AN : CHARACTERS. PLACES. DATES. PANGYAYARI. Kathang isip lamang po
Hi. ☺️ Im Nikka Plaridel 18 yrs. of age from Pinagpala St. Langit City. 3rd yr. college student BSBA po course ko. Simple lang ako. Morena. 5'4 height. Chubby. NBSB ( No Boyfriend Since Birth ) Hindi naman ako kapangitan. Pero hindi ako yung tipo ng babae na lilingunan mo. May mga nanliligaw naman sa akin. Kaya lang hindi ko sila napapansin dahil nasa iisang lalake lang tumitibok ang puso ko. Sya si Nikko Collins. Bestfriend ko. Half american. Heartrob sa campus. Varsity player. Maraming nahuhumaling sa kanya kaya hindi nyo na ako masisi kung bakit 10 yrs. na ako may silent feelings sa bestfriend ko. Sobrang lambing nya. Kaya siguro madali sya makapag palit palit ng babae. Madaming naiinggit sa akin kasi lagi kami magkasama ni Nikko. Sabay din kaming pumapasok dahil magkatabing bahay lang kami. Swerte nga ba ako?
NowPlaying : Fantastic Baby ( ALARM TONE )
First day of class. Third yr. college na ako. Konting tiis nalang makaka graduate na ako. Nag ayos na ako ng sarili ko. Maya maya may naririnig na akong busina sa labas ng gate namin. Bigla naman kumatok yung maid namin.
TOK TOK TOK
Mam Nikka anjan napo si sir Nikko - YAYA IRMA
Ok ya. Pababa na ako. - Ako
Pagbukas ni yaya ng gate bumungad ang isang napaka gwapong nilalang sa balat ng lupa.
Bess? Tara na! - ( Nakangiting yaya sa akin ni Nikko )
Hindi ako nakasagot. Dumeretso lang ako sa kotse nya tapos pinagbukas nya ako ng pinto. Palagi naman nya ginagawa sa akin to pero hindi ko alam bakit napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Siguro namiss ko lang sya dahil buong bakasyon nasa america sya.
Tahimik lang ako habang nasa byahe. Ganon din naman sya kaya mas pinili ko nalang manahimik din.
Nag park na si Nikko sa parking lot ng LOVE UNIVERSITY. Tapos sabay na kami pumunta ng class room namin. Oo. Magkaklase kami sa LAHAT ng SUBJECTS. Pareho kami ng course. Kaya bawat segundo nakikita ko sya. Masaya pero mahirap lalo na lalong lumalalim pagmamahal ko sa kanya.
