December 3, 2013
"Kamusta siya?"
"Ayos lang naman,"
Nagtataka na ako. Lahatng mga tanong ko, sinasagot ni Darla ng tapos. Bakas ko sa mukha niya ang lungkot at dismaya. Wala sa kanyang personalidad ang pagiging tahimik pero ngayon, iyon ang naipinta niya sa kanyang mukha. Lalo akong nasasabik makita ang gusto kong makita.
"Nandun siya,"
...
December 12, 2013
Ano pa ba ang masasabi ko sa babaeng kilala ko simula bata pa ako?
Kung paano siya tumawa sa "Just For Laugh" na palabas?
Kung paano siya umiyak sa nanay niya para bigyan ng extrang baon?
Kung paano siya umiyak pag nasasaktan?
Kung paano ko pinangarap na makita lang ang mga ngiti niya sa simpleng kending bigay ko sa kanya galing tindahan.
Kung paano niya ako tanungun kung maganda ba ang suot niyang damit?
Pero sana, kahit papaano nasabi ko sa kanya na mahal ko siya. Na wala na akong gustong makasama kundi siya. Ngunit, tila wala na akong pag asa para sabihin pa iyon. Wala na akong pagkakataon para gawin pa iyon.
___________________________________
Kilala ko siya simula bata pa kami. Alam ko lahat ng sikreto niya at alam niya rin lahat ng sikreto ko maliban sa isa. Sikretong pilit kong tinago simula noon pa. Sikretong hindi ko minsang makakaila.
Sikretong mahal ko siya.
Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari nung una kaming nagkita ...
...

BINABASA MO ANG
Sulat kay Florante
Cerita PendekHindi lahat ng nakasulat sa papel pluma ang gamit, yung iba, puso.