iii

0 1 0
                                    

Magandang umaga!
Bumangon ka na!
Huwag antayin ang bibig ni mama,
Sapagkat naku, lagot ka,
Iingay ang iyong buong umaga.
Maghugas kana nang pinggan,
Pagkat siyay nakakarinding pakinggan.
Pero kahit siya ay ganyan
Mahal ko yan.
Mahal ko ang nanay ko,
Gumuho man ang mundo.
Kahit armalite ang bunganga niyan,
Gusto ko paglagi siyang ganyan.
Pag tumigil na iyan,
Dalawa lang ang dahilan.
Natuto kana,
O wala na siya.
Lahat ng ginagawa niyay para sayo
Para ikay matuto.
Kaya ikay sumunod!
Para sa ikabubuti mo.
Siyay nagsakripisyo para sayo,
Matuto ka ring magsakripisyo.
Kahit ganyan yan,
Mahal ka na niyan.
Kase walang Ina ang hahayaang masaktan ang anak niya.

PoemsWhere stories live. Discover now