- The best teacher for a leader is evaluated experience...
PABLO'S POV
"Nakabangga ako, nakabangga ako..." kanina pang yan ang sinasabi ni Ken mula ng makita naming tao ang nabangga namin.
"Tangina pare nakabangga tayo!" ngayon naman ay napamura na si Josh.
"Uhmm... okay, baka naman buhay pa siya, tumawag na tayo ng ambulansya! Please Pau..." aligagang suhestiyon ni Jah.
Sa mga ganitong pagkakataon, nasusubok ang kung anong kaya naming gawin. Hindi puwedeng lahat kami ay natatakot at nag-aalala. Ako ang leader ng grupo kaya marapat lang na ako ang gumawa ng paraan. Kahit na ang totoo natatakot rin ako at kinakabahan.
"Yes! hello Ate Rose, si Stell to. Ano kasi... uhmmm.. ano.....
Inagaw ko kay Stell ang cellphone.
"Ate Rose si Sejun to. Nakaaksidente kami. Kailangan namin ng ambulansya ngayon na please..
Tulungan mo kami Ate please, hindi na namin malaman kung anong gagawin."Wala pang sampung minuto ay dumating ang ambulansya kasama si Ate Rose. Nagmadali agad silang kumilos ng makita ang babae sa sahig.
" OMAAAAYYYGAADD, ano bang pinaggagawa niyo!?" kaagad na bungad sa amin ni Ate Rose ng makita ang ginawa namin.
"Mag-uusap tayo mamaya, bumalik na kayo sa waiting room niyo! Magsikalma kayo at magpasalamat na lang kayo na walang nakakita sa mga pinaggagawa niyo!" iyon ang sinabi niya bago siya tuluyang umalis sakay ng ambulansya.
Sumunod din naman kami kaagad at bumalik sa waiting room.
May oras pa bago ang event namin at hindi ko alam kung matutuloy pa ba iyon o hindi.
Tatlumpong minuto rin ang ginuhol namin sa waiting room kahihintay kay Ate Rose.
-----
"The girl is currently in operation right now. Maraming nawalang dugo sa kanya kaya mababa ang chance na mabuhay pa siya. Ano ba kasing ginagawa niyo?! Bakit kayo nakabangga ng tao!? Sejun naman eh.." sa akin agad siya nagreklamo.
Ito ang isang na kinaiinisan ko.
Bilang leader ng grupo, kadalasang nasa iyo lagi ang tingin at sisi ng lahat, lalo na ng manager namin.
" Pasensya na talaga Ate Rose, masiyado kaming nagkatuwaan" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
Naiinis akong isipin na kung hindi naman nila pinagawa ng pakulo nila sa amin ay hindi sana kami makakabangga. Pero wala na, nangyari na ang nagyari. Kasalanan pa rin namin at nakabangga kami.
"Ate Rose, tuloy pa ba iyong event? Parang sumama bigla ang pakiramdam ko e. Hindi ko alam kung gugustuhin kong magperform ngayon." saad ni Stell.
"Sa kasamaang palad, tuloy pa rin ang event so please, get yourselves together! Tatanggalin na lang namin ang unecessary parts ng event para matapos agad." pagpapaliwanag ni Ate Rose.
"Magpanggap muna kayong ok para man lang sa fans niyo, please..." ngayon naman ay ultimong nagmamakaawa na siya. Hindi ko rin naman talaga masisisi si Ate Rose, ginagawa niya lang ang trabaho niya bilang manager. "And please help Ken, kanina pa siya doon sa gilid, tulala. This must be a shock to him at alam kung ganoon din sa inyo."
At sabay- sabay kaming tumingin kay Ken na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin at paulit- ulit na namang sinasabi ang mga katagang...
" Nakabangga ako"
YOU ARE READING
REMINISCENCE
Ficção AdolescenteWHEN A "FAN" FORGETS AND HER IDOLS MAKES MEMORIES WITH HER, WHAT MORE COULD HAPPEN? ESPECIALLY WHEN THEY END UP HAVING PROBLEMS AND FACING MYSTERIES.