Chapter 1

6 0 0
                                    


Carmela.

Tinititigan ko ang napakalaking mansion sa harap ko tsaka muling sumulyap sa papel na hawak ko. Hacienda Athena.

"Hacienda Athena... Ito na nga yata yung pagtatrabahuan ko." bulong ko sa sarili ko tsaka muling bumuntong hininga. Pinikit ko sandali ang aking mata at pinakinggan ang boses ni mama sa likod ng aking isipan. Napangiti ako. Kaya ko to. Makakaraos din ako.

Napatigil ang sandali kong pagmumuni-muni ng biglang may bumusina ng malakas si likuran ko.

"Ahhhh!" nahagis ko yung mga dala-dala kong gamit. Nakita ko yung mga damit ko na lumabas mula sa bag na dala ko. Nagkalat ito sa paligid. Tiningnan ko yung sasakyan. "Susmeyo! Hindi niyo ba nakikita na may tao?" inis kong sambit at pinulot yung mga damit ko na nadumihan na ng putik.

"Miss! Sorry... Ayos ka lang ba?"

Isang matangkad na lalaki na may matipunong katawan ang bumaba mula sa sasakyan para tulungan ako. Umupo siya para damputin ang mga damit ko. Napakafriendly ng awra niya.  Mabilis namang sumunod sa kanyang likuran ang isa pang singkit na lalaki. 


"Mukha ba akong, okay? Ang dumi-dumi na ng mga damit ko. Hindi pa ko nagsisimula sa trabaho ko, magbabayad na agad ako para sa tubig at sabong panlaba!" sambit ko habang sinusuksok yung mga damit ko sa loob ng bayong ko.


"Pasensya ka na. Ito kasing pinsan namin, biglang bumusina." saad ng singkit na lalaki. Habang itinuturo ang itim na kotse sa likuran nila. Tiningnan ko yung kotse at muling sumulyap sa kanya. Maamo ang mukha ng lalaking ito. Napaka-pure at inosente. Tingin ko ay mas bata siya sa lalaking sinundan niya. 


"Oh? Bat kayo yung bumaba? Naku. Wala naman kayong kasalanan---" napatigil ako sa pagsasalita ng may marinig akong boses ng lalaki mula sa sasakyan.


"Hala! Tulungan mo tong binusinahan mo." isang pang lalaki na may pagkasingkit ang dumuwang mula sa sasakyan. Nang makita na nakatingin ako sa kanya ay bigla siyang ngumiti at bumaba sa sasakyan, kasama ang isa pang lalaki na may dilaw na buhok. "Hi miss! I'm the most charismatic---"

"Anong charismatic pinagsasabi mo? Tulungan natin si ate oh." sabi ng dilaw ang buhok. Tsaka yumuko para kunin ang iba ko pang gamit.


"Ito naman, nagiging friendly lang ako eh. Hello! Bago ka ba dito? Anong pangalan mo?" nakangiti pero tila may kapilyuhan niyang ngiti. Kahit hindi gaanong makita ang mukha niya dahil sa buhok niya ay kitang-kita rin ang kakisigan at karisma ng lalaking ito.

"If I know, saan-saan nanaman napupunta yung pagiging friendly na yan." sabi ng singkit na lalaki.

"Luh. Anong masama sa pagtanong ng pangalan---"

"Carmela..."

Nagulat ako ng marinig kong binigkas ng matangkad na lalaki ang pangalan ko. Paano niya nalaman? Nilingon ko siya at laking gulat ko sa aking nakita.

Hawak niya yung pulang underwear ko!!!

"Car...me..la? Carmela pangalan mo?" Tila inosente niyang tanong sa akin habang nakatingin sa pula kong pambaba. Lumapit naman yung tatlong lalaki sa kanya para tingnan.

"Hindi... Cameia yata yan eh!" seryosong saad ng singkit na lalaki habang titig na titig sa hawak-hawak ng kasama.

"Sira! Camela yan! Magkadugtong ito oh!" tinuro pa ng lalaki na may dilaw sa buhok yung underwear ko.

"Tama!!! Carmela yan! Wala namang Camela na name----"

Hindi ko na natitiis yung nakikita ko. Hawak ng apat na lalaking ito ang underwear ko habang inaalam ang pangalan ko!!! Whaaaaaa!!!!


"MGA BASTOSSSSS!!!! BITIWAN NIYO YAN!"


Kita ko yung pagkagulat nila at parang doon sila natauhan sa pinagagagawa nila.

"Hala! Sorry!" nabitawan nila yung hawak nila at sumakto pa sa putikan.

Gigil na gigil ako pero mas nanggigil ako ng biglang, bumusina ulit yung sasakyan na dahilan ng pagkagulat ko.

"Mama!" pasigaw kong sabi.

Tiningnan ko yung itim na sasakyan. Nakabukas ang bintana kaya kitang-kita ko ang isang lalaki na may morenong balat na nakatingin sa manubela ng sasakyan. Teka! Siya yung bumusina kanina. Siya yung may dahilan kung bakit nadumihan ang damit ko!

Galit kong pinalo yung sasakyan niya at pumunta sa bukas na bintana ng sasakyan.

"Ikaw! Wala ka bang magulang? Hindi ka ba pinalaki ng maayos?! Ikaw yung may dahilan kung bakit ang dudumi na ng mga damit ko tapos ikaw pa yung hindi bumaba. Ang yabang mo! Mga pinsan mo pa yung pinagdampot mo."

"Awatin na natin. Baka magkasagutan yang dalawang yan. Kawawa si Carmela---"

Natigilan yung mga nagbubulungan sa likod ko ng bigla akong kumuha ng buhangin at binato sa nagdadrive. Hindi ko man nakikita yung mga mukha nila. Pero rinig ko yung gulat ng apat na nasa likod ko.

Hindi naman ako pinalaking basagulero ng nanay ko. Pero pagnaaapi ako, lumalaban naman ako.

Napaka-poker face ng mukha niya nung sumulyap siya sa akin. Mabilis na sulyap lang yun pero nakaramdam ako ng takot. Kita ko ang walang buhay niyang mga mata na para bang nanghahamon. Wala siyang imik. Muli siyang tumingin sa manubela tsaka pinaandar papasok sa Hacienda Athena. 

----
Hi! I did not name the characters yet maliban kay Carmela. Pero sana nahulaan niyo kung sino yung mga tinukoy ko. Comment down below kung nahulaan niyo. Hihi. See you in Chapter two!

Hanggang Sa Huli (SB19 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon