun nagyanig ang buong kapaligiran dahil sinuntok ako ni Basti. Pumutok ang labi ko at duguan ang ilong ko. Lumaban ako. Tinulak ko siya sa swimming pool, nadulas, bumagok ang ulo sa sahig at nawalan ng malay. Nagalit sa akin si Martha. "Wow! Sa akin pa siya nagalit." wika ko sa sarili ko.

     Dahil sa mga nangyari, naging matatag ako. Sumasali ako sa lahat ng mga organisasyon, varsity, lahat! In-offeran pa nga ako ng 4-year scholarship sa Ateneo de Manila University at naging sikat ako sa buong campus.

     Noong nabalitaan ni Martha na lilipat na ako ng paaralan, tinawagan niya ako sa telepono.
     "Aalis ka na? Hoy, huwag! sigaw niya. Hindi ako sumagot. Bigla na lamang siya nagdrama.
     "Marky, hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko." umiiyak na sabi ni Martha.
     "Kailangan pa ba ako sumikat para mapansin mo ako?" tanong ko.
     "Hindi. Bakit kita gaganunin? 'Di ba nga BFF tayo?" sagot niya.
     "Pero hindi...... mahal kasi kita." sabi ko.
     "Ha?" tanong niya habang pinatay niya ang telepono.

     Pagdating sa paaralan, pinuntahan ko si Martha at natagpuan siya sa corrodor malapit sa CR, iyak siya ng iyak.
     "Hoy! Best best friends?" tanong ko.
     "Hindi!" sabi niya, lumayo ako, "gusto kita maging boyfriend."
    
     
    

    
    

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon