Dark World XIX

155 4 0
                                    

Dark World XIX

~Metria's POV

Ilang saglit lamang ng pasukin namin ang portal na nagmumula sa Imflora ay iniluwa naman kaming apat nito sa lugar na sinasabi nilang Santoperipico. Agad kong napansin sa kapaligiran na nababalot ito ng kadiliman at kakaunting liwanag lamang ang makikita at ayun ay ang mismong daanan ng lugar na ito.

            "Madilim dito, posible na naka-amba ang panganib sa paligid." Ani Grano.

            Sinuri ko naman ang paligid subalit hindi pa rin nagliliwanag ag paligid at medyo naman ay nakapag-adjust na rin ang mata ko sa dilim at doon lamang umapekto sa akin ang kakaibang pangyayari dahil unti unti ko ng nasisilayan ang paligid, madilim ngunit ang mga nilalang na narito ay nakikita ko na, walang pinagbago sa kadiliman ngunit nakikita ko na sila maging ang kanilang mga tahanan.

            "Nandito na sila..." sabi ko sa kanilang apat.

            "Oo nga, unti-unti ko na rin silang nasisilayan." Usal naman ni Yuta.

            "Teka lang!" ani Frixon. Napakunot naman ang noo ko sa kanya, napapamaywang pa ito at tila naguguluhan sa pinagsasabi namin ni Yuta. "Anong nakikita? Madilim oh, walang kakaiba." Pagtutukoy niya pa sa kapaligiran.

            Mas nag-igting naman ang kunot sa noo ko na hindi pala nakikita ni Frixon ang kayang makita namin ni Yuta. Tiningnan ko naman si Grano at iling na lang ang itinugon sa akin. Maging si Grano ay hindi nasisilayan ang lugar kundi kaming dalawa lang ni Yuta ang nakakakita sa Santoperipico. Ibigsabihin lamang noon na maingat ang mga nilalang dito at nagagawa nilang itago ang mga sarili sa dagat ng kadiliman.

            "Kung gano'n, anong gagawan nila?" tanong ni Yuta.

            Tiningnan ko naman si Yuta at tinaasan na lamang ng kilay. "Sasama sila sa atin, wala namang masama doon. Hindi lang nila nakikita ang lugar pero hindi ibigsabihin no'n ay hindi na sila sasama sa atin. Kasama naman nila tayo, kaya susundan na lang nila tayo... Yuta." Sagot ko naman sa kanya.

            Tinalikuran na lamang ako ni Yuta at kahit pagsang-ayon ay wala akong nakuha sa kanya. Noong una pa lamang ay medyo hindi maganda ang magiging tunguhan namin dahil may nakikita akong katauhan sa kanya na lider-lideran o nagmamagaling-galingan subalit hindi naman dapat pinapairal ang ganoong ugali dahil kapag ang isang msiyon ay walang pinuno kundi lahat ng miyembro ay marunong makisalamuha at maging matalino sa kahit anong gagawing paraan.

            "Alam mo banas na banas na ako diyan kay Yuta, bakit nga ba natin siya sinama sa misyong ito?" naiinis na sabi ni Frixon.

            Pinakinggan ko na lamang siya at hindi na nagsalita. Ayokong macaroon ng away sa pagitan namin dahil ang intension ko sa ngayon ay ang mahanap si Jester. Kung hindi lang talaga mahalaga kay Xana ang taong 'yon, hindi  na ako susugal na pumunta pa dito sa Dark World dahil alam kong mapanganib at buwis buhay ang kapalit pero ngayon na nalalagpasan ko naman ang mga pwedeng humadlang ay mas nagagamit ko ang kalakasan ko dahil alam kong kaya ko.

            "Grano at Frixon, sa akin lang kayo susunod. Nakikita ko ang kapaligiran nitong Santoperipico kaya huwag kayong mabahala."

            Tinanguan na lang din naman ako ni Grano at Frixon.

            "Tara na..." usal ko.

            Nagsimula na rin naman akong magmasid sa paligid. Nawala na rin sa paningin ko si Yuta kaya napailing na lang din ako. Kung susuriin mo ang Santoperipico ay isang maliit na lugar lamang pero nababalot masyado ng misteryo at hindi mo maipaliwanag dahil lahat ng nilalang na narito ay nakabalot ng mga itim na belo at mga mismong mapupulang mata lamang nila ang makikita mo.

The Life in Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon