Chapter 02

7 0 0
                                    

Naalala niya kaya ang kasalanan niya? Natandaan niya ba yung nangyari kahapon?! Mag so-sorry ba siya? Natataranta pa ako habang sinisilip siya sa peephole ng pintuan at kita ko pa siya na nagkakamot sa sariling buhok na parang naguguluhan!

Pagbubuksan ko ba siya?

Oo! Malamang!

Ito na naman ako, nakikipagtalo sa sarili!

Pinakalma ko muna ang sarili at huminga ng malalim tsaka binuksan ang pinto na parang inosente lang sa lahat ng bagay.

"Sir Liam? May kailangan ka?" pwede na akong mag artista.

"Oh Hi Rain. Uhmm" sagot nito na parang nalilito at pansin ko pa ang pamumulsa nito sa pants niya na parang may kinukuha doon.

"Is this yours?" sabay angat niya sa bagay na nakuha!

Yung ipit ko!

Tae!

"Nakita ko kasi to sa kwarto ko. May I know? Were we together last night?"

Taeng tubol na talaga!

"Uhmm" pano ko ba sisimulan?! "Rain?" tawag niya pa sa pangalan ko. Ayoko maging kabit! Ma! Pa! Gusto ko naman mag ka-jowa pero hindi maging kabit! Alam niyo yan!

We-wait baka naman mag so-sorry yung tao, kung ano ano na kasi iniisip ko eh.

"Wala po ba kayong naalala?" naging tanong ko dito.

"Actually meron but-I want to know the whole truth from you"

Taeng basa!

"And I wish what I remembered is wrong" dagdag nito. Tumungo na siya at ginalaw galaw pa ang singsing na nasa daliri nito. Nakailang hinga pa ito ng malalim hanggang sa bumalik ulit sa akin ang paningin niya.

You wish that everything you remembered is wrong?

Hindi ba dapat na humingi ka muna ng tawad sa bagay na hindi mo sigurado kung nangyari ba. Para naman malaman ko na tanggap mong ikaw ang nagkamali at hindi ako.

You wish that everything you did is wrong? You acting like not a man!

"You kissed me"

"Shit!"

Shit?

"Look, Rain. May asawa ako-shit! shit! Sabi ko na nga ba. Well that was just a kiss, right? Let's say that was never happened okay?"

Ha?!

"Look Sir-look Liam-" hindi ko na dapat siya galangin. Inayos ko na ang tayo ko sa harap niya at tinignan na siya ng masinsinan sa mga mata niya.,

"I don't care if you're a married man. Hindi ko naman sinabing panindigan mo ang ginawa mo-it was just a kiss like you said. But-" then I rolled my eyes.

"But-may I receive a 'sorry'?. I just took care of you kahapon kasi lasing ka at pagewang gewang na sa daan. And you kissed me without my permission."

Oo lasing ka nun pero-ngayon ito ang ibubungad mo sa akin, 'Let's say that was never happened okay?'

Taeng tubol ka!

"Sorry. I just got shocked" I rolled my eyes again. Mag so-sorry ka na nga lang may dahilan pa. I am not being toxic here, it just that I expect him to be more matured. But I guess my expectation is wrong.

Hindi ko na siya binigyan ng reply at nilahad nalang ang kanang palad ko bilang aksyon na kukunin ko na ang ipit ko. Nagsalin pa ang tingin niya sa akin at sa kamay ko tsaka napagtanto ang gusto kong mangyari at agad niya naman niyang inabot sa akin ang ipit.

Behind The Clouds (Serendipity Series #1) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon