Epilogue

966 19 2
                                    

JOAQUIN'S POV

Its been months since Kath decided not to go. Yung nabasa kong letter non sa kwarto ko, napagtripan lang ako nila James. Gusto lang nila na makita kung anu daw ang i-rereact ko kapag nalamang kong umalis si Kath ng walang paalam. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko kung sakaling iwan na talaga ako ni Kath.

"Babe, I want burger."

"Me, dadchi want mik tea."

Nasa bahay kami ngayon at walang balak na umalis dahil tinatamad na daw umalis si Kath at ngayon ay ako ang ginugulo ng mag-ina ko. Sky is now talking at nakakapag lakad na din ito. Kaya tuloy nahihirapan na kong maghabol sa batang to ang likot likot.

"Mommy, whatch ish inshide your tummy?" (Whats is inside your tummy?)

"This is your baby sister, baby." Yup Kath is 4months pregnant. Nung malaman kong buntis si Kath sobra kaming natuwa kasi magkakaron na ng kapatid si Sky.

Anu na nga bang nangyari sa barkada namin? Si Nadine nanganak na sa first baby nila ni James. Its a baby girl. Si Sofia naman at Jerome ang nagpakasal na din. Medyo natagalan lang ang proposal kasi nahihirapan si Jerome mag isip ng magandang proposal for Sofia pero atleast nakaraos na din. Civil lang muna sila.

Naramdaman kong yumakap sa akin si Kath, "yes babe?" Hinihimas ko ang buhok ni Kath, habang si Sky naman ay kinakausap ang kapatid niya na nasa tummy pa ni Kath.

"Wala lang. Naisip ko lang kung hindi ko ba kapit bahay sina Tita Julia at di niyo sila kakilala magkikita pa kaya tayo? I mean sa situation natin non mahirap ng magkita pa tayo ang layo kasi ng bahay mo ee." Natawa naman ako sa reklamo niya. Matagal na niyang reklamo sa akin yan kahit nung unang punta palang niya dito samin. Pagdating palang niya yun agad ang bungad niya sakin.

"Ang layo ng bahay niyo! Kaloka! Hatid mo ko sa sakayan!"

Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa reklamo niyang yun. To think first time palang namin nagkita nun. Ang dami ng nangyari sa relationship namin. Muntikan na kaming maghiwalay dahil sa pagiging gago ko. Ika nga ng mommy ko "like father, like son."

"Dadchi! Gushto ko ng mik tea!" Napatingin ako kay Kath kung papayag ba siya. Masyado kasing strikto si Kath sa mga kinakain ni Sky.

"Babe? Are we going to buy Sky some milk tea?"

"Sure." Agad na umalis sa kama si Kath. "Tara dalaw tayo kay Liza." I'm happy that Kath is willing to visit Liza. Alam kong wala ng bitterness sa puso ni Kath pagdating kay Liza.

"Sky, let's take a bath na. Dalawin natin si Mommy Liza."

"Yey! Were going to visit mommy Liza!" Habang nag-aayos na ang mag ina ko. Agad na kong tumawag sa secretary ko at nagpabili ng flowers for Liza and for my wife.

While on the way to the cemetery, my wife and my son are singing and singing. Pagkadating namin dun agad na tumakbo si Sky papunta sa puntod ni Liza. Ako naman ay inalalayan ang aking magandang asawa dahil baka madapa. Habang papalapit kami sa puntod ni Liza naririnig namin si Sky na nagkukwento sa mommy niya. When Sky started to talk, Kath made sure that Sky knows about Liza. Mommy din ang tawag niya dahil yun ang sabi ni Kath sa kanya.

"Mommy Liza, I'll have my new sister soon."

"Hi Liza, how are you? Ang daldal na netong anak natin. Di matigil sa kakadaldal simula ng matuto na siyang magsalita. Tas lagi pa kaming pinaghahabol sa kanya! Natatawa nga ako kay Joaquin kapag hinahabol niya si Sky.." Hinayaan ko na muna si Kath na kausapin si Liza tutal moment nila yan.

Habang nag-aayos ako ng mga pagkain namin dito sa may tabi lang ng puntod ni Liza lumapit sa akin ang anak ko. Agad ko itong binuhat. "Dadchi, someday I'll find my own version of Mommy Liza and Mama Kath." Natuwa naman ako sa sinabi ng anak ko.

"We will pray for that." Napatingin ako kay Kath at nakita kong napatingin din siya sa akin at ngumiti.



"God, thank you for giving me such a beautiful wife."




End.

All I wantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon