There's always that one person that you've had feelings for the moment you meet them.
(charot charot lang yung the end)
KEN'S POV
"Okay boys, andito na tayo sa Korea. Check all your things and make sure na walang nawawala. Staff na ang bahala sa ibang gamit. Make sure na lagi niyong kasama ang mga security and always wear your masks please, baka dumugin kayo ng fans" rinig kong paalala ng manager naming si Ate Rose.
Ako nga pala si Felip Jhon Suson also known as Ken, a member of a five member P-pop group called SB19.
Our group started in 2018 and we have five members named Pablo- our leader, Josh- the oldest in the group, Stell- our main vocal, Justin - the youngest and the most creative member and me Nek Nosus, kanang pinakaguwapo sa ila lima.
Hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganun na nga, isa ang grupo namin sa mga pinakasikat na boygroup worlwide.
Nandito kami ngayon sa Korea para magpromote at magheld ng concert, nominated din kami for MAMA Awards kaya alam kong magsstay kami ng matagal dito.
Magiging busy na naman ang schedule namin. Haysssssss
Pero para sa amin ayos lang. Ito ang buhay na meron kaming mga artists. Kahit nakakapagod ang schedule, we're doing this for our passion.
The joy of making music and performing on stage.
The satisfaction we feel by making our family, our friends and our fans proud.
Pinangarap namin ang bagay na ito at makalipas ang ilang taon ay patuloy siyang natutupad at patuloy siyang lumalago.
Patuloy kaming lumalago.
"Boys! Nasa labas na daw ang sasakyan natin papunta sa hotel" rinig kong sabi ni ate Rose.
Binuhat na namin ang mga gamit namin at nagtungo na kami sa labas kasama ang mga security guard. As expected dinumog kami ng mga fans.
Pilit nila kaming inaabot para magbigay ng letters, regalo o kaya naman ay para mapicturan kami.
Hindi ko man sila mentertain ng maayos ay kinakawayan ko na lang sila at minsa'y nginingitian. Kinukuha ko rin ang ilan sa mga sulat at regalong inaabot nila at nakikita kong ganun rin ang ginagawa ng mga co-members ko.
Paglabas namin sa airport ay may bakal na gate na harang ang kalsada kaya hindi na kami nasundan ng mga fans. Natutuwa akong hindi ganun kawild ang A'tin para akyatin ang harang.
A'tin ang tawag sa mga fans na sumusuporta sa amin.
Nakakita ako ng dalawang magkasunod na itim na kotse at sa pag-aakalang iyon ang sasakyang maghahatid sa amin ay doon ako dumiretso.
Nagulat na lang ako ng palapit na ako sa kotse ay may babaeng nakablack-tshirt at trousers ang pumasok dito. Naka-itim siyang sumbrero kaya hindi ko nakita ang mukha niya ngunit sadyang kapansin pansin ang ganda ng pagdadala niya sa suot niya lalo na sa suot niyang black boots.
Pasado sa akin ang airport fashion niya.
"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong ng leader naming si Pablo.
Nagulat na lang ako, nasa likod ko na siya
"Dre, akala ko ayon yung sasakyan natin" nahihiyang pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Baliw! Hindi iyon, sa van tayo sasakay, ayun o" at tinuro niya ang isang black na van sa unahan.
"Ay, ayun ba"
"Oo, halika ka na para makapagpahinga na tayo sa hotel".
Sinamahan niya ako papunta sa van na sasakyan namin at sabay na rin kaming pumasok,malayo pa lang ay kita ko na ang tingin ng mga co-members ko sa akin.
Mapapapagtripan na naman ako neto.
"Ate Rose, bakit mo naman kasi tayo pinagvan e kotse na black ang gusto ni Ken" nauna na agad sa pang-aasar sa akin si Stell.
"Ayun na nga po guys, nagkamali po ng sasakyang nilapitan si Ken kaya hinintay pa po namin siya" rinig kong pagpapaliwanag ni Justin sa Vlog.
Ma-vovlog pa nga ang ginawa ko. Hayyyy
"Akala ko talaga, iyon ang sasakyan natin dre" pilit kong pagpapaliwanag sa kanila.
"MAYGGAADDD SUSSSSON!" sabay sabay nilang sabi.
At nagpatuloy ang pangaasar nila sa akin habang nasa van kami.
Makalipas ang isang oras ay narating na namin ang hotel na tutuluyan namin. Halata ang excitement at pagod ng bawat isa.
"Finally guys, nakarating na kami sa Lotte Hotel here in Jeju"
Nagvovlog pa rin pala si Justin.
"Aayusin na namin ang mga gamit namin at magpapahinga na rin, BYEEEE A'TINNNN!" matapos magpaalam ay pinatay niya na ang camera.
"Ken, share kayo ni Stell ng room at kayong tatlo naman Sejun dun sa isa pa" pagpapaliwanag sa amin ni Ate rose.
"Kami namang mga staff ay sa isang room na rin.
Magkakasunod lang ang mga kuwarto natin kaya pag may kailangan kayo, lumapit kayo sa amin ok".Matapos naming mag-usap ay nagtungo kami sa kanya-kaniyang naming kuwarto at dahil na rin sa pagod ay pabagsak na agad akong nakatulog sa malambot na kama.
Napagdesisyunan kong bukas ko na lang aayusin ang mga gamit ko.
YOU ARE READING
REMINISCENCE
Teen FictionWHEN A "FAN" FORGETS AND HER IDOLS MAKES MEMORIES WITH HER, WHAT MORE COULD HAPPEN? ESPECIALLY WHEN THEY END UP HAVING PROBLEMS AND FACING MYSTERIES.