Chapter 5

606 16 0
                                    

"Baby Sky.. Shhh.. sleep ka na.." di pa din mapatulog ni Mama si Sky. Nag-uumiyak pa din siya hanggang ngayon, kanina pa hindi makatulog. Honestly si Kathleen lang ang may kayang patigilin ang baby ko.

"Kuya, baka naman he's looking for Ate Kath. You know, nalaman ko kasi na once maamoy na baby ang taong gusto nila na magkarga at mag-alaga sa kanya dun na siya nakadepende." tinignan ko si Mama kung tama ba sinasabi netong kapatid ko. Then she nods.

"Nung baby ka kasi sakin ka lang sumasama kasi wala naman tayo sa tabi ng daddy mo kaya sanay ka na ako lang kasama mo. Remember nasa ibang bansa tayo when I got pregnant to you and dun ka na lumaki sa States." So meaning...

"So meaning Kuya, Sky wants Ate Kath." napasapo na lang ako sa noo ng dahil sa sinabi ni Samantha.

Its been a week since the last time I saw her. Masyado kasi akong busy sa trabaho at kay Sky kaya di ko na napansing di na pala kami nagkakausap ni Kath. Di naman niya kasi ako nireplyan sa text ko nun.

"Di naman pwedeng puntahan ko si Kath sa bahay nila para lang mapatulog niya si Sky."

"Kuya, I didnt tell you to do that. What I mean is, kay Ate kath kasi nakadama si Sky ng pagiging mother. Iba pa din kapag nanay ang nag-alaga sa baby. But as of your condition, hindi naman anak ni Ate Kath si Sky pero si Ate ang gusto ni Sky." nagtatakang tumingin ako sa kapatid ko. Ang daming alam ee!

"Tell me, are you pregnant?" Pero inirapan lang niya ko.

"Like duh kuya. Shunga lang? I'm studying at med school balak ko kayang kumuha ng ob gynecologist. So alam ko na yung mga ganyang bagay."

"May iba pa bang option? Di naman na kami ganun ka close ni Kath ee. Tsaka feeling ko nga iniiwasan na ko nun."

"Meron kuya. If papayag ka." napatingin kami ni Mama sa kapatid ko na sobrang laki ng ngiti.

"Ano?" Tanong ko naman.

"Make her be Sky's mom. Marry her." nanlaki mga mata ko sa sinabi ni Samantha. Agad na napatingin ako kay Mama.

"Parang di ko feel yan ahh. Arrange Marriage?" My mom and dad got into arrange marriage at first they had a worst relationship. Di kasi mahal ni daddy si Mommy so lagi niyang sinasaktan ang mommy ko. That's what she told us.

"Yep, and kuya, aside from ate Aica, it is her that I want to be my sister in law. I think she'd be a good mom to Sky. Mukha naman gusto niya si Sky ee." umiling lang ako.

"You don't know Kathleen. Yes, she can be a good mom to her own child. Wala namang sa mga babae ang may gustong mag-alaga ng di nila anak. Yes, Kath is taking care of her nephews and nieces pero iba pa din kung anak sa iba ng magiging asawa mo."

"Tama kapatid mo Samantha. Tsaka baka hindi pa pumayag si Kathleen sa pag-papakasal sa kuya mo. Baka isipin niya kaya siya pinakasalan ng kuya mo dahil walang mag-aalaga kay Sky. Edi sana kumuha na lang tayo ng yaya." tama si Mama. Baka nga anu pang isipin ni Kath. Di ko naman siya tinitake advantage.

"Trust me mom and kuya. She'll agree." napailing na lang kami ni Mama sa sinabi ng kapatid ko.

KATH'S POV

"Hay, salamat natapos ko din proposal ko." grabe ang sakit na ng likod ko kaka-type ng mga bagong menu para sa hotel.

Tok tok..

"Anak?" Napatingin ako sa likod ko ng bumukas yung pinto ko at pumasok si Mama.

"Bakit po?"

"Nandyan sina Nadine at Sofia dito daw matutulog." naku pasalamat na lang tong dalawang to at tapos na ko sa ginagawa ko.

"Sige po Ma. Papuntahin niyo na lang po sila dito." inayos ko na yung mga gamit ko.

"Hi beb." nakita ko yung dalawa sa may pinto.

"Hi. Napasugod ata kayo dito." inayos ko na din yung kama ko dahil super gulo ng kwarto ko!

"Okay na paa mo?" I nod. Medyo gumaling na din yun paa ko. Buti nga ee dahil hirap na hirap na kong mag lakad.

"Whats the problem?" Nakita kong parang nanlulumo si Nadine. Anung nangyari?

"Hey. Anung problema?"

"Hay.. wala naman. nangungulit lang si James. Di ko na alam gagawin ko." Nadine and James are ex-couple. Nakipaghiwalay si Nadine kay James kasi niloko ni James si Nads. Naintindihan ko si James kung maghahanap ng iba yun bata pa ee. I've been there, done that.

Linapitan ko si Nadine "hey, try atleast hear his explanation first. Ni hindi nga kayo nagkaroon ng closure diba? Kapag nakapagpaliwanag na siya sayo, then you can decide whether to accept him or not? ok?" I smiled at her, para malaman niyang magiging ok ang lahat.

Mas unang nagkakilala si James at Nadine kesa sa amin ni Angelo. I never thought na mag-bestfriends yung dalawang yun. Kaya nagulat ako nung makita kong magkasama sila.

"Kayo ni Angelo nag-usap na kayo?" Umiling ako.

"Wala naman kami dapat na pag-usapan. Its his life. I'm not part of it."

"Wow, bittering! Porket nalaman mong gf pa pala ni Angelo si Aica. haha! Girl, naging parte ka pa din ng buhay niya kasi nagkakilala kayong dalawa." sarap makasapak!

"Matulog na nga tayo, sasakit lang ulo ko sa inyo." pero bago pa kami matulog tumunog yung phone ko. Agad na nag-unahan yung dalawa sa pag kuha ng phone ko at binasa yung message, at parang mga kiti-kiti tong mga to dahil kinikilig?

"Hoy, sinu yan?" Instead of telling me, e pinabasa na lang sakin yung message.

From: Angelo Padilla

Hi Kathleen, are you free tomorrow? Can I invite you for lunch?:)

Napatingin ako sa dalawa at ang dalawang bruha laki ng ngiti "Say yes please." hay. I replied him. Yes.

Ohhhhhkay.. may Lunchdate ay este may lunch meeting ako.

All I wantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon