CHILDHOOD MADNESS - 11

4 1 0
                                    

"Omygosh! So pwede pa 'kong manalo sa deal natin!" sigaw ni Fatima, kaya agad ko siyang pinitik sa noo, boba talaga.

"Almost five years passed, and tangina!hindi mo pa din nakalimutan 'yon?" inis na usal ko, bago tumayo at lumabas ng office ko.

Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kakauwi pa lang niya galing sa site, hindi ko alam kung saan siya ngayon, pero alam ko, magkasama sila ni Noah.

"Infairness 'no?five years na pero mukhang no'ng umalis ka, parang mas nagkaroon ng tama si Kirvey sa'yo?!" pigil na irit ni Fatima, kaya sinamaan ko siya ulit ng tingin.

Dumeretso na ako sa kotse ko, nagpaalam na din ako sakaniya dahil tapos na ang shift ko, kailangan din ako ni Mama sa bahay, dahil wala siyang kasama ro'n.

Napangiti pa ako bago pumasok sa bahay. Ganoon pa din 'yon, ang pinagkaiba lang ay wala na ang tricycle ni Papa at wala na din si Papa.

Naisipan na din naming ibenta 'yon for some reason, hindi na din kasi magagamit. 

"Mama," nakangiting tawag ko kay Mama, nag-luluto siya ng ulam, kaya agad ko siyang nilapitan.

"Oh anak, ang aga natin ngayon ah?" tanong niya, nagmano ako sakaniya bago ibnaba ang bag ko.

"Na-miss lang kita, Mama," nakangusong usal ko, kaya tinawanan ako ni Mama.

"Kamusta naman?patients mo?ilan nailigtas natin ngayon?" Nakangiting tanong ni Mama, habang nag-luluto pa din.

"Sakto lang, Mama," sagot ko. Natuwa ako sa tanong niya, buhay ng tao.

"Mabuti naman, kain na tayo," aya ni Mama sa akin.

"Mama, magpapalit lang po pala muna ako ng damit, baka may virus galing Ospital," paalam ko kaya tinanguan niya ako at nag-patuloy sa paghahain ng pagkain.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Dumapo ang tingin ko sa leeg ko, kwintas, naroon pa din ang kwintas na stethoscope sa leeg ko. 

Napangiti akong muli, napatingin sa stethoscope na totoo, dati ay kwintas lamang 'yon, pero ngayon ay totoo na.

Bumaba na ako ng may ngiti sa mga labi. Kumain na din kami ni Mama at nag-usap tungkol sa ibang bagay, gano'n naman palagi ang gawain namin.

Kinabukasan ay agad akong umalis ng bahay, dahil maaga ang duty ko ngayon. Dumaan muna din ako sa Perpetual, naroon din daw ang ibang Board Members ng Marian Hospital kaya doon din ako dumeretso.

"Goodmorning, Doc."

"Hi, Doctora."

"Goodmorning, Doctora Diaz."

Sari-sari an mga bati ng mga nurse sa akin. Ngininginitian ko lamang sila at tinatanguan. Hindi na ako nag-tataka kung bakit nila ako kilala. Minsan kasi ay dito ako naka-duty.

"Doctora Diaz." Napatigil ako sa pag-lalakad ng marini ang pamilyar na boses.

"Doctor Perez," usal ko, fuck!

Kirv is standing in front of me, now!

"Goodmorning," pormal na bati niya, sana pala ay hindi na lang ako pumunta dito!

"G-goodmorning, Doctor Perez," bati ko din sakaniya at lumakad palayo, pero ramdam ko ang pag-sunod niya sa akin.

"Kumain ka na?" tanong niya bigla sa akin.

"Uh, nah, hindi pa eh, why?" I answered honestly, nginitian niya ako.

"Let's have breakfast, together," aya niya at hinawakan ang kamay ko.

CDA SERIES #1 : Childhood MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon