Chapter 22

672 15 2
                                    

Nandito na ko sa office at hinihintay ko na lang ang boss ko dahil nakapag-desisyon na ko about sa pagpunta sa States. Kagabi habang kumakain kami, tahimik lang akong nag-didinner kasabay sila. Hindi ko alam kung paano nasasakyan ni Nadine ang mga kaibigan nila Angelo at James.

Di naman ako ganun katanda para hindi ko magets ang mga pinag-uusapan nila? Ngayon ko lang na realize na hindi kami pwedeng magsama ni Angelo, dahil hindi namin nagegets ang isa't isa. Siguro dati pwede pa, dahil sa isang bagay lang kami nagkakasundo dati. About s*x.

Kung dati hindi okay sa akin na malaman kong sila pa pala ni Aica habang may nangyayari sa amin, kasi in the first place hindi ko alam na sila pa pala ni Aica noon. He lied to me na hindi na sila. Yun lang Kahit na malaman ko yung tungkol sa kanila hindi pa din ako tumigil kaka-contact ko sa kanya.

Nang makita ko ang boss ko na papasok sa office agad akong tumayo at binati ang boss ko. "Hi maám good morning po."

"Good morning too, Kath." Sumunod ako sa loob ng office niya. "Maám, I have decided. Ako na lang po ang ipadala niyo sa States." nakatingin lang sa akin ang boss ko na parang sinusuri akong mabuti.

"Are you sure? You can still decide pa. Next month pa naman yun."

"No Maám, I've decided already." Seryoso kong sabi sa boss ko. Ito ang kailangan ko ngayon ang malayo sa kanya. Ang hindi ko lang alam kung sasabihin ko ba sa kanya na aalis ako o hindi na lang.

Tinitigan ako ng maigi ng boss ko tsaka sumusukong tumango na lang siya "Okay, ikaw na lang ipapadala ko sa States. You're with someone, don't worry girl naman siya at baka matuwa ka pa kung malaman mo kung sino ipapasama ko sayo." ngumiti na lang ako sa boss tsaka nagpaalam at lumabas na ko ng opisina niya tsaka ako nagsimulang magtrabaho ulet.

"Kathleen, wala ka pang balak na umuwi?" Doon ko lang napansin na halos tatlo na lang pala kami sa office. Masyado ko ng inabala sarili ko sa trabaho.

Nag-smile na lang ako kay Maám Elaine "uuwi na po." nag-aalalang tumingin sila sa akin.

"Masyado mo naman ini-stress ang sarili mo sa trabaho. Wag masyado ah. Baka naman bumigay yang katawan mo sa sobrang pagod." I nod my head at sumandal sa upuan ko.

"Sige na una na kami ahh. Umuwi ka na."

"Sige po. ingat po." tinignan ko ang cellphone ko para tignan ang oras. 7:30 na pala. Sobrang overtime naman na yata ang nagawa ko. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ko ng opisina. Pagkapasok ko sa kotse ay agad na tumunog ang cellphone ko.

From: Mommy Kath

Kath where are you? Hinahanap ka na ata ni Sky. Di namin mapatigil kaka-iyak.

Nagreply ako na pauwi na ko at nag-sorry ako dahil late na ko makakauwi. Wala ba si Joaquin sa bahay?

Papasok pa lang ako ng bahay ng marinig ko ang iyak ni Sky. Agad akong nagmadaling pumasok para kunin na agad siya.

"Shhh. Baby nandyan na si mommy. Tahan na." nakita ko si Sam na pinapatahan si Sky.

"Hi, Sam, sorry late ako."

"Okay lang po ate. Nagtataka lang kami kung bakit hindi namin mapatahan si Sky." kinarga ko na si Sky at agad na humilig ito sa akin at isiniksik ang mukha nito sa leeg ko.

"Shh. Baby, nandito na si mommy. What's the problem babe?" Kinakausap ko si Sky habang hinihele ko ito.

"Nasan ang kuya mo?"

"Di ko nga alam ate ee. Si Mama biglaang umalis ayaw nga sana kami iwan dito pero kailangan siya sa bar ni Daddy."

"Sige Sam, ako ng bahala dito. Pahinga ka na. Pasensya ka na ahh."

"Ano ka ba ate okay lang no. Pamangkin ko naman yan kaya keri lang." natawa na lang ako sa sinabi ni Sam. Pumunta na kami sa kwarto at pinatulog ko na si Sky. Pagka tulog ni Sky agad kong inihiga siya sa kama at nilagyan ko ng mga unan ang paligid niya para harang niya.

Pumasok na ko agad sa banyo para maligo at magbihis, paglabas ko ng banyo nakita ko si Angelo sa may kama na nakatingin kay Sky. Naisip ko lang, Kaya ko bang iwan sila dito? Nabuhay naman sila na wala ako diba? What more kung tuluyan na kong mawala sa buhay nila?

All I wantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon