Chapter 05

0 0 0
                                    

Pagkarating kong bahay ay tawag ni papa ang agad na sumalubong sa akin. Paakyat na nga din akong kwarto nang sinagot ko 'yun.

"Oh pa?"

"Kakauwi mo lang ba? Kumusta first day?" naging tanong niya sa kabilang linya habang nakaupo naman na ako sa kama at tinatanggal ang sapatos na suot suot.

Kumusta nga ba? Hmm well, I can say na I'm excited for tomorrow.

"Okay naman pa. Masaya"

"Mabuti naman kung ganun-mabait naman ba ang boss mo?"

"Yes" I smiley said at muling inalala ang kaninang nangyari sa opisina. Meron na naman sa loob loob ko na parang nagwawala sa kaka ibang pakiramdam na nararamdam.

Feeling ko tuloy mali 'to.

Like I said. I think I'm in danger.

"Muka nga namang masaya ka, rinig ko ang hagik mo dito eh"

"Hala si papa! Hindi naman"

"Oh siya sa susunod na buwan pa ako makakauwi, ganun din ang mama mo. Alam mo naman ang dahilan kaya sana naiintindihan mo"

Syempre. Ano pa ba. Doctor sila pareho at may ari din ang pamilya namin ng tatlong malaking hospital sa bansa. Kaya marami talagang koneksyon ang pamilya ko. Understandable naman talaga kung bakit bihira ko silang makasama. Malungkot? Syempre naman din kaso ganun talaga eh. Intindihin nalang talaga.

Pero pasalamat lang din talaga ako na hindi nila ako pinush sa trabaho na gusto nila at naging kurso ko. Ayoko ko kasi talagang mag doctor o anything na related sa medicine.

Iniisip nga din nila kung paano nila ipapamama sakin ang lahat ng meron sila kung wala akong alam patungkol sa Hospital. Dahil sa malakas ang loob ko edi sinabi ko sa kanila na sa magiging apo nalang nila. No choice sila no.

"Palabhan po, bukas ko kaagad ng umaga sila susuotin" bumaba ako sa mga tao dito sa amin para asikasuhin ang mga nabili ko kanina sa mall.

Habang hindi pa man din ako dinadalaw ng antok ay pumunta muna ako sa pool area ng bahay at naisip na doon muna tumambay at magpapadalaw ng antok.

It's distracting...

Napahawak tuloy ang dalawang palad ko sa muka. Taeng salita kasi yan! Hindi talaga nilulubayan pagkatao ko!

Sir, naman kasi!

Naisuka ko tuloy yung sinabi ko noon.

May pasumpa sumpa pa ako na hindi ko na siya gugustuhin tapos ngayon, hindi ko na mapigilan yung mala bagyong kilig ko sa kaniya. Kung hindi ko lang kasi talaga nalaman ang totoong dahilan ng pinagdaanan niya, edi sana galit pa din ako sa kaniya hanggang ngayon.

Eh masisi ko ba sarili ko? Kung ganun tao ba naman kasi? Hindi naman talaga mahirap gustuhin. Guwapo, committed sa trabaho, mayaman, gentleman tapos-basta!

Rain! Papaalala ko nalang ulit sa'yo, may naging asawa na siya. Hinay hinay muna ang puso baka masaktan kaagad.

Gumising uli ako ng mas maaga sa karaniwan kong gising para mas maraming oras upang mag ayos ng sarili, kaya lang hindi naman maganda ang bungad sa akin ng umaga dahil sa pananakit ng puson ko-at alam ko na ang kasunod nito. Sa kalagitnaan ng pagliligo ko ay hindi na ako nagtaka na meron nga ako.

It's red days of the month.

Tunay na babae ako ngayon ah. Kakainis.

Ang hirap pa namang umawra kapag meron!

Behind The Clouds (Serendipity Series #1) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon