CHILDHOOD MADNESS - 13

2 1 0
                                    

TW//DEATH.

"You need to accept it, Chelsee." Bulong sa akin ni Kirv, napa-iling ako.

"No, My mother is alive, okay?" sigaw ko.

"Beb, please stop na," pagmamakaawa ni Fatima, pero umiling lang ako sakaniya.

"Please, bring her back, Fatima, please," nanghihinang usal ko, pero umiling siyang muli, kaya napaupo ako.

"I'm here, shshsh, i'm here, beb." Hinawakan niya ang kamay ko.

"H-hindi ko siya nailigtas, Fatima," umiiyak na sabi ko, habang nakatingin sa bangkay ni Mama sa harap ko.

"It's not your fault, okay?Hush," bulong nito sa akin.

"Sabi ko, hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yon, Fatima, pero ano?nabigo na naman ako, Fatima," umiiyak na usal ko, napakagat siya ng labi, bago hawakan ang mukha ko.

"Hush hun, I love you, i'm here, please," usal niya at hinaplos ang pisnge ko.

"You will stay, Fatima, please," bulong kokaya tumango siya at niyakap ako ulit.

"Yes, i will stay here, Kirv i'll just call, Noah." Tumayo siya kaya inalalayan ako ni Kirv.

"Sleep," bulong niya, pero umiling ako dito.

"I failed again, right?" sabi ko sakaniya. Isinandal niya ang ulo ko sakaniya, wala na akong lakas para umiwas sakaniya.

"No, we can't hold her if your father wants him na sa taas," usal nito.

"Bakit ako?bakit ako, ayaw ako ni Papa do'n?" sabi ko sakaniya, kaya umiling siya.

"Malapit ka na sa tuktok, Chelsee, malapit ka na, alam niyang marami kang pangarap, Chelsee," bulong nito.

"Paano ko itutuloy 'yon kung 'yong isang dahilan ko para abutin 'yon ay wala na." Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

"Did you feel my hand?" Tumango ako sa tanong niya, tinignan niya ang mga mata ko.

"Did you feel, Fatima's hands?" Tumango akong muli sa tanong niya. Nilagay niya ang kamay ko sa puso niya.

"Can you feel it?" tanong niya pa.

"Oo," bulong ko dito.

"Did you hear, Fatima's breath?" tanong ulit ni Kirv.

"Yes," paos na bulong ko.

"We can be the reason too, you need to continue, reaching your dreams. We are not your true family, Chelsee, but always remember, that you might failed again if you stop reaching your dreams." Napayuko ako sa sinabi nito.

"Sleep, babantayan kita." Nakatulog ako dahil sa lambing ng boses niya, at siguro dahil na rin sa pagod na nararamdaman.

Nagising ako dahil sa mga daliring sumusuklay sa buhok ko. Naamoy ko din ang manly scent niya, napaangat ang tingin ko sa gumagawa no'n. 

"Nagising ba kita?" natatarantang tanong niya, nang makitang gising ako.

"Hindi," mahinang sabi ko, kaya kumalma siya.

"Are you okay?go to sleep pa," bulong nito.

Nakahiga ako sa hita niya, habang sinusuklay nito ang buhok ko. Aaminin kong medyo umayos ng kaunti ang pakiramdam ko.

"Wala ka bang duty?" tanong ko kaya umiling siya. 

"This is our Hospital," usal niya. Napabaling ang tingin ko sa higaan ni Nanay, pero wala na siya do'n.

CDA SERIES #1 : Childhood MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon