Art Of Music

21 7 2
                                    

Matagal na panahon simula nang itigil ko ang pagguhit. Katulad na nga ng nangyayari ngayon ay unti-unting nawawala ang interes ko sa pagtugtog. Madalas ay wala ako sa konsentrasiyon. Kaya naman, lagi akong napupuna ng Band Instructor namin. At sa akin na rin ang atensiyon ng lahat. Araw-araw ay ganoon nga ang nangyayari. Hanggang sa isang araw ay naisipan kong hindi na lang muna umattend. At madalas ay iyon nga ang nangyayari o sabihin na nating hindi na nga ako pumupunta, pawang naglaho na nga. Dumating sa punto na hindi ko inaasahang matatanggal ako sa grupo. Sa katunayan, ang grupo namin ay isa sa pinakasikat na banda. Kaya naman, marami ang nangnanais na lumipat sa eskwelahan namin. Bukod sa maraming maganda at guwapo ay napakatalentado pa. At iyon nga ang nangyari. Natanggal ako at napalitan sa puwesto bilang isang Lead Guitarist. Nang araw ding iyon ay may transferee sa amin. Si Dwyne, iyon ang pagkakarinig kong pangalan niya. Seryoso lang akong napatingin sa kaniya ngunit iba ang ekspresiyon ng mukha nito. Lumabas ako ng diretso lang ang tingin hanggang sa matapat ako sa ART CLASS. Nilingon ko ang loob nito at nakita kong pinagkakaguluhan ang likha ni Andrei. Kilala ko siya at ni isa ay walang makatalo sa kaniya dahil sa sobrang galing. Umalis lang ako ng hindi alam ang pupuntahan, hanggang sa naisipan kong magtungo na muna sa FOODCOURT. Nakita ko ang aking mga kaklase kaya pinuntahan ko agad ang pwesto nila.

"Oh, ba't nandito ka? Hindi ba't may klase ka pa sa Music Class?," bungad ni Rhey.

"Hindi na kailangan pang pumasok ako," seryoso kong sagot pagkaupo.

"Bakit aii?," si Jeeann.

"Natanggal na ako," walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Eh?!," silang lahat.

"Ba't ka naman tatanggalin. Eh, magaling ka naman, ah," si Aleeya.

"Oo nga, tyaka ang expert mo kaya pagdating sa mga ganyan," si Steve habang ngumunguya ng karoke.

"Pero bakit ka ba kasi nila tinanggal? Sayang, ang galing-galing mo pa naman," nakapangusong ani Jeeann saka pinagkrus ang mga braso.

"Tch! Hayaan mo na," iyon lang ang nasabi ko.

"Pero, bakit ka ba kasi natanggal? Ikaw kasi, 'di ka nagseseryoso. Magseryoso ka nga kasi---," sabay sinasapak-sapak ako sa kaliwang braso ko.

"Psh, wala ka ng magagawa," sabay kuha sa plato niya saka sumubo.

"Luhh, pagkain ko 'yan, ah."

"Akin na lang 'to. Masarap, eh, paborito ko pa naman," nakangisi kong sinabi, medyo puno bunganga ko.

"Sige na nga. Basta, libre mo din ako bukas."

"Oo ba?"

Mga ilang araw matapos ang mga pangyayari ay tila ang daming nagbago. Na 'yung dating subsob ako sa pag-aaral ng ibang instruments at pagtugtog sa mga ito ay hindi ko na nagagawa pa. Ewan ko ba kung bakit pero mukhang nasanay na rin ako. At ni minsan ay 'di ko na magawa pang pasukin ang MUSIC ROOM para tumugtog hangga't gusto ko. Pero wala, eh. Nag-iisip na lang ako ng mga bagay-bagay na maaari kong gawin dito sa bahay. Magbabasa, manonood, kakain, makikinig ng music at kung ano-ano pa. Maliban lang sa pagtugtog ay 'di ko na talaga ginagawa. Ngunit may mga pagkakataong inuutusan ako ni papa upang linisin ang MUSIC ROOM. Sa totoo lang, napipilitan pa akong gawin iyon. Eh, sa hindi ko naman pwedeng balewalain ang utos niya dahil sa akin nakatoka ang responsibilidad at obligasiyon na panatilihing malinis at maayos ang MUSIC ROOM. Bagama't tumutulong ang mga kapatid ko pero ayoko lang talaga na nakakakita ako ng mga instrumento. Kaya nga minsan ay hindi ako magawang mapapayag ng aking mga kapatid para sabayan silang tumugtog. At lagi ko na lang idinadahilan ay busy ako, marami akong kailangang tapusing requirements, may gagawin pa ako at kung ano-anong rason. Makaiwas lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Art of Music (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon