Chapter 2

4 0 0
                                    


Carmela.

"Hello, miss Carmela... Welcome to Hacienda Athena. You came just in time. Dumating na rin kanina ang magiging estudyante mo." walang ngiti na sabi sakin ng mayor-doma ng bahay na si Miss Rose.

Napaisip tuloy ako. Uso ba ang no smile dito? Mukha naman mabait pero hindi lang talaga siya palangiti. Nginitian ko siya at tiningnan ang buong kwarto ko.

Malaki ito kumpara sa inaasahan ko. May closet ako, katabi ng lamesa kung saan ako pwede gumawa ng mga aralin, at sariling may sariling banyo. Medyo madilim nga lang dahil sa asul na kurtina na humaharang sa liwanag ng nasa labas. Parang... ang lungkot ng kwarto.

"Nagtapos ka pala sa UP ng literature?"

"Yes po Miss Rose. First job ko po ito kaya excited na po ako---"

"Sana magtagal ka." Yun lang ang sinabi niya at umalis na siya sa kwarto ko.

Sana magtagal ka? Nakakakaba naman si Miss Rose. Nilapag ko ang mga gamit ko sa upuan. Puro putik ang mga ito.

Kanina. Pagkatapos kong batuhin yung antipatikong lalaking iyon. At pagkatapos niya akong iwan kasama ang mga putikan kong damit, hindi ko na siya nahabol pa.

Buti na lang tinulungan ako nung apat niyang kasama na ilagay ang mga gamit ko sa bag ko. Pagkatapos nun ay nakita ako ni Miss Rose at pinasunod sa kanya. Hindi ko na nga napasalamatan yung apat na lalaki.

Umupo ako sa kama para magbasa ng may marinig akong katok. Tumayo ako para buksan iyon at may nakita akong isang babaeng napakaamo ang mukha. Bilugan ang kanyang mga mata. Nakangiti ito kaya kitang-kita ang malalim na dimple sa pisngi. Nakasuot ito ng uniporme na pang katulong.

"Miss Carmela? Hello po. Ako po si Tin. Akin na po ang mga damit niyo at lalabhan ko po." Puno pa rin ng ngiti ang mukha niya. Nginitian ko siya.

"Nako, wag na. Ako na maglalaba nito."

"Hindi ho. Pinaguutos po sa akin iyon ni Senorito Stell. Kailangan ko pong sundin." Nanlaki ang mata niya ng tumingin siya sa may upuan. Lumapit siya doon. "Ito po ba ang damit niyo? Naku. Mukhang putikan na nga. Ako pong bahala."

"Sino si Senorito Stell? Paano mo alam ang nangyari sa damit ko?"

"Apo po ng may ari ng Hacienda Athena. Hindi ko po alam kung paano niya nalaman pero..." hinanaan niya ang boses niya. "Mukhang pinaguusapan po nila kayo kanina."

Ngumisi lang ako. Bat nila ako paguusapan? Sino kaya yun? Baka siya yung magiging estudyante ko.

"Kamukha niyo nga po siya. Kapangalan niyo pa." parang wala sa loob na sambit ni Tin habang titig na titig sa mukha ko.

"Ano yun?"

"Ah! Eh, wala po. Sige po. Mauna na po ako, Miss Carmela. Kunin ko na po ito." kinuha niya lahat ng mga damit ko. Tutulungan ko sana siya ng biglang may mahulog mula sa mga damit ko.

CARMELA.

Oh my dear. Yung underwear ko na red. Natatawang kinuha iyon ni Tin. Sabay bulong...

"Ito po pala yung pinaguusapan ng mga seniorito kanina."

At doon na nangamatis ang mukha ko. Mga walang-hiyang yon!

-------

Evening.

"Miss Carmela?" rinig ko ang mahinhin na boses ni Tin na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

Nag-aayos ako ng buhok ko. Inimbitahan ako ng may-ari ng Hacienda Athena na sumalo sa hapag-kainan nila para ipakilala ang mga apo nila pati na rin ang tuturuan ko. Ang bait-bait talaga niya.

"Bukas yan, Tin. Pasok ka lang."

Dumungaw nanaman ang mala-anghel na mukha ni Tin. Siguro ay dalawang taon ang tanda ko sa kanya. Napakagalang at napakabait niya kahit unang tingin pa lang.

"Miss Carmela, pinapasundo po kayo ni Donya Charlotte. Samahan ko daw po kayo papuntang hapag-kainan." anito at saka, tumitig nanaman sa akin.

Ngumiti ako. "Sige. Umupo ka muna dyan sa kama, Tin. Baka mapagod ka sa kakatayo at kakatitig saakin."

"Pasensya na Miss Carmela. Kumukha niyo po kasi yung kaibigan ng limang apo ni Donya Charlotte. Tapos kapangalan niyo pa po. Actually po, ito po ang kwarto niya dati."

"Talaga ba? Oh? Nasaan niya siya ngayon?"

Biglang nalungkot ang mga mata ni Tin. Halatang ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Kaya iniba ko na lang ang usapan naming.

"Alam mo ba? Napakablessed ko na mapadpad ako dito. Pagkatapos kong magtapos ay hindi ko alam kung saan ako magtatrabaho. Tapos nakilala ko si Lola—Este Donya Charlotte sa isang coffee shop."

"Talaga po? Hala! Paano?"

"Nakita niya akong nagbabasa ng libro. Isang classic na Filipino novel. Lumapit siya sakin at tinanong kung anong libro yung binabasa ko. Tapos ayun, kwinento ko kay Donya Charlotte yung story. Tuwang-tuwa pa ako nun. Malaman-laman ko lang na siya pala ang author ng story na 'MAPA' na binabasa ko. Tapos ayun, nag-offer siya kung pwede ko daw turuan yung isang apo niya. Anong grade na ba yun?"

"Grade? Naku hindi ho--- Hala! 7:30 na po, Miss Carmela. Kailangan niyo na pong bumaba."

Tumango ako at sinundan ko si Tin. Lumabas kami ng bahay para tumungo sa hall kung saan kami kakain ng hapunan. Malapit na kami ng bigla akong tinawag ng kalikasan.

"Teka, Tin. Okay na ako dito. Magbabanyo lang ako saglit. Saan yung malapit na CR?"

Tinuro ni Tin yung banyo tapos tumakbo ako papunta doon. Nararamdaman ko na kasi yung malaking patak ng ulan sa braso ko. Lord, hindi po ako pwedeng mabasa. Puti pa naman po itong bestida ko.

Mabilis akong nag-CR dahil medyo madilim ang paligid. Nung papunta na ako sa labas, nakita ko yung lalaking binato ko kanina. Nakablack siya na long sleeve at pantalon.

Mabait naman ako pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at parang feel kong mang prank ngayon.

Nagtago ako sa likod ng pinto at sinitsitan ko siya, lumingon siya paligid pero di niya ako nakita. Naglakad ulit siya pero bigla siyang huminto nung sitsitan ko ulit siya. Lumingon siya sa akin at biglang nanlaki yung mata niya.

Paano ba naman, nakalagay yung buhok kong mahaba sa harap ng mukha ko tapos tinapat ko yung flash light ng cellphone sa mukha ko. Bwahahaha!!!

Sinubukan kong lumapit sa kanya para gawin pang katakot-takot ang eksena kaya lang nagulat ako ng bigla niyang hinawakan niya ang braso ko, at hinila. Kasabay nun ay ang paghulog ng paso mula sa mataas na bintana.

Muntik na akong mahulugan ng paso.

Humarap ako sa kanya kaya lang sa hindi ko alam na dahilan ay na-out balance ang mokong na to at natumba kaming pareho sa sahig.

"Ken! Miss Carmela! Anong ginagawa niyo dyan?" nagulat ako ng makita si Donya Charlotte kasama si Tin pati yung apat na lalaki na tumulong sakin kanina.

Gulat at nagtataka ang ekspresyon ng mga mukha nila. Tiningnan ko yung kasama ko at totoo nga palang nakakagulat yung nakita nila. Oh my dear! My identity! Ang dignidad ko!

Yung posisyon naming dalawa. Lupa. Kainin niyo na po ako... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Sa Huli (SB19 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon