Sa harap nang salamin,
Nabasag ang aking damdamin.
Oh kilay kong hindi pantay!
Kaharap ko ba ay patay.
Aking maputlang balat,
Ang lipstick na walang kulay.
Ang aking mukang walang buhay.Sa paglagay nang kilay, pataas, pababa.
Hindi pa rin tumatama.
Umabot nang ilang minuto,
Hindi pa rin natututo.
Ugh! Bakit ba kase ganito!
Ang gusto ko ay multo!
Kailan ba ako matututo?Oh kilay kong hindi pantay,
Nagmumuka na akong kikay.
Mula sa buhok hanggang damit,
Lahat ay pangit!
Bibili lang naman ako nang tinapa.
Dadaan sa sementeryo at magpapansin
Sa sinisintang dun nakalibing