Chapter 07

4 0 0
                                    

"Ate Kiera!" sigaw kong tawag sa kaniya dahil sa sobrang lakas ng music sa paligid. Naiangat naman niya ang ulo at gulat ng makita ako. "Rain! You're here!"

"Lasing ka na!"

"Ha?! hindi! Hindi ako lasing!"

"Umuwi na tayo! Hahatid na kita!"

"Hindi nga ako lasing! Tara inom ka na din!"

Kung sino pa din talaga ang mas matanda sila pa ang sakit sa ulo! Kaya wala na din akong nagawa kundi ang samahan nalang din siya. Buong mesa niya ang daming bote ng alak. Lahat talaga 'to ininom niya?! walwalera talaga. Partida tanghaling tapat pa.

"Rain! Ang panget pala talaga ni Tristan no?! ang panget niya tapos ang baho pa!"

"Hindi ko na siya gusto!"

"Panget niya tapos ang baho pa!"

"Tapos mabaho pa at ang panget niya!"

Lasing na talaga siya. Muka naman din na alam na niya na ang crush na crush niya ay sobrang landi at maharot, feeling ko nga din ay nakita niya din ang nakita ko kanina. Sa wakas mukang natauhan na din siya.

"Buti ka pa rain wala kang problema!" naging dagdag niya pa.

Akala mo lang. Kung alam mo lang sobrang confused na din ako sa buhay ko. Tinawag ko ang waiter at um-order ako ng alak at sisig.

"May problema din ako no! Fresh na fresh pa nga eh"

"Talaga?! Ano? o Sino?"

Sa palagay ko naman ay malakas na ang tama ng alak sa kaniya kaya baka hindi na niya matatandaan ang mga sasabihin ko ngayon, susubukan ko na mag-open sa kaniya.

"Feeling ko may nagugustuhan na ako"

"Weh?! sino?! sa trabaho? Ang bilis naman!" look who's talking? Nag papakalasing ka na nga kay Tristan eh.

Huminga pa ako ng malalim bago muling magsalita " Pero hindi pa kasi talaga ako sigurado kung gusto ko ba siya" baka kasi nadaan lang ako sa itsura niya or what o sadyang kagusto gusto lang naman ang pagiging siya.

"Nalilito ka kung gusto mo siya? Naku! Crush mo lang yan, sa edad mo na yan, tama na ang crush crush!"

Siguro nga, baka pag hanga lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Kung lovelife ang hanap mo, hindi ka naman mamomoblema! Ang ganda mo kaya! Kahit sino mabibingwit mo. Pwede ka na nga maghanap dito eh!"

Tsk.

Habang nakaupo ay inom lang din ako ng inom at kain ng pulutan. Napapa indak na nga din ako sa music na nandito! Niyaya naman ako ni Ate Kiera na sumayaw sa dance floor kaya hindi ko na din siya natanggihan.

Sobrang lakas ng music at lahat ng tao ay ine-enjoy lang din ang tugtog habang sumasayaw. Dahil nandito naman din ako, at inalalang single naman pala ako. Sumayaw at kumendeng din ako na para walang bukas!

Tama!

Single ako!

At hindi ko dapat ituon lang ang sarili ko sa isang tao, hindi ko dapat ituon ang atensyon ko sa isang lalaki lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The Clouds (Serendipity Series #1) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon