Osi

3 0 0
                                    

Hindi akalain ng magkakaibigang Drei, Ella, Cielo, at Luna na muli silang magkikita-kita kasama ang kanilang mga kaklase noong high school. Sampung taon na rin ang nakalipas mula ng kanilang graduation at tiyak ngayon ay mayroon na silang mga successful na career at buhay. Masaya ang apat dahil matapos ang sampung taon, muling nagparamdam ang kanilang kaibigan na si Osi noong nagimbita ito para sa kanilang reunion.

"Eto ang unang araw na makikita uli na'tin ang saltik na 'yon! Matapos niyang hindi magparamdam ng sampung taon, bigla na lang siyang magpapareunion", may bahid ng pagkainis ang boses ni Luna, ngunit sa kabila ng ito ay ang hindi maitagong excitement na muling makikita ang matalik na kaibigan.

"Sus! alam mo naman yun, bigla biglang nawawala, bigla biglang susulpot, tapos ayun pala nagbakasyon lang", sagot ni Drei habang nagmamaneho at nakikinig sa usapan ng mga kaibigan.

"Kaya nga, yung tipong mapapasana all kana lang kasi pagala-gala lang siya, magugulat kana lang nasa Paris na, sa Madrid, sa Amerika at kung saan-saan pa", medyo natatawang sagot ni Ella.

"Oy, oy, oy. Tama na nga 'yan, nakikita niyo ba 'yong gate na malaki na 'yon? Ayun na ang bahay nila Osi", sabay sabay namang napatingin ang magkakaibigan sa itinuro ni Cielo. Hindi maipapagkaila na malaki nga ang bahay nila Osi. Alam naman nila mula noon pa na may kaya ito sa buhay, pero nagulat parin sila dahil sa lawak ng lupang nasasakupan ng tahanan nila Osi matapos makapasok sa gate.

Matapos ang ilang minutong pagdadrive nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Osi. Agad naman silang sinalubong ng mga kasambahay at iginiya sa bakuran kung saan gaganapin ang nasabing reunion. Nabanggit din ng kasambahay na sila na lang ang inaantay ng kanilang mga kaibigan.

Nang makarating sa bakuran, agad silang sinalubong ng mga kaklase nila, ngunit wala sa kanila ang atensyon ng apat. Ilang beses nilang inilibot ang kanilang paningin para hanapin si Osi.

"Si Osi ba ang hinahanap niyo? Naku! Kanina pa nga kami rito at hindi kami nilalabas non", puna ni Emil na agad namang sinang-ayunan ng karamihan.

Nagkatinginan ang apat na magkakaibigan, at kahit walang salita ramdam nila ang lungkot dahil walang Osi na sumalubong sa kanila. Isinantabi nila ang lungkot at nakihalubilo sa mga kaklase nila na karamihan ay may pamilya na at may mga career nang maipagmamalaki.

Ang iba sa mga ito ay Teacher, Doctor, Pilot, Lawyer, Nurse, Businessmen/women, Accountant, Engineer, Journalist at kung ano-ano pa. Halos lahat ay may narating na sa buhay at patuloy na pinauunlad ang kung ano man ang meron sila.

Ilang oras na ang nakalipas, wala paring Osi na nagpapakita, patuloy lang sila sa kwentuhan, kainan at tawanan habang nagbabalik tanaw sa kanilang nakaraan, ang kanilang high school life. Sila ang pinakahuling section noon, sila ang palaging pinagtatawanan, laging kinukutya at palaging sinasabihan na walang mararating sa buhay. Pero tignan mo naman ngayon, halos lahat sila ay may degree nang natapos. Wala nang karapatan ang dating nanglalait sa kanila na maliitin sila.

"Kabataan ang pag-asa ng bayan, ika nga ni Rizal. Kung kaya't nandito ako ngayon sa inyong harapan, para patunayan na ang mga kagaya naming kabataan na minamaliit niyo, kagaya naming kinukutya niyo at sinasabihang walang mararating sa buhay ay may mararating sa buhay balang araw. Hindi lang naman talino ang sukatan para masabi kung may mararating sa buhay o wala. Alam ko, sampung taon magmula ngayon, ang mga kaklase ko, ang mga kaibigan kong sinabihan niyong bobo, walang kwenta, walang mararating sa buhay, walang pakinabang, puro bulakbol lang ang alam, mabubuntis ng maaga, magiging tambay lang, mga binastos at minaliit niyo, ay magiging mga ganap na doctor, guro, nurse, piloto, manunulat, engineer at kung ano pa man ang gustuhin nila. Dahil naniniwala ako na mayroon silang kakayahan, kagaya niyo, o baka mas higit pa sa inyo. Sabi nga ni Rizal, edukasyon ang susi para sa ikakaunlad mo, para sa ikauunlad nating mga Filipino. Kaya't tayo ay patuloy na kamtan ang Edukasyon na sa atin ay nararapat at magtulungan pataas huwag pababa."

OsiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon