Chapter 4

119 3 2
                                    

Chapter 4
Sophie Here

Sophie's POV

"Please Jeric. Don't leave me!" Iyak ko habang niyayakap si Jeric mula sa likod.

"I-I'm sorry Lyza. But we need to end this." Rinig kong sabi ni Jeric habang pilit na kumakalawa sa yakap ko. Kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkayakap sa kanya.

Mahal na mahal ko si Jeric to the point na hindi ko kayang mabuhay kapag wala siya sa tabi ko. Kaya hindi ako papayag na basta-basta na lang siya na mawawala sa tabi ko.

Hindi ko na nakayanan at lumuhod na sa harapan niya. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya.

"L-lyza, w-what are you d-doing? Stand up!"

"Please Jeric! I will do everything... Just please.... Don't leave me." Halos pabulong ko na sabi sa kanya habang umiiyak at nakaluhod sa harap niya.

Biglang may naramdaman akong pumatak sa ulo ko kaya naman napatingin ako sa kanya. At nagulat na lang ako na makita siyang umiiyak.

"P-please Lyza, don't make things harder."

And before I knew, narealize ko na lang na papunta na si Jeric sa kotse niya. Kaya agad akong tumayo para habulan siya.

"J-jeric. Jeric!" Sigaw ko pero huli na. Pinaandar na niya ang kanyang kotse at pinatakbo ng mabilis.

Pero hindi ako sumuko at hinabol ang kanyang sasakyan.

"J-jeric! Please! P-please Jeric don't leave me!" Sigaw ko habang hinahabol ang kotse niya kahit alam kong nakalayo na ito.

"Jeric, wag mo kong iwan!" Iyak lang ako ng iyak habang tinatakbo ang daan. I know, mukha akong t*nga na naghahabol sa wala pero ano bang magagawa ko kung mahal ko siya?

Hindi ko na lang napansin na nadapa na pala ako at tuluyang napa-upo sa gitna ng daan.

Napansin kong may sugat na pala ako sa tuhod ko pero hindi ko maramdaman ang sakit dahil nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko sa loob.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng toh? Bakit, ano ba ang nagawa ko at pinarurusahan ako ng ganito?

"JERIC!!!" Yan na lamang ang huling naisigaw ko habang umaagos parin ang mga luha ko. At bigla na lang dumilim ang paligid--

"Aray!" Napahinto ako sa pagbabasa at ready to fly na nang biglang magpreno si Mang Arnold. Buti naka seatbelt ako. Nakakaloka tong si manong.

"Manong, dahan-dahan naman po." Sabi ko kay Manong Arnold at inayos ko na ang pagka-upo ko.

"Sorry po ma'am. May bigla kasing sumulpot na pusa sa harapan." Kamot-ulo namang paumanhin ni Manong Arnold.

"Okay lang po. Uhmm, malapit na po ba tayo?" Tanong ko.

"Ah opo ma'am." Sagot naman niya at pinaandar na ulit ang kotse.

I'm Sophie Joy Orien by the way. And now, we're on the way going to my new school. Haay, at kanina nga nagbabasa ako sa isa sa mga pocketbooks ko at naudlot ito nang biglang magpreno si Manong Arnold.

Grabe, maiiyak na sana ako eh pero napalitan ng gulat.... Hay naku.

At makalipas ang ilang minuto,

"Andito na po tayo." Anunso ni Manong Arnold kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

Pagkababa ko, napatingin agad ako sa new school ko. Medyo mas malaki yung school ko dati rito pero okay na rin.

Kinuha ko na ulit yung pocketbook ko at nagbasa habang naglalakad papuntang....

Ayy oo nga. Saan pala ako pupunta?

Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula nang maglakad.

Bahala na si batman, superman, spiderman, ironman, o kung sino mang 'man' dyan.

Binuklat ko na ang pocketbook at nag-umpisa nang magbasa hanang naglalakad.

Pagmulat ko ng mga mata ko ay isang mukha ang tumumbad sa harap ko.

"Gising na si ate!" Sigaw ng nasa harap ko at dun ko lang nalaman na si Leo pala yun. Ang younger brother ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto. Lahat ay kulay puti. Hindi familiar ang lugar. Imposibleng nasa ospital ako kasi wala namang mga nakakabit sakin. Parang---

"Miss!"

Parang isang kwarto ng---

"Miss! Yung bola!"

Teka, parang may boses.

Napalingon ako sa kung sino mang tumatawag. Malay mo ako pala d ba.

Pero paglingon ko,

Ang bumungad sa akin ay bolang lumilipad na papunta sa direksyon ko. Gigilid na sana ako pero too late. Natamaan na ang ulo ko.

*BLAG!*

"Miss, okay ka lang?"

Yan ang huli kong narinig,

Then everything went black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon